Kabanata 17

69 7 4
                                    



Malalaking hakbang na tumungo kami sa sasakyan ni Tyrone, patakbong sinabayan ko ang mga hakbang niya kasi mas malaki ang biyas niya kumpara sa akin kaya kahit anong gawin kong bilis ay hindi ko parin nasasabayan ang mga lakad niya.


"Ano yun?" tanong ko ng makapasok kami sa sasakyan niya nabigla pa ako ng makita ang driver niya kasi kapag lumalabas kami ay hindi niya dinadala ang driver niya dahil nga diba pasekreto ang relasyon namin. 




"I have an emergency last night kaya hindi ako nakapunta gusto ko sanang ituloy ang naudlot nating date." Aniya pa sa akin na may paglalambing na tuno




"That's not what I mean." sagot ko sa kaniya dahilan kong bakit naging seryoso ang kaniyang ekspresyon.




"You deserve to be known Glace... I want you to be in my side... yung tipong hindi na natin kailangang mag tago at yung tipong ipagsigawan ko sa buong mundo ang pangalan mo dahil sawa na ako sa ganitong setup.. sawa na ako na parati nalang tayong nagtatago kahit wala namang dapat ipagtago..." aniya sa akin na hindi iniinda ang mga titig ng kaniyang driver mula sa side mirror. "I LOVE YOU!" hinawakan niya ang aking panga at unti-unting pinaglapit ang aming mga mukha. "I'm sorry for this past few days... sorry sa lahat ng mga gulo at mga problemang natamo natin doong nakalipas na araw, lingo, buwan... and I promise and prove to you that I'm gonna be a good boyfriend... di man perpekto pero nasisiguro kong ako ay seryoso." Buong puso niyang ani sa akin pero bakit ganon? Bakit wala na akong maramdaman na kong ano... bakit parang wala ng butterfly in my stomach... bakit hindi na bumibilis ang tibok ng puso ko na kong dati ay parang hinahabol ng isang kabayo?


I feel something hole......something hole that I can't explain...... sinusubukan kong e'proseso ang lahat ng sinabi niya hanggang sa naramdaman ko nalang ang mga labi naming nagkadampi...

     
          *******


Kagaya ng sinabi niya ay pumunta kami sa isang sikat na Italian Restaurant (as usual) kasi sa tuwing lumalabas kami ay dito niya ako palaging dinadala baka siguro favorite niya ang Italian foods, iilan lang ang mga tao dito pero nasisiguro kong puro mayayaman ang nandito. "Good Evening Ma'am and Sir" nakangiting ani ng isang server at giniya kami upang makapasok sa restaurant na iyon. Nabigla pa ako ng makaupo kami ay nagsilapitan ang mga ibang server na may dala-dalang mga pagkain. Tatanongin ko na sana siya ng maunahan niya ako sa pagsasalita.






"Nag order na ako para sa pag dating natin ay kakain natayo agad." Aniya sa akin kaya ay tango nalang ang aking tinugon at sinuyod ang paningin sa mga pagkaing inihain sa amin.




"Let's eat" aniya at nag simula ng kumain, Tinitignan ko lang siya na abalang kumakain kasi di naman ako gutom kumain na ako kanina and besides I don't like Italian foods. May Pasta, Risotto, Gnocchi, lasagna, at kong ano-ano pang Italian food na di ko kilala. Napansin niya siguro na wala akong ginagalaw na pagkain kaya ay tumigil din siya.




"hindi ako gutom" yun nalang ang aking sinabi para naman tumuloy na siya sa pagkain niya.



"Himala!!! Ito oh.. masarap to" sabay subo niya sa isang Risotto na parang soka ng isang pusa, Imbis na tanggihan ay sinubo ko yun pinipigilan ko pang maduwal dahil nakakahiya naman sa kaniya.




"masarap no?" tanong niya pa kaya kahit di ko gusto ang lasa ay napapa approve sign nalang ako sa kaniya.




"diba favorite mo ang pasta?" tanong niya ulit at nilagyan ang plato ko ng maraming pasta... sino ba kasing nag sabi na favorite ko ang Italian foods? Nang matapos na siya sa paglalagay ay bumalik na siya sa pagkain niya. Kumain narin ako ng paunti-unti sa pasta na nilagay niya pero nahagip ng aking paningin sa lasagna. Noong una kong tikim nito ay yung bigay sa akin ni teo at subrang sarap pa nun kaya ay kumuha ako





How to FallWhere stories live. Discover now