Chapter 4 We Met Again

580 46 5
                                    


Kit POV

Hindi ko alam na mapapa aga pala ang pagkikita namin ni Frost, pero di ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon pa. Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin akong nakatingin sa kanya. Para bang nanumbalik ang lahat ng alaala sa nakaraan. Si Frost ang CEO ng kompanyang ito tapos si Neon naman ang COO?

⊙_⊙

B-BAKIT HINDI KO IYON NAISIP?!

Tapos hindi ko rin pala naisip na si Sunny ang nag-offer sa akin ng internship dito kaya malamang kilalang kilala niya ang may-ari.

I've been treated! Treated ba yun or tricked?

Ah basta! Naloko ako!

●_●

Lutang na lutang ako sa harap niya, nagsasalita siya at nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay pero parang di na absorb ng utak ko.

'He changed', sabi ko sa sarili ko.

Ayun ang mga katagang pumasok agad sa isip ko, the way he speaks, his gestures, aura and the tone ng pagsasalita niya ay nagbago na.

Cold and authoritative.

Nakakatakot na para bang kailangan mong sumunod sa mga gagawin niya. Marami na siyang ipinaliwanag about sa pagiging intern ko dito sa company niya at bilang assistant secretary niya, at mag intern ako dito sa office niya mismo, doon sa isang table na nakita ko pagpasok ko ng pinto.

Hindi lang pala yung boses at tindig niya ang nagbago, pansin ko rin pati ang physical features niya. Katulad ni Neon, tumangkad din siya, lumaki ang katawan, naging maskulado, may broad shoulder na para bang laging nasa gym, at mas naging malakas ang appeal niya.

Nagbago na ata siya.

"Do you understand, Mr. Perez?" sabi niya sa akin.

"H-hindi eh," ayan ang sinagot ko sa sobrang kaba.

"What?!" irritable niyang sinabi.

Patay na.

"A-ah! Yes, yes! O-oo Frost naiintindihan ko, gusto mo sulat ko pa sa bond paper eh," nauutal na tugon ko.

Andali niyang magalit pansin ko lang HUHUHUHU

"I think you're not here just to fool around, right? Tch, and where's your manners, Mr. Perez? You should call me 'Sir', I'm the boss here if I'm not mistaken," sarkastiko niyang sinabi.

Tiningnan niya ako na para bang wala siyang nakikita, para bang emotionless na tingin? Ganun!

Tapos may nakita din ako nung tumingin siya sa akin.

Galit.

Ito ang nakita ko ng tumitingin siya sa akin. Wala akong pwedeng maisip na dahilan kung bakit ganun siya tumingin. Ngayon na nga lang kami nagkita ganito pa siya?

"O-okay Sir, noted," sabi ko.

"Okay, so here's a little reminder in case you didn't listen to what I said a while ago. Since I'm your old friend, I respect what we have in the past. Tomorrow is your start as an intern in my company. Your role is to be my secretary, meaning you're always here in my office to assist me, give an update, and so on. I want you to be here as early as you can, exactly 8:00 am. I am accepting you in my company as an intern and nothing else, so work as a professional and we will have no problem, got it?" walang emosyon na sabi ni Frost.

Old friend?

"O-okay Sir," sabi ko at iniiwasan ko yung mga tingin niya na para bang mapa-paso ka.

"Okay then, if you have no question left, you can leave now," sabi ni Frost.

"S-sige F-Fro--, I mean Sir, Sir Demetri," nauutal na namang sabi ko.

Remember UsWhere stories live. Discover now