Chapter 16 Behind

930 61 30
                                    


Kit POV

"I'm very sorry, I really am. I came here to get you back. I know I am a f*cked up man with all the things that I've done, but I still love you-- n-no, I didn't stop loving you. That's why I'm here, kakapalan ko na yung mukha ko. I want you back to my life, I f*cking want you. And I'll do everything to make you mine again, so please, come back to me, Kit," seryosong saad niya.

P-Paano niya nalaman yun? 

Hindi naman siguro sasabihin ni Sunny yun sa kanya diba? May tiwala ako sa kanya at naniniwala akong hindi niya yun sasabihin sa kuya niya. At anong bumalik sa k-kanya? Nahihibang na ba siya?

"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi m-mo," sinabi ko kay Frost, nagkunwari akong hindi ko alam ang tungkol doon. Umiwas ako ng tingin sa kanya para maiwasan yung mga sinasabi niya. 

Hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya 'yon.

Sa una palang ay wala akong balak sabihin sa kanya iyon, at wala akong balak aminin sa kanya yung mga nangyari dati.

"You don't need to pretend Kit. Mom tells me herself and Sunny also tells what mom did to you. I know everything now and that's why I'm here to say sorry, Kitten."

I-Ito ba ang dahilan kung bakit siya pumunta dito?

"A-ano? H-hindi niya sasabihin yun kasi nangako s-siya--," napatakip ako ng bibig dahil sa mga sinabi ko.

"I'm sorry, Kitten," sabi niya sa akin at biglang nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Sa pangalawang pagkakataon, natulala na lamang ako sa ginawa niya, wala na rin akong masasabi sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito pero naging emosyonal ako nang yakapin niya ako, parang biglang bumalik yung alalaalang akala ko ay nakalimutan ko na.

Sa di ko malamang dahilan, ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at dinama yung yakap na matagal kong hindi naramdaman. Nanatili akong hindi gumagalaw hanggang sa maluha na ako mula sa bisig niya.

'W-Wala na akong mabibigay na rason para magsinungaling sa kanya,' saad ko sa isip ko.

Ang luhang iniiyak ko ay naging dahilan ng paghikbi at pag-aalala ko sa masakit na nakaraan kung bakit ako lumisan.

"S-sssshhh, please d-don't cry, Kitten. You know how I hate seeing you cry. I'm sorry for letting you feel this way, I'm sorry for being the reason why you're hurting. Please, don't cry," pagpapatahan niya sa akin nang marinig niya ang hikbi ko. Hinawakan niya ang mukha ko, inalis niya ang mga luha sa pisngi ko at titigan niya ako na para bang matagal kaming hindi nagkita.

T-Tama ba ang nakikita ko?

At dahil doon ay mas lalong naging emosyonal ang nararamdaman ko. Naalala ko ang mga nangyari nitong nakalipas na tatlong taon. Inalala ko ang mga oras, araw, buwan at taon na nagdusa ako mag-isa at itinago ko lang ang problema ko sa sarili ko. Naging mahina ako sa loob ng tatlong taon. Ngayon ko lang na-realized na naging pahirap ako sa mismong sarili ko, nagdusa ako mag-isa at pinipilit kong sabihin sa sarili ko na 'okay lang ako' kahit ang katumbas ng mga salitang iyon ay 'masyado nang masakit, hindi ko na kaya'.

At ngayon, nandito siya sa harapan ko, ang dahilan kung bakit ko ginawa sa sarili ko ang mga ito, hindi ko alam kung anong iisipin ko.

'F-Frost, bakit ginugulo mo na naman ang isip ko?'

Nandito ba talaga siya para manghingi ng tawad dahil sa mga ginawa niya o para sa ibang dahilan pa?

Bigla akong nagising sa muntik ko nang pagkakahulog muli sa mga mata at haplos ni Frost nang maisip ko ang posibleng dahilan kung bakit siya nandito.

Remember UsWhere stories live. Discover now