Ryu

3.4K 173 4
                                    

Habang kinakausap ko kanina si Jeje ay hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan siya? Siguro ay concern lang din siya kay Mica kaya kinakabahan siya kung sino ang pumatay. Hindi ko naman siya masisisi dahil kinakabahan din naman akong malaman kung sino ang gumawa ng pagpatay.

            Kahit kasabay ko siyang pumasok sa aming classroom ay pakiramdam ko ay parang may invisible na pader na nakaharang sa aming dalawa. Para bang may mga oras na Masaya siyang makikipag-usap sakin at meron ding mga oras na para bang gusto niyang tumakbo palayo sakin?

           

            “Jeje mayroon ka bang problema?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa room.

            “Ano ba Ryu, siyempre nag-aalala lang naman ako sa gagawin mong hakbang para malinis ang pangalan mo. Baka kasi imbes na malinis mo ito ay baka mas lalo mo lang masira ang iyong reputasyon”

            “Jeje sa buhay ng tao kailangan mong sumugal. Kung hindi ka lalaban kahit maliit lang iyong chance ipaglaban mo. Kung ang gagawin ko naman ay para sa ikabubuti ko baling-araw bakit hindi diba?” Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Kaibigan ko talaga si Jeje dahil ramdam ko ang pag-aalala niya para sakin. Si Jeje ang isa sa mga kaibigan ko na sumuporta at nagmahal sakin.

            “Ewan ko sayo baliw!” Sabi niya sakin at tumakbo papasok sa loob ng room, tumawa naman ako sa kanya.

            Habang naglalakad ako papasok sa aming classroom naririnig ko na naman ang bulungan ng ibang tao. Bakit nga ba hindi? Eh ako ang nadidiin sa pagkamatay ni Mica, sana nga ay hindi na lang namatay si Mica para hanggang ngayon ay wala pa din akong pinoproblema.

            Ang hirap kasi sa pakiramdam ng pinipilit mo ang sarili na makisiksik sa iba ngunit alam mo namang wala kang lugar dito.

            Umupo ako sa aking upuan at napalingon ako sa aking kaliwang bahagi at nawala na namang muli ang aking ngiti ng Makita na bakante ang upuan dito… Si Mica kasi ang nakaupo dito. Hindi pa din ako sanay hanggang ngayon na wala ang presensya ni Mica.

            “Namimiss mo na siya noh?” Biglang sabi ni Jane, isa ko pang seatmate. Medyo naging kaclose ko nadin tong babae to kasi matagal na din kaming magkatabi dahil magkasunod lang ang apelyido namin.

            “Sinong hindi diba?” Sabi ko sa kanya at tumawa. Madalas kasi dati ay naghaharutan kaming tatlo nila Mica at masayang tumatawa pagkatapos.

            Biglang sumeryoso ang mukha ni Jane. “Ryu hindi ako tanga para hindi malaman na ikaw ang nadidiin sa kaso ni Mica… Gusto ko lang malaman mo na naniniwala ako sayo na wala kang kasalanan sa nangyari. Alam kong hindi mo iyon magagawa kay Mica.”

            “Maraming salamat sayo Jane, hindi mo alam kung gaano mo napagaan ang aking pakiramdam” Sabi ko sa kanya. Feeling ko kasi kahit na libo-libong tao ang nanghuhusga sakin ay mayroon pa din akong mga kaibigan na patuloy na naniniwala na malinis pa din ang aking pangalan.

Bigla ko naman naalala si Missy dahil may kutob pa din ako na may nalalaman siya sa mga nangyayari. “Siya nga pala Jane, alam mo ba kung nasan na ngayon si Missy?”

RunawayWhere stories live. Discover now