"Ryu"

2.8K 153 3
                                    

        Matapos kong kausapin si Missy kahapon ay hindi ko talagang maiwasan na malungkot para sa kalagayan niya, ngayon ay mas napatunayan ko na may alam si Missy sa mga nangyayari. Ang hiling ko lang sana’y hindi siya ang gumawa ng krimen. Ayoko na may masaktan ako kahit isa sa mga kaibigan ko.

            Tinignan ko ang hitsura ko sa salamin habang nakasuot ako ng itim na damit at simpleng jean na pants. Ngayong araw na kasi ang burol ni Mica, masakit man pero ihahatid na namin siya sa huling hantungan niya.

            “Ryu kaya mo ba talagang pumunta? Ikaw ang nadidiin sa kaso, baka kung ano ang mangyari sayo” Sabi ni Kiko sakin habang nakaupo siya sa sofa namin. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa kanyang mga salita.

            “Eto na ang huling beses na makikita at makakapiling si Mica, naging malapit din naman siya sakin. Wala akong pakielam kung ano ang sabihin ng ibang tao, Other people’s opinion isn’t important specially if they really don’t know what really happens” Sabi ko sa kanya habang sinusuklay ang aking buhok.

            “Sa tingin mo, tutulong sayo si Missy upang malutas ang kaso? Ituturo nga ba ni Missy ang killer?” Tanong sakin ni Kiko, wala naman kasiguraduhan dahi na kay Missy ang desisyon. Kung gusto ni Missy na mabigyang justice ang pagkamatay ni Mica… Alam niya naman kung pa’no ako mako-contact. Kung makikipagtulungan si Missy sa akin ay matutulungan niya na akong malinis ang pangalan ko, mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Mica, at mapanagot ang taong may sala.

            “Kung hindi siya makikipagtulungan sakin, let her conscience grudge her” Sabi ko at naglakad na kami palabas ng bahay.

            Totoong mabait ang magulang ni Mica dahil hindi nila ako sinisisi sa nangyari, hinihintay lamang nila ang resulta ng imbestigasyon ng mga pulis. Buti pa ang mga magulang ni Mica hindi ako sinisisi samantalang ang ibang tao ay parang ilang daang tao ang napatay ko kung husgahan ako.

            Habang sinusulyapan ko sa huling pagkakataon si Mica, hindi ko maiwasang maluha. Matapos ang araw na ito ay magiging isang matamis na alaala si Mica. This is the time that I would say goodbye to her.

            “Mica, wag kang mag-alala. Bibigyan kita ng katarungan, hindi makakatakbo palayo ang taong may sala. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sayo” Sabi ko habang kinakausap ang walang buhay na katawan ni Mica sa loob ng kabao.

            “Ryu ayos ka lang ba?” Napapahid ako sa aking luha ng biglang tumabi sakin si Jessica, napatango na lamang ako.

            “Oo naman, nagpapaalam lang ako kay Mica” Sabi ko sa kanya at muling sinulyapan ang walang buhay na katawan ni Mica.

            Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa paghahatid namin kay Mica sa kanyang huling hantungan ay biglang nagring ang aking Phone, wala sana akong balak sagutin ito ngunit ang caller ay si Tito Edgar.

            “Hello Tito, napatawag po kayo? May balita nap o ba kayo sa nangyari kay Mica?” Tanong ko kay Tito at huminto muna sa paglalakad, sinenyasan ko si Kiko at Jessica na mauna na silang maglakad at susunod na lamang ako.

RunawayWhere stories live. Discover now