Chapter 3 Just As Usual

570 49 11
                                    


Kinabukasan

Kit POV

"Goodluck Kuya Kit!"

Ngayon ang araw ng internship ko sa company na sinabi ni Sunny. Na-eexcite ako na kinakabahan na ewan, siguro dahil ito ang unang araw ng pagtatrabaho, parang trabaho na rin ganun. Pero hindi dapat ako kabahan dahil kasama ko naman si Sunny.

Tama, tama!

Nandito ako sa kotse ni Blaze kasama si Blaise, kakarating lang namin kasi sa tapat ng address na binigay ni Sunny. Mula dito sa kotse, makikita mo yung mataas na building at may maganda itong design. Para itong 5-star company na pinagmamay-ari ng isang kilalang tao. Nag search ako about sa company na ito at sa pagkakaalam ko, ito day ay isang company ng leading elite brand sa men's underwear.

'Siguro mahal yung mga underwear nila? Gawa kaya sa ginto yung tela?', sa isip ko.

"Bear? You should go now, it's your first day on being an intern today, you shouldn't be late," sabi sa akin Blaize.

"Opo bear~, ito na baba na, psh," umaarteng sabi ko sa kanya.

Gusto na ata niya akong paalisin sa kotse niya eh, kinakabahan pa nga ako tapos pag mamadaliin niya ako? HUHUHUHUHUHUHUHU

"Kuya Kit, goodluck po ulit sa first day ninyo, uuwi pa naman po kayo right?" sabi ng batang si Blaise na nasa back seat.

"Ofcourse uuwi pa siya you silly kid, keep goin' bear, I'll fetch you up later. Dadaan pala kami mamaya sa restaurant, I'll do some things there sayang di ka makakasama," pagsagot naman ni Blaze.

Ang kulit talaga ni Blaise at ang cute pa, sayang naman di ko masisilip ang renovation ng restaurant ni Blaze, siguro next time nalang.

"Sayang naman di ko makikita yung restaurant mo, peros siguro next week nalang sa grand opening," sabi ko. Next week na kasi magbubukas yung restaurant na pag mamay-ari niya. Oh diba ang bongga, may sarili na siyang kainan!

"Yeah, we're going together next week," dagdag pa ni Blaze.

Bumaba na ako ng kotse niya at tinignan ko muna ang magkapatid na Madden bago ako magpaalam sa kanila.

"Sige na mauna na kayo, ingat sa byahe bear ah? Kasama mo si Blaise, okay?" sabi ko kay Blaze.

"Noted bear, you take care too! Call me if you need something, I'll fetch you up later," nakangiting sagot ni Blaze.

"Bye Kuya Kit, umuwi ka po okay?" sigaw sa kotse ni Blaise.

Ang kulit talaga ng batang 'to.

^_^

"Oo naman Blaise, ingat kayo ng kapatid mong apoy ha? Bye!" pagpapaalam ko sa kanilang dalawa.

Kumaway nalang si Blaise at tumango naman sa akin si Blaze.

Nang makaalis na silang dalawa ay tumuloy na ako sa entrance ng company. Malaki talaga itong company kung saan nag iintern si Sunny, sigurado akong pang mayaman ang mga product na binebenta nila at feel ko rin na pricey. Pagkapasok ko sa loob ng building ay may sasalubong sayo na malaking screen na pinapalabas ang mga men's underwear na product nila, globally and locally competitive kasi yung brand na hawak nila kaya mapapa isip ka na siguradong mayaman yung may-ari nito.

Ang pangalan ng company ay Titan Men's Underwear.

Siguro malaki noh? Parang big size siguro kaya titan.

Ano yung malaki? 

Syempre yung underwear, ano ba iniisip niyo ha? 

"Kit!"

Remember UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon