Kabanata 22

9 2 0
                                    

Kabanata 22





Saktong ala seis ng makarating kami ni Mia sa Isang malaking bahay. Aniya ay Bahay daw Yun nila teo, tanaw Namin ngayon ang Dami ng sasakyan kaya batid Kong marami Ang kanilang bisita. Ang regalo ko sa kaniya ay Isang kwentas na may nakalagay na letrang T. Nahiya pa Akong pilhin iyon kasi mura lang at baka Hindi magustohan ni teo 200 lang kasi Ang badget ko kaya Nong nakita ko tung necklace na tag 150 lang ay binili ko na agad, maganda din kasi Ang pustora nito kulay itim Ang kaniyang lace habang Ang litrang T naman ay may pinaghalong black at silver kaya nagmumukha itong mamahalin.


"You look beautiful with your dress" rinig Kong papuri ni Mia kaya pinuri ko din siya pabalik ngunit tinawanan lang Niya Ako.


"Ano bang regalo mo?" Tanong ko nang mapansin Kong Wala siyang Dala maliban sa cellphone Niya



"You." Sagot Niya at tinangay na Ako papasok ng malaking Bahay.


Sometimes I wonder Kong bakit ko ba to naging kaibigan e Wala naman tong matinung sagot sa tuwing tinatanong ko.


"I'll introduce you to tita, teo's mom." Aniya habang tinatahak Namin Ang kanilang Sala na puno ng mga bisita. Ang mga tao dito ay may kanya-kanyang mga Mundo, may iba kaming nadadaanan na nag-uusap tungkol sa business Ang iba naman ay kumakain na. Pinakilala nga Ako ni Mia sa kaniyang tita pero Hindi kami nag tagal doon. We saw teo sa may pool Kasama Ang kaniyang mga kaklase na nakikipag-usap. Nasa likod lang Ako ni Mia sumusunod patungo sa direksyon nila teo.



"Happy birthday teo, sorry we are late." Pag kuha pa ng attention ni Mia nang makarating kami sa kanilang Banda. Ngumiti ito sa kaniya at niyakap ngunit nakita ko pa Ang pagkabigla niya nang Makita Ako kaya ay binati ko din siya at ibinigay Ang regalo.


"Thank you for coming" aniya habang pinag lipat-lipat Ang kaniyang paningin sa aming dalawa ni Mia.


"Upo kayo."Yaya niya Kaya ay sabay kaming umupo ni Mia Kasama Sila.



"Hi Reib." Rinig kong bati ni Mia sa isang gwapong lalake, kaklase siguro ni Teo Yun. Binati din siya pabalik at nilingon Ako para batiin rin. Naramdaman Kong siniko Ako ni Mia at pasimpling binulungan Ako


"Wag mong masiyadong titigan baka Magalit si teo birthday pa naman niya." Taka ko siyang tinignan.



"Huh?"



"Wag mo kamong titigan kasi baka Magalit si teo." Ulit Niya pa.



"Sino?" Tanong ko



"Aysos... Kunyari pa." Aniya kaya tinignan ko yung tinawag niyang Reib. Hindi ko ipagkakaila na may Mukha nga Ang kaniyang tinawag na Reib. Maputi, matangkad, may matatangos na ilong at mapupulang labi, maganda din Ang kaniyang katawan na sa tingin ko ay duon na naninirahan sa gym sa Ganda ng kaniyang katawan ngunit bakit naman magagalit si Teo Kong titigan ko tong kaklase Niya? What's the purpose of my eyes Kong Hindi ko to gagamitin sa pagtingin. Nilingon ko si Mia para bulungan sana kaso Hindi iyon natuloy nang kina-usap Ako nung nag ngangalang Reib.



"You must be a friend of Mia." Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya at tinanguan.


"Kumain naba kayo?" Tanong niya sa aming dalawa pero si Mia Ang sumagot.



"Hindi pa, kita mo naman na kakarating lang naming dalawa." Nabigla Ako sa kaniyang sagot ngunit tinawanan lang iyon ni Reib. Tumayo ito at nagpa-alam sa aming dala.


Ginala ko Ang aking paningin sa malawak nilang backyard, Ang iba nilang kaklase ay naliligo na sa swimming pool at Ang iba naman ay nandito sa aming table nag-iinoman. Kami lang yata ni Mia dito Ang Hindi nila kaklase hinanap ng aking paningin si Teo pero Hindi ko Makita baka pumasok sa luob ng Bahay nila. Natigil lang Ang aking pagmamasid ng may naglagay ng pagkain sa aming harapan ng lingunin ko Kong sino Ang nag lagay ay si Reib Pala iyon. Dalawang Plato na puno ng magkain Ang nilagay Niya sa aming harapan ni Mia kaya taka ko siyang tiningala ngunit nginitian lang Niya Ako.



How to FallWhere stories live. Discover now