Third Person

4.6K 239 28
                                    

"Jessica ayusin mo! Ano bang problema ko bakit ang panget ng pag-arte mo ngayon!" Muling sigaw ng direktor kay Jessica.

Hindi makapagfocus si Jessica dahil sa puro 'Mica! Mica!' ni Ryu nung lunch. Hinihiling niya na sana siya na lamang ang bukambibig nito imbes na si Mica

"Pasensya na, wait lang kausapin ko lang saglit si Jessica ah" Sabi ni Missy at hinatak niya ang kanyang kaibigan

Pumunta sila sa isang sulok at doon siya hinarap ni Missy "Jessica ano bang problema mo? Tungkol na naman ba to kay Ryu?"

Hindi sumagot si Jessica bagkus ay yumuko ito.

"Jessica naman, Alam kong matalino kang tao pero pagdating sa love ikaw ang pinakaboba kong nakilala" Sabi ni Missy at napahawak na lang si Missy sa kanyang ulo sa sobrang asar niya kay Jessica

"Lahat naman tayo tanga pagdating sa love" Sabi ni Jessica

"Gosh! Hindi ko na alam kung ano ang pwede kong ipayo sayo Jessica, pero please later mo nang isipin si Ryu. Focus muna tayo sa play, next week na ang presentation nito aa program." Sabi ni Missy at napatango na lamang si Jessica.

"Jessica ialis mo muna sa isip mo si Ryu, sa play muna ang atensyon mo ah... Keri mo yan girl" Sabi ni Missy. Huminga muna ng malalim bago bumalik sa stage. Isinantabi niya muna ang tampo na nararamdaman niya kay Ryu

Muli na naman silang bumalik sa pag-arte at naging maayos naman and smooth ng mga ginawa nila... Masasabi ni Jessica na much better ang pag arte niya ngayon keysa noong iniisip niya si Ryu

"Shit, napakatagal naman ng practice. Alas sais na siguradong papagalitan na ko ng parents ko" Sabi ni Missy habang inilalagay niya ang kanyang costume sa club locker kasama ang ibang miyembro.

"Wag kang gaga diyan, Sa orphanage ka nakatira" natatawang sabi ni Jessica kay Missy.

"Che! Oh ayan tumawa ka na, tignan mo! Kaya mo naman mabuhay ng walang Ryu sa buhay mo eh" Sabi ni Missy sa kanya.

"Che ka din! Tara na nga kunin na natin yung bag natin sa room" Sabi ni Jessica at nagpaalam na sila sa kanilang mga kasamahan.

Naglalakad silang dalawa sa hallway at puro tawanan nila ang umuugong sa apat na sulok ng paaralan

"Nakita mo ba kanina yung pag-arte ni Shane?" Tumawa silang dalawa ng malakas

"Oo! Oo! Lintek imbes na drama ang pinapanuod ko kanina naging comedy dahil sa priceless na hitsura niya eh" Muli na naman sipang tumawa. Pagkaliko nila sa crossing ay kitang kita nila ang kanilang classroom.

"Teka bakit bukas ang ilaw ng room?" Tanong ni Missy kay Jessica. Nakakapagtaka kasi that time ay wala ng estudyanteng gumagala sa paligid.

"Baka naiwang bukas ng mga cleaners, alam mo naman na nakakatamad maging cleaners" Sabi ni Jessica kay Missy

"Pero malay mo may multo? O kaya naman may magnanakaw na bigla tayong aatakihin---"

"Ang exag ng utang mo Missy, wag kang praning okay? Pumunta na lang tayo sa room para makita kung ano ang mayroon doon" Sabi ni Jessica at naglakad silang dalawa patungo sa kanilang room. Halatang nagtatapang- tapangan lang ang dalawa dahil parehas nanginginig ang kanilang mga tuhod at todo kapit sa isa't isa.

Pagkasilip nila sa bintana ay nakita nila si Mica, nakaupo ito at para bang busy sa kanyang sinusulat

Nakahinga silang dalawa ng malalim at napangiti "Si Mica lang pala eh".

"Oh bakit di mo yata kasama ngayon si Ryu, Mica?" Tanong ni Jessica pagkapasok niya palang ng classroom, parang nabuhay ang inis niya ng makita niya si Mica

RunawayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt