Kabanata 14 "INTRAMURALS"

36 4 0
                                    

Kabanata 14








"Thank you candidate number fifteen" ani ng emcee ng matapos si kim. Siya pala ang huling mag peperform kaya ay tinawag niya ulit ang lahat ng mga kandidata at pinarampa sa entablado. Bawat kandidata ay may iba't ibang mga fans na naghihiyawan. Hindi ko alam kong gaano ba kagaling si Mia pero sa tingin ko ay maganda nga ang kaniyang performance dahil sa mga tao na nag hihiyawan sa paglabas niya.







"Again... Here's our candidates for Ms. Intramurals... That's all for today and have a nice day everyone.." Ani pa ng emcee. "Let's looking forward for their Question and Answer tomorrow and for this afternoon is continuation of the debate." Nag sitayu'an na ang mga estudyate para umalis na kahit di pa tapos sa pagsasalita ang mga emcee.








"We will post the list of the debaters on the bulletin board so that you can see who's your next opponent... Good luck students."








Hinintay muna namin si kim sa labas ng backstage nang matapos ang lahat ng pinag a-announce ng emcee nakasunduan kasi namin na tumambay sa bahay nila kim pagkatapos nang performance niya alas nuwebe pa kasi ng umaga at mahaba-haba pa ang paghihintay namin mamaya dahil alas dose pa mag sisimula ang debate kaya ay doon muna kami tatambay sa bahay nila. Unang lumabas sa backstage si Mia na may dala-dalang mga gamit tutulungan kona sana siya ng may nag abot sa mga gamit niya, nang lingunin ko iyon ay si Teo pala. hindi niya ako pinansin basta lang niya kinuha ang mga gamit at umalis na kasama si Mia kinawayan pa ako ni Mia para mag paalam kaya tinanguan ko siya. Hindi rin nag tagal ay lumabas na si Kim nabigla pa kami nang makitang ni isang gamit ay wala siyang dala yun pala ay pinabitbit niya sa mga kaklase niyang tumulong din kanina sa pag set up. Hindi naman daw niya inutusan ang mga yun sila talaga mismo ang nag offer na tumulong sa kaniya...

Sana ol






~•~•~•~•°°°°°~•~•~•~•







"Manang! can you make some meryenda po for us.." Kunyo pang ani ni kim ng makarating kami sa kanila. Ilang beses na akong naka punta dito pero hindi parin nakakasawang tignan ang mga palamuti sa kanilang bahay or Should I say mansion nila.. Ganon ka rangya ang pamumuhay ni kim pero satingin ko ay hindi rin maganda ang may ganitong klaseng buhay kasi parang nakakalungkot... Siya lang mag isa, walang kapatid hindi rin parating nandito ang mommy at daddy niya..mas marami pang beses na mag isa siya kay sa may kasama.






"Let's go to my room" naputol ang pag-iisip ko ng mag salita si kim kaya ay agad na kaming tumungo sa kaniyang kwarto.







"Napansin niyo ba si Mia at si Matteo kanina? Pag tsi-tsismis pa ni Ernest







"Why?" Aniya habang binubuksan ang pento ng kaniyang kwarto. Nang makapasok ay may kanya-kanyang pwesto agad kaming tatlo habang dumiretso naman si kim sa kaniyang Closet. Hinintay pa naming makalabas siya bago tinuloy ni ernest ang pag sasalita.








"They are so sweet... Boyfriend niya ba si Matteo?" Si Ernest







"Talaga?" Kuryoso pang ani ni kim ng makalapit sa amin. patalon pa siyang umupo sa kaniyang kama. Habang nag uusap ang tatlo ay lumapit naman ako sa kaniyang mga paintings at itinuod ang aking paningin doon na nakalagay malapit sa kaniyang study table. Malaki ang kwarto niya sa tingin ko ay doble sa laki ng aking kwarto Ganon kalaki may sarili ding banyo na konektado sa kaniyang closet may sarili ding book stall malapit sa kaniyang study table kong saan nakalagay ang kaniyang mga paintings. Kaunti lang din ang mga palamuti may self portrait pa siya na bigay ko noong last birthday niya at family pictures. lumapit ako sa kaniyang family pictures kong saan may mga malalawak na ngiti ang kaniyang mga magulang pati narin siya. Naalala ko pa kong saan may ganito din kami dati sa dati naming bahay.. Kung saan masaya pa kami, kung saan kompleto pa at kung saan sama-sama pa. Galit na galit pa ako noon ni mama kong bakit iiwan niya si papa, kong bakit babalik siya dito sa pilipinas.






How to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon