Chapter 11 Unforgettable Memoire

622 51 26
                                    


Kit POV

"Kit? Are you sure na hindi ka muna papasok? Well, it's okay naman basta huwag kang aalis ah. And I know it's been three days since that thing happened but I'm still sorry for what my brother has done to you," sabi ni Sunny sa telepono.

Kausap ko si Sunny ngayon sa loob ng aking kwarto at sa loob ng tatlong araw na nangyari iyong pangyayari, hindi ako pumasok at balak ko ring lumipat ng pag-iintern. Sa loob ng tatlong araw, lagi akong tinatawagan ni Sunny para humingi ng sorry para sa ginawa ng kapatid niya. Dahil din sa kanya ay nagdadalawang isip ako na umalis, ayoko kasi masayang yung effort niya sa pagtulong para makapasok doon sa kumpanya ni Frost.

Haay.

Sa tatlong araw na wala akong internship, nandoon pa rin ang hinanakit ko sa ginawa ni Frost. Hindi naman madaling makalimutan yun eh, pinahirapan niya ako para sa wala? Ano siya 'gold'? Neknek niya!

Kung ayaw niya ako sa kompanya niya, ayoko rin sa kanya, hmp.

"A-ano ka ba, Sunny. Hindi naman ikaw yung may kasalanan eh," sagot ko.

"Still--," magpapaliwanag na naman dapat siya pero pinigilan ko na.

"Hep! Huwag na natin pag-usapan yung kapatid mong yelo, okay ba Sunny? Kumukulo dugo ko sa kanya. Basta promise ko, hindi muna ako aalis sa kompanya niya, for now, at babalik ako next week, kung okay lang? Gusto ko muna mag cool down sa nagawa niya," dagdag ko pa.

"If that's your choice then I'll respect that. Of course, take as much time as you like since si kuya naman may kasalanan. Hayaan mo when you come back here, you're not going to be his assistant anymore I promise you that," sabi ni Sunny.

"Thank you, Sunny," tugon ko.

"Your always welcome Kit. I have to hang up now, see you, Kit," aniya.

"Okay, Sunny, ba-bye muna~," pagpapaalam ko.

Binaba ko na ang cellphone.

Sinabi ko yan kay Sunny para di na siya mag-alala. Kahit gusto ko nang umalis doon sa puder ng kumpanya ni Frost, kung iisipin ko, sayang yung opportunity na nakapasok ako sa ganung kumpanya

'Yun ba talaga yung dahilan mo? O ayaw mo lang mawalay kay Frost?' sabi ng isip ko.

E-Eh?

Ayaw niya nga sa akin eh, ano pang ipipilit ko, psh. Tsaka, simula nang makabalik ako dito sa Maynila, ang tanging gusto ko lang ay makatapos nang pag-aaral. Ayoko na munang intindihin ang love life na yan. Gusto ko muna mag focus sa sarili ko, at sa kung ano ang magiging future ko. Ayon muna ang uunahin ko.

Hindi ako vocal person, lagi kong tinatago yung feelings ko. Pero kung tatanungin niyo ako kung ano ang nararamdaman ko kay Frost ngayon?

Pagkadismaya.

Na-disappoint ako na makita at maranasan yung pagtrato niya sa akin ng ganito. Para bang gusto niyang ipakita na malaki yung kasalanan ko sa kaniya. Ang tangi ko lang naman ginawa ay lumayo, hindi lang para sa sarili ko diba?

Para din yun sa kanya, na sa tingin kong tama.

Tuwing maiisip ko ang mga sinabi at nagawa niya sa akin nung nakaraan, nakakagalit isipin na ganun lang ang tingin niya sa akin, wala ba kaming pinagsamahan?

(╯_╰)

"Bear?"

Nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Blaze. Isa pa itong lalaki na 'to, magmula noong tatlong araw na hindi ako pumapasok, lagi nalang niya tinatanong kung may problema ba daw ako at bakit hindi ako nag-iintern. Syempre ang dakilang si ako ay laging nagpapalusot sa kanya. Ayoko naman kasing maging problema niya yung problema ko, hindi niya nga alam na doon ako nag-iintern kay Frost eh. Oo, alam niya yung tungkol sa amin, sinabi ko sa kanya yun at kinwento ko kung bakit ako napunta sa probinsya nila. 

Remember UsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu