Chapter 14 It's Not Fine

519 32 2
                                    

Kit POV

Akala ko masakit na yung ginawang panloloko sa requirements na kailangan tapusin na pinapagawa ni Frost, may mas masakit pa pala doon. Mas masakit pa palang maasabihan ng taong malapit sayo noon ng mga di mo inakala ng salita na maririnig mo mula sa kanila. Hindi ko inaasahan na masasabi yun sa akin ni Frost, sa lahat ng taong nakilala ko, bakit siya pa yung nagkaroon at nag-isip sa akin ng ganung bagay.

Bakit Frost?

Hindi ko inaasahan na masasabi niya sa akin ang ganung bagay, parang pinamukha niya sa akin na wala akong kwentang tao, sa harap ko mismo.

"You're playing dumb as if you didn't know? THE F*CKING THREE DAYS THAT YOU WEREN'T AROUND IN YOUR INTERNSHIP IS BECAUSE YOUR PLEASURING HIM! DID HE F*CKED YOU IN THOSE DAYS YOU WERE ABSENT? IS HE GOOD IN BED THAT'S WHY YOU ALWAYS SAYING HIS NAME? DID YOU MOAN HIS NAME? DID THAT F*CKING BLAZE F*CK YOU HARD?! TELL ME! I WILL DO IT TO YOU TOO IF YOU ASKED ME, YOU FILTHY--," 

Ganun ba talaga katindi ang galit mo sa akin, Frost?

*Sniff*

Pinahid ko ang mga luha ng hinanakit ng pag-iyak ko dahil kay Frost. Hindi ko akalain na magagawa sa akin ni Frost na oagsalitain ako ng ganung mga bagay. 

Nandito ako sa loob ng kwarto ng bahay nila Blaze. Kanina pa ako nakatulala sa kawalan habang iniisip yung mga nangyari nang gabing yun. Alam kong hapon na, at hindi pa rin ako bumababa ng bahay para kumain, nararamdaman ko ring nag-aalala na sa akin si Blaze dahil magmula umaga ay di pa ako bumababa.

Hayys.

Nagiging pabigat pa ako dito sa bahay na 'to. Isinandal ko ang ulo ko sa dingding at walang ganang tumingin sa kawalan.

Bwisit kasi itong mga luha na iniiyak ko, hindi matigil. Tuwing naiisip ko yung nangyari nung gabing yun, hindi ko maalis sa isipan ko at naiiyak ako. Masakit yung mga binitawan niyang salita na sinabi niya. Hindi ko inaasahan na ganun yung mga mangyayari at masasabi niya sa akin. Ang buong akala ko ay magagalit lang siya dahil hindi ko nagawang pumasok sa mga araw na yun.

Ganun ba talaga siya kagalit sa akin? Parang sobra naman na.

Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, dapat nga ako pa yung magalit sa kanya. Iniintindi ko siya kahit nasasaktan na ako, at kahit sumosobra na siya sa akin. Sa ginagawa niya, parang wala kaming pinagsamahan, kahit sana yung pagiging magkaibigan namin naaala man lang niya.

Wala na ba talaga ako para sa kanya?

Hindi ko naman inaasahan na pagkabalik ko dito ay magkakalapit kami, closure lang naman ang o kahit na pagkilala bilang ako, na dating kasama niya. Gusto ko lang sanang maipakita na masaya ako na nakita ko siya ulit, masaya ako na narating niya na yung pangarap niya sa buhay, na mayroon na siyang maipagmamalaki. Masaya ako para sa kanya.

Pero sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, kabaliktaran ang mga naranasan ko.

Sa tingin ko, tama ang nasa isip ko.

'Kinamumuhian niya ako, at ayaw niya akong makita.' sabi ko sa isip ko.

A-Ang sakit lang.

Masakit palang magkaroon ng ganitong karanasan. Yung tipong yung taong kilalang kilala mo noon na nagbibigay kasiyahan sayo ay magiging dahilan kung bakit ka masasaktan ngayon. Gusto ko ring magalit at sumbatan siya sa mga sinabi niya sa akin pero wala akong mapapala dahil galit lang naman ang ipinapakita niya sa akin. Masama rin magtanim ng sama ng loob sa ibang tao.

Masakit…. pero bakit iniintindi parin kita, Frost? Mas nangingibabaw nga lang yung galit ko dahil sa mga sinabi niya. Ang gulo ko no?

*Tok, tok*

Remember UsWhere stories live. Discover now