Chapter 17 The Reason Why

465 21 4
                                    

Kit POV

Tatlong araw.

Lumipas na ang tatlong araw ng mangyari ang pagpunta ni Frost sa bahay at pag-aaway nilang dalawa ni Blaze. Simula ng pangyayaring yun, hindi na tumigil ang pagtawag sa akin ni Frost sa telepono upang humingi ng tawad at humiling na pag-usapan ang relasyon namin sa isa't isa. Syempre, hindi ako pumayag at hindi ko na lamang tintignan yung mga messages at tawag niya sa akin. Ang inaalala ko ngayon ay yung malamig na pakikisama sa akin ni Blaze matapos ang pangyayari.

Hindi na niya ako kinakausap kahit nakatira lamang kami sa iisang bahay, hindi niya rin ako pinapansin sa tuwing susubukan kong kausapin siya. Mukhang nagalit siya sa pagtatago ko ng bagay na yun sa kanya.

Maaga akong nagising ngayon para sana magluto ng agahan para sa aming tatlo nila Blaise at para na rin bumawi kay Blaze. Ayokong magkaroon kami ng tampuhan, dahil malapit na tao si Blaze para sa akin. Gusto kong ipaliwanag kung bakit hindi ko sinabi ang tungkol sa mga problema ko.

Pagkatapos kong magluto ng agahan ay umakyat ako sa taas upang tignan kung gising na si Blaise. At nang makita kong mahimbing pa itong natutulog ay hinayaan ko muna itong matulog. Maaga pa naman, mamaya ko na siya gigisingin. 

Sunod naman akong humarap sa pintuan ni Blaze, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya sa tuwing makikita ako.

Hinanda ko muna ang sarili ko, kinatok ko ang pintuan niya at mahina ngunit alam kong maririnig niya ang pagtawag ko sa kanya.

"B-Blaze? Gising ka na ba? Naghanda ako ng agahan, tara sabay na tayong kumain."

Nakakabinging katahimikan ang tugon niya sa akin. Walang sagot o simpleng salita akong narinig mula sa kanya. Hindi niya rin ako pinagbuksan ng pintuan.

Naghintay lamang ako ng ilang segundo, nakatitig ako sa harap ng pinto niya at naisip kong kumatok muli. At nang akmang kakatok na ako ay biglang bumukas ang pinto at lumabas si Blaze. Walang emosyon niya akong tinignan, nilagpasan niya lang ako at dumeretso na sa baba.

"B-blaze–"

Hindi ko na natapos ang pagbanggit ko sa pangalan niya, hindi niya rin naman ako nilingon pa. Gusto kong umiyak sa kinatatayuan ko ngayon pero pakiramdam ko wala naman akong karapatan. Kasalanan ko rin naman kung bakit ganun na lamang ang pag-trato niya sa akin.

Bumaba na lamang din ako at nadatnan ko siyang umiinom ng tubig. Nagkatitigan kaming dalawa at siya ang unang umiwas ng tingin sa akin. Napansin kong wala siyang balak kumain dahil aakyat ulit siya sa itaas. Hinarang ko ang dadaanan niya, hindi ko siya pinadaan, kailangan naming mag-usap.

Kahit mas matangkad siya sa akin ay hindi ako umalis sa harapan niya.

"H-Hindi ka ba kakain?"

"I'm not in the mood to eat," bored na sagot niya sa akin. 

Nasaktan ako sa sinabi niya. Maaga akong naghanda para makabawi sa kanya pagkatapos hindi naman pala siya kakain? Galit pa nga rin siya sa akin.

Napayuko na lamang ako sa sama ng loob sa kanya, gusto kong magalit sa kanya, ginagawa ko naman lahat ng paraan para makausap siya at mag-explain pero hindi niya ako magawang makausap.

"Galit ka pa rin ba sa akin? K-kasi masakit na Blaze. Masakit na nakikita kitang iniiwasan mo ko at di mo ko kayang pansinin kahit anong sabihin ko sayo. M-masakit na," naiiyak na sabi ko sa kanya.

Hindi ko na kinaya, tumulo na ang luha na matanggal kong hindi kinikimkim.

Hindi na niya na naman ako pinansin at nilagpasan na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko na ito pinalagpas pa at pinigilan ko siyang umalis. Hinawakan ko ang braso niya at hinila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remember UsWhere stories live. Discover now