Jessica

3.7K 180 53
                                    

“Ryu ano ang mga itinanong nila sayo” Tanong ko kay Ryu pagkalabas niya ng room kung san kinausap siya ng mga Pulis. Si Kiko ay nagbabantay muna kay Mica

           

            “Tang ina, Jeje! Ano bang kasalanan ko? Bakit parang sakin nasisisi ang lahat?” Sabi ni Ryu pagkalabas niya at mahigpit niya akong niyakap, gumanti naman ako ng yakap at naramdaman ko na lang na unti-unting nabasa ang damit ko ng mga luha ni Ryu.

            Masaya akong nawala na si Mica at wala ng hadlang samin dalawa. Pero ang Makita na si Ryu na sa kanya nasisisi ang mga nangyari. Hindi kinakaya ng konsensya ko.

            “Maraming estudyante na nakakita samin na nag-uusap kami ni Mica sa garden nung nakaraan. They pointing their fingers on me! Just like fuck!” Sabi niya at nagulat ako ng malakas niyang sinuntok ang pader

            I hugged him tightly para ipakita na nandito lang ako para sa kanya… Lagi akong nandito kapag kailangan niya ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon sa matagal na minuto.

            “Salamat Jeje at andito ka sa tabi ko, salamat sa inyo ni Kiko kasi pinapakita niyo na nandito lang kayo lagi para sakin”

            “Of course… Lahat naman gagawin ko para sayo eh” Nagawa ko ngang pumatay para sayo eh, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hayok na hayok ako sa atensyon mo. Ano pa bang bagay ang hindi ko kayang gawin para sayo?

            “Jessica, alam mo ba ang cellphone number ni Missy? Pakiramdam ko kasi ay may alam siya sa mga nangyayari” Bigla naman akong nanlamig ng marinig ko ang pangalan ni Missy. May sinabi kaya si Missy? Tang ina, pahamak yung babae na yun ah!

            “Eh diba may number ka na niya?”

            “Ewan ko, after nung message niya sakin. Wala na kong text na nareceive galing sa kanya. Nagbabaka sakali lang ako na baka meron pang ibang number si Missy” Sabi niya sakin

           

            “W-wala na, pambili nga ng recess niya wala siya eh, sim pa kaya” I said then followed by a fake laugh.

***

Napagpasyahan ko ng umuwi dahil late evening na din at may pasok na bukas, inopen ko ang cellphone ko at puro message ni Missy ang nakita ko

Missy: Jessica, hindi ko na kaya.

Missy: Jessica sa tuwing nakakakita ko ng mga pulis ay hindi ko maiwasang kabahan

Missy: Jessica tulungan mo ko parang mababaliw na ko.

Madami pang iba. She’s overthinking kasi sa nangyari kay Mica kaya nagkakaron ng malaking impact sa kanya.

            Ang alam ko ay nasa Tagaytay siya ngayon kaya hindi namin siya nakikita.

            Sa pagkakataong ngayon na nagtatago ako. Ngayon ko lang masasabi na may silbe din pala ang pagiging theatre actress ko, madali lang palang magpaikot ng sitwasyon. Madali lang umarte sa harap ng maraming tao. Kahit nga ang magulang ni Mica ay napaniwala ko eh.

RunawayWhere stories live. Discover now