Kabatana 21

8 3 0
                                    

"Bumalik siya sa pamilya niya Glace... Sa asawa niya at sa anak niya.. "

Ang sakit.... Subrang sakit na malaman ang totoo... Kong sino pa yung kinamumuhian ko ng sobra ay yun pala kami.. Hindi ko maisip na may nasira kaming pamilya at yun ang totoong pamilya ni papa... Mga panahon na kasama namin si papa na masaya ay yun din ang mga panahon na may pamilyang umiiyak dahil sa amin. Naiintindihan ko na ngayon kong bakit madalas lang umuuwi si papa... Kong bakit every weekend lang namin siya nakakasama at kung bakit Salazar ang apelyido ko at hindi apelyido ni papa.. Hindi ko inasaan ang lahat ng ito.. Nasaktan kami ng sobra sa pag alis ni papa pero ngayon nagiguilty ako dahil wala pala kaming karapatang masaktan... Wala kaming karapatang humingi ng sustento.. At wala kaming karapatang makumpleto... Masakit man pero yun ang totoo.. Kong nasaktan kami, nasisiguro kong sobra-sobra din ang sakit nila. Wala akong karapatan na kamuhian si Elizabeth dahil sa aming dalawa siya dapat ang galit sa amin.


"Kasalanan ko ang lahat. " kumalas ako sa pagkakayakap ni mama at pinaupo siya ulit.


"Ma, wala kang kasalanan... Nag mahal kalang po.... Nag mahal sa maling tao.. " iniabot ko sa kaniya yung natirang tubig na binigay ko para patahanin siya.

"Alam kong may asawa na ang papa mo... " aniya habang tinitignan ang basong iniabot ko. "Nag kakilala kami dahil kaibigan niya ang amo ko noon. Matipuno, maalaga at edukado kaya nahulog ako sa papa mo kahit alam kong mali. Unang-una palang pinaalam na niya sa akin na mali ang relasyon namin dahil may asawa at anak na siya pero kahit alam kong mali hindi mo parin madidiktahan ang puso mong umibig. Inamin din niyang mahal niya ako kaya yun ang pinanghahawakan ko sa tuwing umaalis ang papa mo para bumalik sa pamilya niya. Masakit isipin na mahal nga niya ako pero hindi parin mababago na isang kirida lang ako. Noong nag bunga na ang pag-iibigan namin hindi ko ipagkakaila na nag bago lahat.. Madalas na siyang umuuwi para bisitahin ako.. Sumasama siya sa akin sa tuwing nag papacheck-up ako.. Masasabi ko talaga na ako yung priority niya.. Sinabi niya pa sa akin na handa siyang iwan ang asawa niya para sa ating dalawa. Ganon niya tayo ka mahal" nilingon niya ako at ngumiti..

Nginitian niya ako ng totoo walang bahid na sakit o pighati.. Ngiting tunay at umabot yun sa mata niya.. Ngiting nag papakirot sa puso ko. Bakit ba naranasan ni mama ang lahat ng to? Bakit ba umibig pa siya sa maling tao?


"Alam mo bang siya ang nag pangalan sayo? Siya ang nag aalaga sa tuwing umiiyak ka sa gabi. Siya ang nag papainom ng gatas sa tuwing nagugutom ka.. At siya ang nag turo sa'yong mag lakad. " hindi ko maiwasan ang pamumuo ng luha dahil sa narinig ko.

"Naiinggit nga ako dahil papa ang una mong nabigkas at hindi mama. " tumawa pa siya kaya natawa din ako habang lumuluha.

"Sinabi ng papa mo na nag kakalabuan na sila ng asawa niya dahil inamin niya ang tungkol sa atin. Alam na din ng mga magulang niya ang tungkol sa'yo.. Noong seven years old ka ay napag disisyonan na ng papa mong makipag divorce. Pina alam niya iyon sa mga magulang niya pati sa magulang ng asawa niya kasi nga handa siyang iwan lahat para sa atin.... Ganon niya tayo ka mahal.. Kaya wag kang magalit sa papa mo... Syempre ayaw ng asawa niya kaya hindi natuloy hanggang sa umabot ng ilang taon. Naalala mo ba noon na araw-araw na umuuwi ang papa mo? Yun yung araw na hiwalay na sila ng asawa niya. Pero sa kagalitnaan ng saya ay ang problema, tumawag ang mga magulang ng asawa ng papa mo na kailangan niyang umuwi dahil may sakit daw ang asawa niya kaya wala siyang magawa kong di umuwi sa kanila kaya bumalik ang lahat sa dati... Sa dati na every weekend nalang niya tayo nabibisita...nawalan na siya ng oras sa atin dahil kinakailangan niyang samahan ang asawa niyang may sakit. Bumalik sa dati na hindi na tayo ang priority niya... Pero okay lang kasi mahal naman niya tayo.

Noong araw na umuwi siya.. Noong narinig mo kami... Yun yung araw na nag paalam siya sa akin dahil lumalala na daw ang sakit ng asawa niya at ang hiling daw nito ay kasama siya hanggang sa huling hininga nito. Masakit sa akin syempre.... Ayaw kong lumaki ka na walang ama... Hindi ko alam noon kong paano sasabihin sayo ang totoo.. Umiiyak ako hindi dahil iniwan tayo ng papa mo... Umiiyak ako dahil hindi kita mabigyan ng kumpletong pamilya dahil lang sa umibig ako sa maling tao.. Umuwi tayo sa Pilipinas para mag bagong buhay.. Para makaiwas na tayo sa gulo at para hindi na tayo makasira pa ng pamilya pero noong nalaman ng papa mo na umalis tayo ng Espanya ay sumunod siya dito.. Gusto niyang bumalik tayo doon.. Gusto niya tayong makita kahit nasa malayo lang siya... Gusto ka niyang masubaybayan na lumaki ngunit hindi ako pumayag dahil kong mananatili tayo doon hindi natin maiiwasan na masaktan ang asawa at anak niya..." hinawakan ni mama ang kamay ko "mahal ko ang papa mo pero hindi ako makasarili anak.. Alam ko kong gaano kasakit maiwan kaya ayokong maranasan ng pamilya niya yun. Mahal ko ang papa mo pero sapat na yun kay sa makasira ng pamilya.." kong ako ang nasa sitwasyon ni mama gagawin ko rin kong ano ang ginawa niya. Aalis din ako para hindi na makasakit ng ibang tao. Ganon siguro ang totoong nagmamahal... Kaya nilang mag paraya para sa iba.. Bumuntong hininga ako bago pinunasan ang sariling luha...


"Bakit siya tumatawag ngayon? "


"Critical na daw ang situwasyon ng asawa niya at gusto ka nitong makilala." nilingon ko siya sa pagtataka?

"Hindi ba siya galit sa atin?"

"Sa mga taon na lumipas ay parati ka raw'ng kinukwento ng papa mo.. Gusto kasi ng asawa niyang mag karoon ng babaeng anak kaso lalake ang anak nila."

"So... Anong gusto nila? "

"Na bumisita ka doon. " nagulat ako dahil sa aking narinig.. Sa Spain? Pupunta ako ng Spain? And for what? To accompanies my dad's wife? Joke ba to? May tao bang gusto makipag usap sa isang tao na nag sira sa pamilya niya? Kasi kong ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko yun magagawa. Sa tingin ko nga ay kahit picture ng taong sumira sa pamilya ko ay hindi ko magawang tignan yan pa kayang kausapin mo at maging kasama mo sa isang bubong.

"Please say yes anak.. Kahit sa ganito man lang ay makabawi tayo. "

"Pero ma, "

"Please anak. " my mom cut me off kaya wala akong magawa kong di mag buntong hininga.. I don't have any choice and besides she's right... Baka nga sa ganitong paraan man lang makabawi kami sa kanila.
I sigh and nod at her, wala eh... I need to follow my mom, kong ano ang gusto niya yun din ang gusto ko.



....

Naging mabilis ang mga araw at dadating na naman ang weekend, puro bahay skwela at barkada lang ang inaatupag ko wala din kasing masiyadong update si tyrone kaya medyo nasasanay na din ako.

"Are you busy tonight? " tanong ni Mia sa akin habang kumakain kaming dalawa dito sa bahay.


"Hindi naman masyado, bakit? " takang tanong ko pa

"It's Teo's birthday, he didn't invite you on his party? "

"Hindi eh.! " maikli ko pang ani sa kaniya at ibinalik nalang ang paningin sa kinakain.


"Come with me then. "

"Hindi ba parang nakakahiya? Pupunta ako kahit hindi invited. "

Nakakahiya yun no at tsaka halos araw-araw kaming mag kasama at hindi man lang niya sinabi na birthday niya pala so.. I guess he don't want me to be there.


"Silly! Kaya nga niyayaya kita cuz you are invited.. You may not be hes guest but you are my guest, Don't worry.. "


"Titignan ko. " tapos na akong kumain kaya tumayo na ako para makapag bihis baka ma late pa ako sa klase ko.... Ang daldal kasi ni Mia eh..

"Huh? Akala ko ba hindi ka busy? And besides tomorrow is Saturday so we don't have class. Sige na please sama kana.. " pamimilit niya pa


"Titignan ko nga.... Kulit eh! " tumayo din siya at sinundan ako sa kusina para kulitin

"Hindi ako pupunta if you didn't come. " aniya at pinag krus ang kaniyang mga braso.

"What? "

"You hear me Glace... Hindi ako pupunta kapag hindi ka pupunta period" aniya tsaka umalis na. Tinignan ko lang siya na naglalakad papalayo.

"Hoy!! Wait. " ani ko dahilan ng pagtigil niya sa paglalakad

Taas kilay niya akong nilingon

"yes?"

"Ano bang dapat kong regalo? " tanong ko dahilan ng paglawak ng kaniyang ngiti.

"Don't worry about that" aniya at kinindatan ako.









...
Sorry for my late update🥺🥺 may nagbabasa parin ba dito? Huhuhu.. don't forget to comment Po para may Mang motivation Ako Kong tatapusin ko pa ba to o Hindi na.


How to FallWhere stories live. Discover now