Ryu

3.1K 146 2
                                    

Chapter 10 “Ryu”

            “Kuya kumain ka na raw ba sabi nila Mama?” Sabin g aking kapatid habang kumakatok sa may pinto ng aking kwarto.

            “Nakakain na kamo ako sa school, pagod ako and please wag niyo ‘kong istorbohin” Sigaw ko sa kapatid ko at nakarinig na ko ng yabag palayo.

            Muli kong isiniksik ang mukha ko sa yakap kong unan at pumatak na naman ang aking luha. Nakatitig lang ako sa aking cellphone at tinititigan ang number ni Tito Edgar, sasabihin ko ba sa kanya ang katotohanan?

            Kahit na sinabi ko na sasabihin ko ito agad-agad kay Tito Edgar. Mahirap pala talagang gawin, lalo na kung sangkot ang taong mamalapit sakin. Mga taong hindi ko kayang mawala at tumulong buuin ang aking pagkatao.

            Sasabihin ko ba o hahayaan na lang si Jessica? Hindi ko pa rin talagang magawang magdesisyon.

            Napalingon ako sa labas at nagsisimula ng bumuhos ang ulan, mukhang nakikisabay ang panahon sa kalungkutan na nadarama ko, sana’y naituturo sa paaralan ang gantong problema para naman hindi masakit sa dibdib at madaling bigyan ng solusyon.

            Tumitig ako sa labas at pinagmasdan ang bawat ulan na papatak. Bakit kailangan pa kong maipit sa ganton kahirap na sitwasyon.

            Naririnig ko pa ang hagikhikan ng tawa ng aking pamilya sa ibaba at masayang kumakain ng hapunan, sana ay muli akong makangiti at makatawa katulad nila, walang mabigat na problema na iniisip.

            Sa panahon ngayon na sobrang nalulungkot ako ay si Jessica ang nakakapagpatawa sakin ngunit iba na ngayon, walang Jessica na tumutulong at nagpapalakas ng loob ko.

Nagvibrate ang phone ko at tinignan ko ito, actually kanina pa ‘yan nagvivibrate at puro tawag at text ni Jessica, hindi ko lahat yun sinago o nireply-an man lang dahil alam kong paulit-ulit lang siyang mag-eexplain at paulit-ulit lang naming pagmumukhaing tanga ang mga sarili namin. The cycle will just repeat again and again kung ipagpapatuloy namin ang komunikasyon naming dalawa. 

From: Kiko

Ryu anong nangyari? Tama ba ang hinala mo? Ayos ka lang ba?

 

Puro Tanong ang natanggap kong text galing kay Kiko, doon ko lang naalala na meron pa pala akong isang kaibigan na matatakbuhan ngayon, pinahid ko ang luha sa aking mata bagon ako nagreply kay Kiko.

To: Kiko

Magkita tayo, 7/11 malapit sa kanto namin.

 

Iyan ang maikling text na pinadala ko kay Kiko. Agad akong nagpalit ng damit dahil puno ito ng pawis, nagpolbo rin ako upang hindi masyadong mahalata ang mugto kong mata dahil sa kaluluha.

“Oh Ryu akala ko ba hindi ka kakain?” Tanong sakin ng Mama ko pagkalabas ko ng aking kwarto.

RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon