Kabanata 23

10 2 2
                                    

Kabanata 23


Ilang linggo na ang lumipas  simula noong halikan Namin ni Teo  sa birthday Niya pero Hanggang ngayon ay lasap na lasap ko parin Ang tamis ng kaniyang labi na sa bawat pikit ng aking mga mata ay naalala ko lahat Kong paano dumampi Ang kaniyang labi sa aking labi. Ilang linggo na rin akong nababaliw kakaisip Kay Teo bagkos ay ilang linggo narin kaming Hindi nagkikita.

"Sabihan mo Ako kapag umuwi si Teo diyan sa kabila ha." Minsan ko na iyong sinabi ni Mia dahil sa frustration ko at sa mga bumabagabag sa aking isipan. May gusto lang kasi akong klarohin sa kaniya ngunit wala akong natanggap ni anong sagot bagkos ay Hanggang ngayon ay Hindi pa kami nag kikita.

"Hoy girl! Nakikinig kaba?" Napabalik Ako sa aking katinuan ng inuyog Ako ni Kim. Kanina Niya na Pala Ako kinakausap ngunit Hindi Ako makasabay sa kanila dahil okupado Ang isipan ko Kay Teo. Tango lang ang itinugon ko kahit hindi ko naman alam Kong ano Ang pinag-uusapan nila kaya nag patuloy Sila sa kanilang usapan. Natapos ang klase namin na ganun parin Ang laman ng aking isipan. Nasaan kaya si Teo? Sinuyod ko Ang aking paningin sa kabuohan ng paaralan habang tinatahak Namin ang daan papalabas.

"Glace, nag mo-modeling Pala si Mia no?"

Tanaw ko Ang building ng mga engineering, nakikita ko duon Ang mga kaklase ni Teo pati narin Ang kaibigan niya na si Reib.

"Nakita ko kasi siya noong nakaraang linggo, nakausap ko rin siya. Pakkk Ang Ganda ng katawan ng bakla girl... Bagay na Bagay maging model."

Puntahan ko nalang kaya siya sa building nila. Ano naman kaya Ang sasabihin ko kapag pumunta Ako doon? Hindi ba parang nakakahiya naman Kong pupunta Ako? Sh*t... Tatanungin ko lang naman Kong nandon ba siya.

"Glace...."

What if nandon nga siya? What if Hindi Niya maalala yung nangyari sa aming noong birthday Niya? Lasing pa naman siya nun.

"Glace nakikinig kaba?"

Maaga pa naman at Wala din naman akong pupuntahan.. Wala namang masama Kong bibisita Ako sa building ng mga engineering.... Bahala na.

"Glace nakikinig kaba?" Napabalikwas Ako ng sumigaw si Ernest sa aking tainga. Napahinto Ako at Galit ko siyang nilingon

"Ano ba... Bingi ba Ako? Bakit kaba sumisigaw." Galit Kong Ani habang hinahawakan Ang aking tainga dahil sa sakit... Feeling ko tuloy ay nasira yung eardrums ko dahil sa lakas ng sigaw Niya..

"Ikaw kasi eh... Kanina pa Ako daldal ng daldal dito Hindi ka naman nakikinig." Singhal Niya rin sa akin kaya sumigaw din Ako.

"Nakikinig Ako okay.."

"Kong nakikinig ka abir...ano Ang huling sinabi ko?" Paghahamon Niya pa sa akin kaya sinagot ko siya

"Huling sinabi." Ani ko kabang humalukipkip

"Ha?" Taka Niya akong tinanong kaya lumingon Ako at ngumisi

"Ang huling sinabi mo ay huling sinabi." Tatawa-tawa Kong Ani at nagpatuloy na sa paglalakad.

"You're crazy." Aniya at nagpatuloy narin sa paglalakad. Kaming dalawa lang ngayon ni Ernest na magkasama dahil nagpaiwan si Mech dahil may meeting daw Ang lahat ng officers habang si Kim naman ay nag half day kasi masama Ang pakiramdam kaya tuloy napilitan akong pakisamahan Ang baklang ito. Ayaw ko kasing Kasama ito kasi puros lakwatsiya lang Ang alam, aniya pa ay nag Babar na din ito kasama Ang iba pang kaibigan na bakla kaya maraming ganap sa Buhay at nakalimutan ng mag-aaral.

"Gusto mo bang sumama?" Pag-anyaya Niya pa sa akin

Taas kilay ko siyang binalingan "saan?"

How to Fallحيث تعيش القصص. اكتشف الآن