Epilogue

5K 212 26
                                    

Epilogue

           “Jessica, andito na ang mga magulang ni Mica” Sabi ni Jane kay Jessica at bumukas ang pinto ng clinic. Tumambad sa kanila ang mga magulang ni Mica at mukhang nagtataka kung bakit sila pinapunta ni Jane.

           “Mga hija, bakit niyo kami piapunta rito? Anong nangyari sayo Jessica?” Tanong ng ina ni Mica at lumapit kay Jessica, bakas sa mukha nito ang pagka-concern sa kalagayan ni Jessica.

           Tinignan ni Missy si Jessica kung magiging ayos lang ito kapag iniwanan nila, ngumiti lamang ang dalaga sa kanya. Alam ni Missy na magagawa ito ng kaibigan lalo na’t nakikita niya sa mga actions at mga mata nito ang kagustuhan itama ang pagkakamali niya.

           “Ah Tita ayos lang po ako, medyo nagkasugat lang po dahil sa pagkakadapa ko kanina” Sabi ni Jessica at pilit na ngumiti sa mga magulang ni Mica kahit kita na sa mga mata nito ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Nakikita rin ng kanyang mga kaibigan ang panginginig ng kamay ng dalaga.

           “Mag-ingat ka na sa susunod hija, bakit niyo kami pinapunta rito? May katarungan ba kayo tungkol sa pagkamatay ng aming anak?” Muling sabi ng ina ni Mica, samantalang ang ama naman ni Mica ay ngumingiti lamang sa kanila.

           Tinanguan ni Jessica sila Missy at Jane, hudyat ito na handa na siyang magsabi ng totoo sa mga magulang ni Mica. Takot man siya pero ayaw na niyang tumakbo sa problema, kung nasasaktan man siya sa ngayon ay alam niyang mas lalo lang siyang masasaktan kapag patuloy niya itong itatago.

           “Tita, Tito. Labas na po muna kami dahil may importanteng sasabihin sa inyo si Jessica” Sabi ni Missy at nakipagtitigan muna siya kay Jessica, ngumiti sa kanya si Jessica na para bang kaya niyang harapin ang katotohanan. Hinatak ni Jane si Missy palabas.

           Kasabay ng pagsara ng pinto ay nabalot ng katahimikan ang buong lugar. Hindi alam ni Jessica kung paano niya sisimulan ang pagsasalita dahil parang umurong ang kanyang dila dahil sa kaba.

           “Ano ang sasabihin mo Jessica?” Tanong ng ama ni Mica. Napayuko si Jessica at hindi na nga naiwasan ang pagtulo ng kanyang luha sa nakakuyom niyang kamay.

           “What’s the matter hija? May problema ba? May maitutulong ba kami ng Tito Julian mo para pagaanin ang loob mo?” Sunod-sunod na tanong ng ina ni Mica at hinagod ang likod ni Jessica.

           “Tita Gina, Tito Julian… Pasensya na po sorry po” Sabi ni Jessica at napatakip na lang siya ng kanyang mukha dahil tuloy-tuloy ang agos ng mga luha galing sa kanyang mata.

           “Bakit ka nagsosorry hija, wala ka namang kasalanan samin” Sabi muli ni Gina, nagugulahan siya sa mga sinasabi ni Jessica at hindi niya rin maintindihan kung bakit ito humihingi ng tawad.

           “Tita…Tito… Ako po ang nakapatay kay Mica, pasensya na, patawad po” Nasabi na rin ni Jessica ang mga bagay na gusto niyang sabihin ngunit natatakot parin siya sa magiging reaksyon ng mga magulang ni Mica.

RunawayWhere stories live. Discover now