Jessica

3K 137 0
                                    

Chapter 11 “Jessica”

            Nakatitig lang ako ngayon sa harap ng Police Department, sobra akong natatakot at nalulungkot kapag iniisip ko na sa susunod na linggo ay sa lugar na ito na ako mananatili. Masakit pero iyon kasi ang katotohanan, nakapatay ako. Period. No more further explanation dahil kahit anong pagtatanggol ang gawin ko sa sarili ko ay napatay ko parin si Mica at hindi iyon magbabago ng kahit anong mga salita na lalabas sa bibig ko.

            “Jessica tara na” Aya sakin ni Missy at umalis na kami sa harap ng Police Department. Plano ko na rin naman talaga sumuko kaso ay gusto ko munang magkaroon ng oras upang magpaalam at humingi ng tawad sa mga taong sobrang naapektuhan sa mga nangyari.

            Muli kong binuksan ang aking payong at sumuong sa malakas na ulan kasama si Missy. Sabay kaming papasok ni Missy, nagulat nga ako kanina ng Makita siya sa tapat ng bahay namin. Naikwento niya na rin ang pag-uusap nila ni Ryu, sobrang naiiyak ako dahil meron akong kaibigan na maunawain at nag-iintindi sakin.

            “Sigurado ka na bang sa kanila mo gusto unang humingi ng tawad?” Tanong sakin ni Missy, sobra akong humahanga sa kabaitang taglay ni Missy. Kahit na ang dami kong bagay na nagawa at pinagbantaan ko pa siya, nandito parin si Missy sa aking tabi at hindi ako iniiwan sa aking mga problema.

            “Oo sigurado na ko Missy, alam kong isa sila sa mga naapektuhan sa aking ginawa. Alam kong dahil sa kasalanan ko’y nasira na ang malinis nilang reputasyon… Sa kanila ko gusto unang humingi ng tawad dahil ito na ang aking naging pangalawang tahanan” Sabi ko kay Missy at ngumiti ito sa akin na parang pinapalakas ang aking loob.

            Nandito na ako ngayon sa tapat ng aming paaralan, ang lugar kung ‘san ko unang gustong humingi ng tawad. Ang paaralan na ito ang naging tahanan ko sa mahabang panahon, dahil sa kasalanan ko ay dinungisan ko ang pangalan nila at nagbigay ng malaking problema. Maaring sa susunod na taon ay kumonti ang gustong mag-aral sa paaralang ito dahil sa kasalanang aking nagawa.

            Naglakad kaming dalawa papunta sa Principal’s Office, para sa ibang estudyante ay nakalimutan na nila ang nangyari ngunit para sakin ay isa itong bangungot na sobrang hirap kalimutan.

            Tahimik lang silang naglalakad at tanging mga tunog ng takong ng kanilang sapatos ang naririnig. Naglalakad silang dalawa ng merong isang lalaki na nakasandal sa pader na kumuwa ng atensyon nilang dalawa.

            “Kiko?” Tanong namin at lumapit na ito saming dalawa. Naguilty naman ako dahil isa si Kiko na napagsinungalingan ko kahit na tinutulungan niya ako.

            “Kamust---“ Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil agad ko siyang yinakap at tumulo na naman ang luha sa aking mata.

           

            “Sorry, Kiko sorry” Nasabi ko sa kanya at isinisiksik ang aking sarili sa kanyang braso, natatakot akong Makita ang ekspresyon ni Kiko dahil natatakot akong magalit ‘to sakin.

            Naginhawaan lamang akong bigla niya akong yakapin pabalik.

RunawayKde žijí příběhy. Začni objevovat