Chapter 2 An Old Best Friend

622 42 4
                                    

Kit POV

Ngayong araw, nandito muli ako sa university na dati kong pinag aralan. Nakatayo ako sa labas ng gate nito, inaalala ang mga nangyari noong nandito ako. At ngayong dito na muli ako mag aaral, bilang isang 4th year college student, last year ko na ito kaya sobrang excited akong makatapos.

Kamusta na kaya sila?

Si Sunny.

Si Neon.

At si Frost.

"Haay, Kit. Sigurado naman akong nasa maayos lang silang kalagayan eh, sure na sure ako don!" sabi ko sa sarili ko.

Oo nga pala! Maaga akong umalis sa bagong bahay na tinitirhan namin nila Blaze. Isa iyong subdivision na may dalawang palapag at may magarbong modern design.

Maaga akong umalis kanina upang mag transfer ulit dito sa Bridge University. Hindi na ako nagpasama kay Blaze dahil kaya ko naman na at saglit lang naman ako dahil magpapasa lang ako ng requirements. Sasamahan ko rin kasing mag enroll si Blaise eh, yung malapit lang na school malapit sa bagong bahay para malapit lang. 

Paulit-ulit yarn? HAHHAHAHAHHAHAHA

Ito kasing Bridge University ay naka dalawang sakay ako ng jeep para makarating dito. Malayo pero keri lang naman!

Tama na muna ang kwento mga mare~

Pumasok na ako sa loob ng university. Gaya ng dati, wala pa ring pinagbago, maaliwalas at maganda pa rin ito. Parang kahapon lang nung umalis ako, parang kahapon lang din ng may iniwan ako.

(╯_╰)

Haynako, tama na nga muna kailangan ko pang magpa enroll.

Nagtungo na ako sa registrar office ng university, kabisado ko pa naman ito, natatandaan ko pa ang mga daan, yung mga facilities, cafeteria, library at rooms. Mas lalo itong gumanda, may mga nakita akong mga students na naglalakad, konti lang sila, yung iba ay nasa room ata nila, nagkaklase. 

Nang malapit na ako sa registrar ay huminto muna ako at pinagmasdan muli ang university.

Nakaka-missed.

Tandang tanda ko pa yung mga araw na masaya akong nandito. 

Masaya kami nila Sunny na pumapasok sa room namin.

Masaya kaming kumakain.

Masaya at tumatawa kami sa mga banat at jokes ni Neon.

Masaya ko silang ka-kwentuhan.

Masaya kaming lahat, masaya ako dati kasama si Frost.

Masaya.

Noon.

Iba na kasi ngayon.

"Magkikita pa kaya tayo?" tanong ko sa sarili ko 

Marami namang posibilidad na magkikita kaming lahat, kahit papaano naman gusto ko rin silang makita. 

Hihintayin ko na lang siguro yung oras na yun.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungong registrar office. Kailangan ko na kasing magpasa ng mga requirements. Pag nakapag pasa na ako uuwi na ako at sasamahan ko naman si Blaise.

Binuksan ko na ang pintuan ng registrar office. Ngunit di ko inaasahan na may tao rin pala sa loob na magbubukas nito. Kaya ang ending ay nagulat kami sa isa't isa, pero mas lalo akong nagulat nang makita ko yung mukha niya.

๏_๏

"A-ay hala s-sorry po!...... S-sunny?"

Nakatulala kaming dalawa sa isa't isa, pero makalipas ang limang segundo ay nagsalita na siya.

Remember UsWhere stories live. Discover now