Ryu

5.8K 251 30
                                    

Nagkaklase na naman at normal naman lahat ng nangyayari eh. Kaso iba talaga eh! Parang kahit normal ang mga nangyayari pakiramdam ko may mali pa din.

Lalo kay Jeje, bestfriend ko yan siyempre. Alam ko na takbo ng utak niyan at alam ko na kung nalulungkot yan o hindi.

"Kanina ka pa lingon ng lingon kay Jeje ah" Bulong sakin ni Mica at ngumiti ng matamis sakin. Tumingin ako sa kanya at nangiti na din.  Parang sa ngiti niya nawala lahat ng iniisip ko.

"Wala, namiss ko lang ang bestfriend ko" Sabi ko sa kanya at lumingon muli ako kay Jeje... nakatingin siya sakin at dinilaan ako. Baliw talaga to

"Tagal niyo ng magkasama noh?" Sabi sakin ni Mica

"Oo, bata palang kami magkasama na kami ng babae na yan . Lahat ata ng kabaliwan ko sa buhay ay alam ng babaeng yan" Natatawa kong sabi sa kanya at ngumiti sakin si Mica

"Mica and Ryu stop flirting in my class" Sabi nung prof. ng maoita niya kami, palibhasa bitter dahil walang pumapatol sa kanya. Natawa na lang kami ni Mica.

***

Lunch time na at kasabay ko si Jeje na kumain, wala kasi si Mica dahil representative namin siya kaya nasa meeting siya. Bonding na rin namin ni Jeje kahit si Mica ang gusto kong makasama. Masisisi niyo ba ko? Siya kasi ang babaeng pinopormahan ko eh.

"Ryu tukman mo to masarap to" Sabi sakin ni Jeje habang inaabot ang isang slice ng hotdog.

"Ano ba Jeje, hotdog lang yan, pare-parehas lang lasa niyan. Tsaka purgang purga na ko diyan dahil tuwing umaga ay yan ang ulam namin" Sabi ko sa kanya. Para padin talagang bata si Jeje dahil napakamapilit nito.

"Ay. Magtatampo ko sayo, ipagkakalat kong dumedede kapa hanggang grade 6 sige ka." Pagbabanta niya sakin wala naman akong nagawa kundi kainin ang hotdog na kanyang inaabot. Sumilay ang isang napakalapad na ngiti sa kanyang mukha habang ako ay bagot na tumingin sa kanya. Ipagkalat daw ba ang sikreto ko.

"Very good" Sabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain niya, baliw talaga eh. Tumawa siya ng malakas after that

"Uy sa tingin mo ano gustong regalo ni Mica? Next week na kasi birthday niya eh hanggang ngayon nalilito pa din ako" Sabi ko sa kanya at nag-iba naman ang timpla ng kanyamg mukha. Kanina ay nakatawa siya pero ngayon ay parang pilit na ngiti na lamang ang kanyang ibinigay sa akin

"Pwede bang kapag magkasama tayo ... wag munang mapasok sa topic si Mica" Sabi niya at bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot. Naguilty naman ako dahil nga medyo nawawalan ako ng time sa bestfriend ko tapos puro si Mica ang bukambibig ko.

"Sorry." Malungkot kong sabi sa kanya. Lumingon siya sakin at napalitan ng malapad na ngiti ang kanina na malungkot niyang mukha.

"Joke, uto-uto ka talaga. Arte lang yung kanina kasi nga diba nagtetheatre ako. Galing ko yalaga umarte" Sabi niya at malakas na tumawa, dinig na dinig sa buong cafeteria ni Jeje... Para talagang hindi babae oo.

"Sa pagkakaalam ko mahilig siya sa Color pink at bukambinig niya si Hello Kitty, Bakit hindi nalang hello kitty stuffs ang ibigay mo sa kanya?" Sabi niya at ibinaling ang kanyang tingin sa kanyang kinakain

"Talaga?" sabi ko at binigyan niya lang ako ng tango.

"Salamat talaga bestfriend!" Sabi ko at bigla ko siyang niyakap, nadala lang naman ako ng emosyon ko... Sobrang tuwa siguro dahil napayuhan ako ng bestfriend ko.

"Wala yun. Yun naman talaga trabaho ko diba? Ang manatili sa tabi mo sa panahon ng kailangan mo ng makakapitan" Sabi niya sakin, para bang sobrang lungkot niya habang binabanggit ang mga salita na yan. Pero kapag titingin naman ako sa kanya ay nakangiti siya.

RunawayWhere stories live. Discover now