CHAPTER THIRTEEN💙

203 20 4
                                    

ZEIDEN'S POV

Saturday!

May gana ba ako?

Pagkatapos nang mga makabuluhang pangyayare kahapon Zeiden  sa tingin mo magkakagana ka? Ayos ka lang?

Tss!

Nakakatamad!

Napabalikwas ako sa pagkakahiga  nang biglang mag ring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha.

Tiningnan ko ito habang nakapikit ang isa kong mata.

KWAGO'S CALLING

"Oh!"

"Hello"

"Napatawag ka?" tanong ko.

"Sasama ka mamaya?" tanong niya.

"Oo"

"Good"

"Si Paige ba? Sasama?"

"Oo, susunduin ko si Paige mamaya eh"

Malanding kwago!

"Tss"

"Oh bakit?" tanong niya.

"Wala, nakakapanibago lang bro" nakangiting sabi ko. Natatawa.

"Bakit nam--"

"Kayo ba ni Paige?" biglang tanong ko dahilan para matigilan siya.

Tss! Well nasagot na tanong ko!

"H-Ha? Kami ni Paige No way!"

Sinungaling pero kung makadikit kay Paige nung nakaraan eh Tss! Nako po Kwago!

"Weh?"

"Oo nga"

"Okay"

"Eh..kayo ni Cena?" bigla din tanong niya.

Ha! Potek! Peste! King ina!

"Oh bakit natahimik ka Zeiden?" tanong niya.

Speechless bro!

Yay! Bading Zeiden!

Tss!

"H-Ha?"

"Oh tamo! Hahahaha! Napaghahalataan!" natatawang sigaw niya sa akin.

"Walang kami noh!" sigaw ko sa kanya.

"Guilty?"

Guilty amp!

Crush ko lang siya pero walang kami!

Hindi ko nga alam kung may gusto siya sa akin eh

Huhuhuhuhuhu Cena!

Nakaramdam ako ng panlulumo dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko.

May pag-asa bang maging tayo Cena? Magkakagusto ka rin ba sa akin? Mapipili mo ba ako kung saka sakali? Mamahalin mo rin ba ako?

Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong tanungin sa kanya pero may kung ano ang pumipigil sa akin na gawin yon.

Natatakot akong masaktan. Yon lang yon!

Natatakot akong alamin ang katotohanan!

Natatakot akong umamin sa kanya. Natatakot ako!

Cena..

Naisip ko nga, kailan kaya ako makakahanap ng tanong mamahalin din ako.. Saan ako makakahanap ng ganung tao. Yung taong tatawagan ka kapag nakauwi ka na sa bahay mo, sasabayan ka tuwing recess,yung aalagaan ka kapag may sakit ka,yung buong puso ka niyang mamahalin... Saan kaya ako makakahanap niyon!

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Where stories live. Discover now