Kabanata 16

44 6 0
                                    

Kabanata 16





"Buti dumating ka" Ani ko pa habang nakayakap parin sa kaniya. Naramdaman ko rin ang mga kamay niyang unti-unting umaangat para yakapin ako.




"Syempre dadating ako." Aniya



Ako ang unang kumalas sa pagkakayakap dahil parehas na kaming basa... na damay ko pa tuloy siya.



"Umuwi lang ako para ipaalam kay Mia na matatagalan ka sa pag uwi tapos bumalik agad dito pansin ko ring uulan kaya nagdala na ako ng payong." Kinuha niya ang payong at siya na mismo ang nag payong sa akin. Inalalayan din niya akong mag lakad pabalik sa may entrance door ng mall.




"Uuwi na tayo glace.. Di nayon dadating." Tango lang ang tinugon ko sa kaniya.



Bakit ganon no? Kong sino pa yung hindi mo inaasahan siya pa yung dadating.




"Dito kalang ha... Hahanap lang ako ng taxi.. Pumasok kanalang muna doon sa loob para hindi ka mabasa." Pag papaalam niya pa at umalis na para makahanap ng masasakyan. Tinignan ko ang kaniyang likod kabang nag lalakad papalayo sa akin.

Bakit kaya ang bait ni Teo sa akin? Ganito rin kaya siya sa ibang babae? Ang swerte siguro ng girlfriend niya....



Hindi nag tagal ay may pumaradang taxi sa aking harapan lumabas doon si teo para mapayungan ako at maalalayang pumasok.




"Dahan-dahan" aniya pa kaya ay natawa ako.. Para naman kasing may sakit ako o kaya ay buntis kong maka'alalay.





"Bakit?" Kunot noong tanong niya kaya ay hindi ko mapigilan ang sariling tumitig sa kaniyang makapal na kilay. Basa narin siya kaya mas lalong nakaka-attract ang makapal niyang kilay, kumikinang iyon at napaka'itim. Hindi ko na siya sinagot at pumasok na sa taxi dahil mas lalo lang kaming mababasa kong mag titigan lang kami.




Tahimik ang naging biyahe namin, Ni isa ay walang nag sasalita. Munting musika lang galing sa driver ang nag papabasag sa katahimikan. Ramdam ko narin ang lamig dahil maliban sa basa kami sa ulan ay naka open din ang aircondition dito sa sasakyan.




"Okay ka lang?" tanong niya sa akin malapit narin kaming makarating sa bahay. Magsasalita na sana ako ng mapabahing ako dahil sa lamig ramdam ko narin ang pangangati ng aking lalamunan.





"Baka lalagnatin ka niyan." Pag aalala niya pa.




"Okay lang ako para sa ulan lang eh... Malakas yata ang immune system ko." Pabiro ko pang ani para naman hindi na siya mag-alala pa. hindi narin siya ulit nag salita hanggang sa makarating kami sa bahay. Hinintay niya pa akong makapasok bago siya pumasok sa kanila. Madilim na... baka tulog na si Mia mag aalas-onse narin kasi tapos may pageant pa bukas kaya ay pumasok na ako sa kwarto at nagbihis para makatulog narin.





*K      I        N       A       B       U      K     A     S     A     N*






"Glace...Gising..." Rinig ko si Mia sa labas ng aking kwarto ngunit binaliwala ko lang iyon dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko.




"Hindi kaba papasok ngayon? Hindi kaba manunuod?" Tanong niya pa habang kinakatuk ang pinto ng aking kwarto kaya ay bumangon na ako para mabuksan ko ang pinto. Tatayo na sana ako ng bigla akong nahilo ang sakit din ng aking ulo na para bang binibiyak.




"Glace..." Sapu-sapo ko ang aking ulo habang nakaupong nakapikit. Ang sakit talaga ng ulo ko.




"Tulog ka paba glace?" Magsasalita na sana ako ng walang lumabas na boses, ang sakit din ng lalamunan ko. Pilit kong tumayo para mabuksan siya ng pinto, noong una ay nahihilo pa ako pero pinilit ko parin ang sarili ko.



How to FallWhere stories live. Discover now