Ryu

4.4K 198 27
                                    

Hindi ako makapaniwala sa text message na sinabi sakin ni Missy. Sinubukan ko pa siyang itext ngunit hindi na ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Ang text message niya sakin ay gumulo sa aking isipan at hindi na ko pinatulog pa.

“Patay na? Kahapon nga lang ay Masaya niya pa akong nakausap habang nasasaktan ako sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig habang umiiling-iling.

Ang tagal ko na palang nag-iisip at hindi ko namalayan ang oras. Medyo masakit ang mata ko dahil siguro ay maaga akong nagising. Gumayak na din ako, hindi naman ako late pero hindi kasi ito ang kadalasang oras ng pagpasok ko.

Pagkadating ko sa school ay parang normal pa, pero habang naglalakad ako papunta sa building naming ay kung ano-anong bulungan na ang naririnig ko. Mga bulong na biglang nakakapagpataas ng aking balahibo

“Nakakaawa naman ang representative ng class 3-A ano?”

“Walang awa naman ang gumawa sa kanya nun”

 

Madami pa kong ibang narinig, yung lakad kong ginagawa ay hindi ko namalayan na unti- unti na palang naging takbo. Palaki ng palaki ang naging hakbang ko ng makaakyat ako sa floor building naming ay napukaw ng atensyon ko ang naparaming tao na nagkukumpulan sa tapat ng room namin

“Shiela anong meron?” Tanong ko sa kaklase ko

“Tignan mo na lang, alam kong ikaw ang pinakamaapektuhan dito” Sabi niya sakin at hinatak niya ko, nakipagsiksikan kami sa marami pang estudyante

Habang papalapit kami ay may nakikita kong sunod-sunod akong flash na nakikita. Pagkadating ko doon ay andun si Kiko at nakatayo, para bang hinihintay niya talaga ako

“Bata, bawal ka sa loob.” Sabi nung isang police na nakaharang sa pinto. Napasilip naman ako kung ano ang meron at para bang nabato ko sa aking nakita

Nakahiga sa sahig ang walang buhay na katawan ni Mica, may nakatusok na lapis sa dibdib nito, tuyo na din ang dugo.

“Papasukin niyo ko! Kaibigan ko yan!” Sigaw ko habang pinipilit pumasok ngunit mabilis akong hinaharangan at tinutulak ng mga Police

“Bawal kang lumagpas sa Police line”

“No it’s okay, papasukin niyo siya… Doon ko lang napansin na si Tito Edgar pala ang imbestigador, siya ang ama ni Kiko

Kaya naman pala nasa loob si Kiko. Dahil si Tito pala ang nagiimbestiga

“Anong nangyari kay Mica!” Isa-isang bumagsak ang mga luha ko habang papalapit ako. Kahapon ay umiyak na ko dahil kay Mica, hanggang ngayon ba naman? Hanggang kailan ba ko papaiyakin ng babaeng ito?

“Patay na siya” Diretsong sabi sakin ni Tito at pinagbawalan akong hawakan ang bangkay niya, baka daw magkafinger prints ko ang bangkay.

“Tito, anong nangyari? Sabihin mo tito!” Sigaw ko at kasabay nito ang mga luha kong bumabagsak. Masasabi niyo bang bakla ako kung umiiyak ako? Napakasakit. Sobra.

RunawayWhere stories live. Discover now