Chapter 15 Unhappy

577 38 16
                                    

Kit POV

'Life doesn't stop whenever you feel down,' sabi nga ng iba, ewan ko kung may nagsabi niyan pero bahala na.

( ̄へ ̄)

Ayun ang ginagawa ko ngayon, panandalian ko munang kakalimutan yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Wala namang maidudulot na maganda kung magiging malungkot lang ako palagi. May mga taong nag-aalala sa akin at iniisip ako, kaya dapat maipakita ko na maayos lang ako, ayon yung na-realized ko nung nag-usap kami ni Blaze kahapon. Nagsinungaling man ako sa kanya sa dahilan kung bakit ako umiiyak kahapon, ginawa ko yun para hindi na niya na ako alalahanin.

Mabuti na nga lang di siya nagtanong pa, nararamdaman kong hindi niya ako pinipilit kung ayaw kong sabihin. 

Hindi na rin pala muna ako pumasok sa internship ko, alam kong marami na akong absent pero hahabulin ko nalang yung mga araw na yun. Hindi ko rin muna tinatawagan o minemessage sila Sunny kasi gusto ko muna ng katahimikan. Feeling boss man ako o attitude na intern sa paningin ninyo, gusto ko lang naman makalimot diba?

Hayys, tama na nga muna ang drama!

Nandito nga pala ako sa park sa loob ng subdivision kung saan kami nakatira. Kasama ko ngayon si Blaise, nanag makaalis si Blaze para pumasok sa trabaho niya ay niyaya ko siyang lumabas para makalanghap naman ng fresh air at para makipaglaro na rin sa kanya. Hindi ko na rin kasi nababantayan si Blaise at natuturuan kasi nagkaroon ako ng internship. Gusto ko bumawi sa kanya kaya pinasyal ko siya kahit dito lang malapit sa bahay namin.

Nandoon si Blaise ngayon sa swing naglalaro kasama yung ibang bata dito, nanoonood lang ako dito malapit sa kanya. Nakaupo ako sa isang bench habang inaantay siyang mapagod. Hinahayaan ko lang naman siyang mag-enjoy hanggang sa magutom siya eh.

Hindi ako pabaya ah? Freedom niya yun bilang bata, kung madapa man siya deserve niya yun.

JOKE lang! Syempre safe naman yung pinaglalaruan niya no.

~_~

"Kuya Kit! Can I have some water?" sabi ni Blaise habang patakbong lumalapit sa akin, speaking of the cute kiddo.

Ngumiti ako sa kanya at kinuha yung tubig, "Ito oh, dahan-dahan lang uminom ah?"

Nag-smile naman siya sa akin at nag-'thank-you po'.

Pagkatapos niyang uminom ay tahimik ko siyang pinunasan, pawis na pawis ang bata sa kakalaro niya opo. Ang kulit kulit niya pero bakit yung pawis niya ang bango bango pa rin? Sanaol po amoy baby lagi di ba? 

╯﹏╰

Nang matapos na ako ay tumingin na ako kay Blaise para tanungin sana kung nagugutom na siya. Pero nagulat ako nang makita kong nakatingin din pala itong bata sa akin.

"A-ah, bakit Blaise? May problema ba?" tanong ko sa kaniya.

"Hmm. Nothing naman po, Kuya Kit. I'm just happy po na okay na po ikaw and you're here playing with me again," sabi niya.

"H-ha? O-okay naman ako, t-teka, paano mo naman nasabi na hindi ako okay? ha Blaise?" mapanuri kong tanong.

Itong batang 'to bigla nalang nagiging ganito, pareho sila ng kuya niya.

"I saw you po kasi last time na umiiyak, kuya Blaze and I was so worried po to you, Kuya Kit," saad nito.

"A-ah, ayun ba? W-wala yun! Ano ka ba namang bata ka, dapat hindi mo pinoproblema yung problema ng mga matatanda, okay? Pero thank you sa pag-aalala mo, Blaise," nakangiting sabi ko sa kanya.

Lumapit naman siya sa harapan ko at nagulat ako ng niyakap niya ako.

"Basta Kuya Kit, always remember na we're here for you po ah? Love ka po namin ni Kuya Blaze hihihihi," masayang sabi ni Blaise 

Remember UsWhere stories live. Discover now