006

151 73 5
                                    


Xyanara's POV

Katamadddd tologo huhuhu, Lunes na naman ngayon. Bakit kasi ang bilis-bilis ng oras? Kulang na kulang ang tulog ko lalo pa't nagpuyat lang naman kami kagabi ni Cherry sa panunuod ng Squid Game. Siya yung kaboard mate ko na nag-aaral naman sa Silvalle University~isa rin sa mga sikat na unibersidad dito sa kamaynilaan.

Kahapon, ayon at nagpraktis lang kami nang nagpraktis sa Studio mula umaga hanggang mag-alas otso ng gabi. Buti na ngalang at hinatid ako nitong si Rain kung hindi, naku baka nilakad ko lang ang distansiya mula sa Academy pauwi sa tinutuluyan ko. Ang hirap kasing maghanap ng masasakyan kapag ganoong oras na.

Maya-maya pa'y hindi ko napigilang mapahikab ng ilang beses habang naglalakad ako papasok na ngayon sa Academy. Hindi na kasi pwedeng pumasok sa loob ng school ang mga tricyle o anumang pampublikong sasakyan maliban nalang sa mga estudyanteng mayayaman na may kanya-kanyang kotse o motor. Mapapa-sana ol nalang talaga ako sa kanila dahil kahit bike ay hindi ko kayang bilhin, magarang kotse pa kaya?

Mag-aala siyete palang ng umaga pero ang dami-dami na ng mga estudyanteng pumapasok sa kani-kanilang Classroom. Yung iba ay nagprapraktis na at meron ding tumatambay-tambay mona sa isang tabi. 

Sobrang laki AS IN talaga ng Heijuel's Academy at kompleto pa ito sa lahat. 
May Fountain na bubungad sayo pagkapasok na pagkapasok mo sa loob ng Academy, may Cafeteria na tulad ng sinabi ko ay sinlaki ng Mall, may Football Field na sobrang laki rin, Basketball Court na may one thousand seats, Swimming Pool na open for all students, may Campus Hospital, Air-conditioned na Classrooms, Library na may libo-libong libro, Three-storey Building na pinagprapraktisan ng mga Class A, B at C, may Laboratory, meron ding Rest House na sa pagkakaalam ko ay tinutuluyan nung may-ari nitong School, Studios for Top Stars at higit sa lahat ang Concert Hall. Ito yung lugar na pinakasentro sa loob ng Academy, ang lugar kung saan kami nagpeperform every Festival, Anniversary ng School, at kung anu-ano pang selebrasyon.

Oh diba? San ka makakahanap ng School na may Rest House? Ganyan kayaman ang mga taong nagpapatakbo nitong Academy at isa na diyan si Mr. Montegrande~ang Papa ni Storm. Pero ang may-ari talaga nitong School ay hindi namin alam kung sino. The only clue we have is itong yung kaisa-isang tao na nakaka-access nung Rest House. Matatagpuan ito sa likod ng Library namin na malapit lang din sa Studios ng mga Top Stars.

Napapangiti nalang ako pabalik sa ilang mga estudyanteng nakakakilala sa akin habang naglalakad na ako ngayon sa hallway. Merong kumakaway, at yung iba naman ay hindi napigilang lumapit sakin para batiin ako ng magandang umaga. Kaya in return, bumati rin ako sa kanila hanggang sa magpaalam din ang mga ito pagkatapos.

Maglalakad na sana ako paalis doon ng may bigla akong may narinig na sumisigaw mula sa likod. "Lil Boss!!! Wait for us!!!".

Napahawak nalang ako sa ulo ko at napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Oh here they are, ANG APAT NA UGOK. 

Si Storm na napaka-angas ng dating habang nakapamulsa, si Thunder na nagpapacute sa mga babaeng nadadaan nila habang sinusuklay nito patalikod ang sariling buhok gamit ang kamay niya, si Sky na naka-cross arms habang kumakain ng lollipop at si Rain naman na fresh na fresh sa suot nitong uniform.

Tili at hiyawan ng mga babaeng kulang sa bakuna ang maririnig sa buong hallway. Ganto ba talaga ka peymus itong apat na ugok nato? Mukhang ako lang yata yung immune na sa kagwapuhan nila.

Napataas ang kilay ko nung tuluyan na silang makalapit sakin. "Anong gayuma ba ang ginamit niyo?", nang-aasar kong tugon sa kanila.

Agad namang napaismid si Thunder. "Nakakasakit kana Lil Boss huh", aniya na kunwaring nagpupunas pa ng invisible niyang luha.

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now