Jessica

3.1K 158 5
                                    

Pagkarinig ko pa lang sa mga sinabi ni Jane ay tumakbo na agad ako, ganoon ba talaga kalaki ang galit sakin ni Ryu? Umabot na sa punto na kailangan niyang umalis dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya sakin.

            “Jessica!” Narinig kong sigaw ni Missy at Jane na hinahabol ako.

           

            Hindi pa ako nakakalayo ng bigla akong madulas sa basang daanan sa hall kaya naman nakaramdam ako ng pananakit sa paa at tuhod ko.

            “Jessica ayos ka lang ba?” Tanong sakin ni Missy at inalalayan niya ako tumayo, ewan ko sa sarili ko… Alam kong masakit ang nangyari sakin pero mas masakit ng malaman ko na aalis si Ryu at hindi ko na muling makikita.            

            Dahan-dahan akong tumayo ngunit nakaramdam ako ng sakit sa aking tuhod at bawat hakbang ko ay may kahalong kirot. Hindi ako pwedeng huminto ngayon, kapag tumigil ako ay isang taong mahalaga sakin ang hindi ko na muling makikita.

            “Jane, nasaan na si Ryu ngayon?” Tanong ko at muling tumakbo, kung para kanina ay mas mabagal ang takbo ko ngayon dahil may iniinda na akong sakit.

            “Jessica tama na, nasprain na yang paa mo. Huminto ka na keysa mas sumakit pa ‘yan”

            “Eh dito ba, sa tingin mo ay hindi masakit kapag hindi ko nakita si Ryu ngayon?” Tanong ko sa kanya sabay turo ng aking kamay sa aking dibdib, ang bigat sa kalooban kapag iniisip kong hindi ko na muling makikita si Ryu. “Wala akong pakielam kung ilang beses akong madapa, ilang beses akong masaktan ng pisikal, wag lang mawawala ang taong nagbigay patunay sakin na masarap umibig”

            “Jessica…”

            “Please, malaki ang posibilidad na maaring ito na ang huli naming pagkikita. Ang masama pa ay hindi ko siya Makita, please Jane” Sabi ko kay Jane at pilit pinipigilan ang mga luha na kanina pa nagbabadyang pumatak

            “Nasa bus terminal siya ngayon, sasama ako sa inyo para maituro ko ang daan” Sabi niya at ngumiti sakin ng matamis, kung alam kaya ni Jane na ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang kaibigan niya ay magiging gan’to parin kaya ang trato niya sakin?

            Mabilis kaming tumatakbo at tinatahak ang daan palabas ng campus, umaasa ako na sana’y maabutan ko pa si Ryu doon.

            Hingal na hingal, tumatagaktak na pawis, at matang walang tigil sa pagluha. ‘Yan ang naranasan ko habang tumatakbo kami nila Missy.

            Ilang beses din akong nadapa… Hindi lang isa, hindi lang dalawa kung hindi maraming beses. Ngunit sa bawat pagkakadapa ko na iyon ay parating nandyan si Missy at Jane upang itayo ako. Wala akong pakielam kung puro gasgas na ang aking braso at tuhod, wala akong pakielam sa sakit na nararamdaman ko ngayon, wala akong pakielam kung pagtinginan ako ng ibang tao.

            Sa sitwasyon ko ngayon ay napatunayan ko na merong mga tao na nagmamahal sakin sa kabila ng mga pagkakamali ko. Mga kaibigan na kahit nagawan ko ng kasalanan ay hindi umalis sa tabi ko para iparamdam sakin ang pagmamahal nila.

RunawayNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ