kabanata 3

214 45 75
                                    

B-Babe..." Nauutal kong ani sa kaniya. Blangko ang kaniyang expression, walang ka emo-emotiong nakatitig papalit-palit sa aming dalawa ni teo.

"Ipasok ko lang ito sa luob." Pambabasag ko sa katahimikan.

"Okay" sagot sa akin ni tyrone habang ang paningin ay nakatuon kay teo. Hindi naman siya mukhang galit hindi rin mukhang malungkot o mukhang masaya piro binabagabag ako sa kaniyang tinging walang emotion. Dali-dali kong binuksan ang pinto at nang makapasok ay sinalpak ko agad sa refrigerator ang binigay sa akin ni teo. Pag labas ko ay nandoon parin silang dalawa ngunit hindi nag papansinan..

"Anyway... Teo this is Tyrone Griego my boyfriend" pag papakilala ko sa kaniya "Babe, this is teo my neighbor"

"Nice to meet you" ani ni tyrone habang nilalahad niya ang kaniyang kamay.

"Nice to meet you too.." magiliw na tugon ni teo "I really like your songs bro..." Sabay tanggap niya sa kamay na nilahad "Glace didn't till me that she have a celebrate boyfriend.." Tawa niyang ani.

"Aalis na kami teo" sabat ko sa kanila habang nakahawak na sa braso ni tyrone tumango lang ito bilang tugon kaya umalis na din kami agad. Tinahak na namin ang kaniyang sasakyan na naka park sa parking lot malayo sa entrance door tahimik parin kami kaya midyo awkward. Sayang maganda pa naman ang suot niya ngayon na polong kulay asul hindi ko lang alam kong paano siya eh aapproach dahil kagaya parin kanina blangko ang kaniyang expression.

"Saan nga pala tayo mag didinner babe?" Pambabasag ko sa katahimikan

"Sa isang Chinese restaurant sa QC." Aniya ni tyrone

"Midyo malayo-layo pala" Sagot ko

"Yeah.. That's why maaga tayo kasi may traffic pa actually mamayang eight pa ang dinner." Nakangiting tugon niya sa akin habang nag dadrive.

"Sinong kasama natin sa dinner?"

"Hmmm... Mom,dad and my ate with her husband.."

"Nakauwi pala si ate Jade??" Excited kong tanong

"Yeah... Last week pa hinahanap ka nga eh.."

"Talaga? anong sabi mo?" Malapit kami ni ate jade sa isa't isa. Kami ang unang nag kakilala bago si tyrone naaalala ko pa noong una naming pag kikita ni ate jade nag papaportrait siya noon sa mukha ni tyrone kasi birthday daw nito at yun ang gift niya. duon rin nag simula ang pag ka crush ko sa kaniya syempre sino ba naman ang hindi mag kakagusto kong palagi mong tinututukan ang mukha niya sa larawan habang nag dadrawing diba..tinutukso pa ako noon ni ate jade bagkos ay maganda ang aking mag ka guhit sabi niya pa ay dahil inspired daw ako lol... Sinabi niya din kong ano ang pangalan ng kaniyang kapatid at kong anong grade na at duon ko nalaman na one year ahead lang pala siya sa akin piro sa ibang school siya nag aaral habang same school naman kami ni ate jade kaso nasa college na ito at ako ay grade eight. Naging suki ko din si ate jade sa pag papaportrait kaya mura lang ang aking singil sa kaniya hanggang sa nabalitaan kong nag transfer ang kaniyang kapatid sa aming school grade nine na ako noon para daw masubaybayan ni ate jade dahil may pag ka bulakbol daw iyon.

"That you are coming for dinner" sagot niya sa akin habang ang paningin ay nasa daan kaya ngiting excitement nalang ang aking tinugon sa kaniya.

Maaga kaming nakarating sa QC ani pa ni tyrone ay nag text daw ang kaniyang mommy na baka matagalan sila dahil mahaba raw ang traffic kaya napag didisisyonan naming tumungo nalang muna sa mall para pakapag date din naman habang nag hihintay. Kasalukuyan kaming nag lalakad dito sa mall ngayon habang nakahawak kamay..

"OMG... is that tyrone?" Tili nong isang babae sa gilid namin

"Yeah it is..." Sagot naman ng kasama niya

How to FallWhere stories live. Discover now