001

230 91 31
                                    

Xyanara's POV

"So you like to tease me huh?"

"Errrr I want to cry"

"Darn it! Shut up dude"

"Can't you see I'm reading? Geez, stop dribbling your ball Storm!"

"You look like a ten year old kid Thunder"

"HAHAHAHA I can't wait to see her"

"What the heck Sky? Stop bragging! We're not interested, okay?"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong nakakasakit sa tengang bangayan nitong tatlong ugok na kasama ko. Kanina pa akong hindi makapag-focus ng maayos nang dahil sa kanila. At eto namang si Rain ay hindi parin nakakarating sa Academy. Mahigit isang oras na ata kaming nag-aantay sa kanya para makapagpraktis na pero mukhang walang balak na pumasok ang isang yon.

Napapikit ako ng mariin nung hindi parin sila matapos-tapos sa kakaingay nilang iyon. Si Storm na ginawang basketball court ang Studio namin, si Thunder naman na nakahilata sa ibabaw ng lamesa habang nagbabasa ng wattpad at itong si Sky na parang sira kung makatawa habang tumitipa sa cellphone niya.

Nakakasakit sa ulo talaga, ewan ko ba kung bakit ko pa naisipang tanggapin ang alok nilang maging vocalist sa grupo. Okay na sana ang buhay ko nung naging solo ako, pa chill-chill lang sa isang tabi at walang prinoproblema.

"Guyz... Are you blind or something? Nandito ako okay?" sabi ko na ngayon ay nakatakip pa ang dalawang kamay sa magkabilang tainga. Nakita kong sabay silang napabaling ng tingin sa akin at mistulang naging tahimik ang buong silid.

Napabungisngis si Thunder. "Good morning Lil' Boss!" tugon nito habang sinusubukang makatayo.

Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras at tinapunan ito ng blangkong tingin bago niligpit at inilagay sa isang sulok ang mga ginamit ko. Pagkatapos niyon ay agad akong naglakad palapit sa kanila.

Napakagat ako sa sariling labi. "Bat ang aga niyo ata ngayon? lalo kana bagyo, ano bang meron?" tanong ko kay Storm ng mapatingin ako sa direksyon niya.

Nagkibit-balikat lang ito saka muling nagdribble ng bola. Ikaw kasi Xyanara bakit nagtanong kapa? Alam mo namang suplado yan diba?

Siya si Excelcis Lavryle Montegrande aka Storm, kilala din as ONE OF THE FAMOUS MODEL IN ASIA, ang pinakasuplado slash pinakagwapo din daw sa grupo namin (according sa mga sabi-sabi) Kilala siya sa Academy dahil narin sa pamilya niya. Isa kasi ang Daddy niya sa mga nagpapalakad nitong school though minsan lang sa isang taon ito kung makabisita.

Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya kahit yung mga hindi nag-aaral dito. Siya yung tipong isang tingin lang, makakalaglag panty talaga. Pero syempre, immune na ang mga mata ko sa kagwapuhan niya.

Siya ang lead guitarist sa banda, lahat naman ata kaya niya eh. Maging drummer, keyboardist, vocalist at lahat ng mga bagay na related at kahit hindi sa music.

Nabalik ako sa katinuan nung mapagtanto kung nasa harap ko na pala ito. Agad akong nagtakip ng mukha nang akma niya sanang ipapasa sakin yung hawak niyang bola.

Maya-maya pa'y bigla nalang itong napahagikgik sa isang tabi. Nagkatinganan kaming tatlo. "Did he just smile?" nagtatakang tanong ni Sky.

Pasimpleng lumapit ako sa dalawa habang si Storm ay nakatalikod na ngayon sa amin. Napangiti nalang din ako sa nangyari. "Anyari don kay bagyo? Mukhang maganda ata ang gising niya ah" saad ko habang tinuturo pa ito.

Bahagya akong hinila nitong si kulog. "Maybe... may nangyaring kababalaghan sa isang yan. I haven't seen him na ngumiti ng basta-basta. We know him better than anyone else, right?" ani Thunder na parang sigurado sa naging kalkulasiyon niya.

Siya naman si Stanley Xavier Dominguez aka Thunder kilala rin bilang THE KING OF WATTPAD sa adik ba naman niyang magbasa? Ayy naku mapapapalakpak ka nalang sa sobrang sipag niyang magbasa ng mga nobela. Siya ang drummer sa grupo, minsan mapagkakamalan mong baliw dahil tumatawa ito ng mag-isa habang nagcecellphone. Mayaman, gwapo at hinahangaan din ng lahat.

Napabaling ako ng tingin kay Sky ng magliwanag ang mukha nito.

"Or maybe... may gumayuma sa kanya?", natatawang tugon nito habang kami ni kulog ay parehong napairap sa kanya. May tama rin ang isang to eh siguro nakulangan din ito sa vitamins.

His name is Nixon Francis Calvin aka Sky, the CYBER KING of Heijeul's Academy at siya naman ang rhythm guitarist sa grupo. Matangkad, gwapo, maputi, may matangos na ilong at higit sa lahat may dimples. Mayaman din syempre, ako lang ata yung hindi at marami ring babae ang nagkakagusto sa kanya but... he's already inlove at ni kami ay walang alam kung sino ito. According to him, sa internet lang daw niya ito nakilala at hindi pa sila nagme-meet ni isang beses.

"What are you guys doing??? Discussing something? Tsismis ba?", nagkatinginan ulit kaming tatlo nina Sky at Thunder at sabay na napahalakhak sa sinabing iyon ni Storm.

At dahil don, mabilis nitong tinahak ang pagitan sa amin at agad na binatukan ng sobrang lakas ang dalawang mukong na katabi ko. Akala ko nung una ay sila lang ang may premyo pero pati ako pala ay meron din. Kaya nagitla ako ng walang sabi nitong pinitik ang noo ko habang nakangisi pa. Napaismid ako kay Storm habang napairap naman ito sa akin. Hindi ko mapagkakailang mas cute siyang tingnan kaysa sakin kapag umirap. Why so cute Storm? HFKYfBXSKL

Napakamot si Sky sa ulo niya, "So what kung nagchichismis kami Storm? Inggit ka noh yieeee... ARAY!!! Damn it Bro nakakarami kana huh", bigla kasi ulit siyang binatukan ni Storm.

"HAHAHAHHAHAHHAHA you deserve it Sky, ano masarap bah?", aliw na aliw namang sabi nitong si Thunder habang hinihila-hila niya na ngayon ang braso ko. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay binigyan ko siya ng do-you-want-to-die look.

"Hehe ayaw ko pang mamatay", napangiti ako dahil don at agad siyang hinampas sa balikat niya.

*BrOoOmMmmm BrOooOmmMmmm

"Finally, he's here. Lez go guyz and we'll give him a PUNCH!!!", ani Thunder at inakbayan ang dalawa. Sa tinagal-tagal ng paghihintay namin, ngayon lang talaga siya nakarating. Naku Rain magdasal kana, wala akong maitutulong sayo huhuhu.

"We've waited for so long tas isang sapak lang? Aba di ata tama yun auh", puna ni Sky habang nakataas-baba pa ang kilay niya.

"Sounds great!", rinig kong tugon ni Storm bago sila lumabas ng pinto.

O-oww Goodluck Rain, mukhang disidido ang tatlong yun sa gagawin nila.

*****

🦋yaya_purple

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon