Missy

3.1K 152 3
                                    

Chapter 7 “Missy”

            “Ma’am. Hindi na po ako makakasama sa seminar.” Mahina kong sabi habang pinipigil ko ang sarili ko sa paghagulgol sa pag-iyak, ngunit ang mga luha ko ay para bang may sariling buhay kaya naman isa-isa itong pumapatak

            Kausap ko ngayon si Ms. Amano sa cellphone at kahit masakit sakin ay hindi na ako sasama ng seminar na matagal kong hinintay.

            “Hah? Bakit Missy? Isa ka sa matatalinong bata sa batch niyo, malaking tulong ang seminar na iyon para sa iyo. Sigurado ka bang hindi ka na sasama?” Tanong sakin ni Ms. Amano at base sa boses nito ay bakas dito ang pagtataka dahil ako pa nga ang excited dati sa Seminar na ‘to.

           “May problema po kasi dito sa Orphanage at kailangan po ni Nanay Juana ng tutulong sa kanya pansamantala. Hayaan niyo na po babawi na lang ako sa susunod” Sabi ko, buti na lamang sa cellphone ko kausap si Ms. Amano dahil kahit bakas sa boses ko ang sigla… Hindi pa din tumitigil ang mata ko sa pagluha.

            Isang pangarap ang iiwanan ko dahil lang sa krimen na iyon. Bakit ba kasi ako pa ang naging saksi? Bakit ako ang nalagay sa sitwasyon na ‘to? Pwede naman ang ibang tao di’ba? Bakit ako pa? Lahat ng pangarap ko para sa sarili ko ay unti-unti ng nasisira.

            “Naiintindihan ko Hija. Sana maayos mo ang problema niyo diyan” Sabi ni Ms. Amano at ibinaba ang cellphone.

            Doon na ako nagbreak-down. Napatakip ko na lang ang dalawa kong kamay sa aking mukha upang hindi makagawa ng ingay at maitago ang sakit na nararamdaman ko.

            Tuwing naiisip ko na magsumbong o magkwento kay Nanay Juana. Lagi kong naalala ang sinabi sakin ni Jessica

           

"Sa orphanage ka lang nakatira Missy. Sa tingin mo, kapag idinawit kaya kita sa krimen na to... san ka kaya pupulutin?"

 

Kapag naalala ko ‘yan, napanghihinaan na ko ng loob. Natatakot ako na magalit sakin ang mga tao dito sa Ophanage. Sila ang nag-alaga sakin simula abandonahin ako ng mga magulang ko. Malaki ang utang na loob ko sa bawat tao dito sa Orphanage.

Sa mga oras na ‘to, hindi ko maiwasan na isiping magpakamatay. Masisisi niyo ba ko? Kapag nagsumbong ako maaring baliktarin ni Jessica ang kwento. Maari niyang sabihin na pinatay ko si Mica dahil kami ang magkalaban sa pagiging Valedictorian.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng aking kwarto, “Missy handa na ang hapuna--- Oh, bakit ka umiiyak na bata ka?”

Bakas sa mukha ni Nanay Juana ang pag-aalala sakin, ramdam ko ang pagmamahal niya sakin kahit hindi niya ako tunay na anak. Pero kapag nalaman niya ba ang totoo na nadawit ako sa krimen na nakita lang ng dalawa kong mata, ganyan parin kaya ang trato sakin ni Nanay Juana.

Natatakot ako SOBRA! Ayokong ayawan ako ng mga taong mahal ko at nagmamahal sakin. I don’t like the feelings that everyone’s hate my guts and presence. This is the first time that I want to isolate myself in others. Ayokong Makita nila ako sa gan’tong kalagayan. Ayokong Makita nila ako na mahina. They know me for my bubbly attitude.

RunawayWhere stories live. Discover now