004

171 79 21
                                    


Xyanara's POV

"Hmm... Chinese Foods are so so so delicious lalo na paglibre, diba Sky?", ngumunguyang wika ni Thunder habang nilalantakan nito ang mga pagkaing nasa plato niya.

Napatango naman sa kanya si Sky na busy rin sa pagkain habang sina Rain at Storm ay napapailing-iling nalang dahil sa kanila.

Tinapunan ko nang tingin si Storm. Pati ba naman sa pagkain nakasimangot? Kunti lang din ang pagkain na nasa plato niya at talagang parang wala siyang gana.

Maya-maya pa'y hindi ko napigilan ang sariling magtanong. "Gwenchana?", nag-aalalang sabi ko sa kanya nung mapatingin din ito sa akin.

Nakataas ang kilay niyang napasalita. "What do you mean by Kenshaniya? Kenchana? Kesha-shit! Damn that word!", bigla kong naalala na hangeul pala yung sinabi ko kaya yun tuloy pumuputok na naman sa inis itong si Bagyo kung ano yung sinabi ko. Ang sarap sa pakiramdam na makita siyang naguguluhan katulad din nitong dalawang burara.

"Did she lost her sanity? Ohoww Twinkle may tama kana yata HAHAHHAHAAHA", pinanlakihan ko ng tingin si Sky sa sinabi niyang iyon.

"Oo nga naman, ano bang lenggwahe ang sinabi mo Lil Boss? Parang pang-alien eh BWAHAHAHHAHHAHA", tawa naman ni Thunder kaya napairap nalang ako sa kanila pareho. Rinig ko namang napa-ehem si Rain mula sa kanyang inuupuan. Pinagitnaan kasi ako nilang dalawa ni Storm.

Nagkakamot ito sa kanang kilay niya ng binalingan ko siya. "Gwenchana means are you okay? Something like that and it's the language of Koreans, get it now?", paliwanag nito saka napatawa ng malakas.

"You know I'm a pure Filipino so why on Earth did you ask me with that alien language?", naiirita paring tanong ng supladong bagyo.

Napabuntong-hininga ako matapos mailapag ang basong hawak-hawak. "Ipagpaumanhin niyo po mahal na hari... sapagkat ako'y nakalimot", pagpipigil ko sa sarili kong tumawa. Kasi naman nakakatawa yung mukha nila Sky at Thunder nung tinawag ko na hari si Storm. Inggit ang mga mukong hahaha.

"It's already 9:46, can we go back now?", ani Rain habang nagpupunas ng kanyang bibig.

"But it's not yet ubos, tingnan niyo ang dami pa ohh", buwelta naman ni Thunder na mukha yatang ayaw pang umalis.

"Hindi ka parin ba nabusog?", wika naman ni Sky na hindi makapaniwala sa dami ng pagkaing inubos ni Thunder. Nakatatlong plato lang naman kasi siya ng pasta at hindi pa don natatapos, naubos rin niya ang mga dessert na inorder ni Sky para sa sarili nito sana.

Naunang lumabas samin si Storm pagkatapos sumunod naman sa kanya si Rain matapos nitong magbayad. Napilitan narin ang dalawa na lumabas saka naman agad ako sumunod.

Nang makalabas, sumalubong sa amin ang sobrang daming estudyante na pawang kumakain sa kada lamesa nila at yung iba naman ay nakatayo pa habang nag-aantay na matapos yung mga nauna. Mukhang mas lalo pang dumoble ang bilang nila mula kanina nung pumasok kami. At dahil siksikan, hindi kona maaninag ang mga kasama ko at hindi kona rin alam kung nasan nako napunta.

Maya-maya pa'y biglang nanlaki ang mga mata ko nung matisod ang isang babae kaya dahil don, natapon ang juice na hawak nito diretso talaga sa damit ko. Yun tuloy at basang-basa ako ng bongga.

"Hala Miss sorry hindi ko sinasadya, sorry po talaga", ani nung babae habang pinupunasan na niya ngayon ang damit ko gamit ang panyo niya.

Agad ko namang hinawakan ang kamay niya para patigilin siya sa ginagawa niyang iyon at bahagya akong ngumiti. "Okay lang, wag kang mag-alala. Tsaka alam ko naman na hindi mo sinadya", yumuko pa talaga ito sa harap ko habang humihingi parin ng paumanhin.

"O-oww she's in trouble, ba't kasi hindi siya nag-iingat? Di ba niya alam na Top Star yung tinapunan niya ng juice? Gosh..."

"She's lucky, kung nagkataon na Chelsea yun naku... BAKA TANGGAL NA SIYA NGAYON PALANG"

Tinapunan ko ng tingin ang mga chismosang estudyante na yon. "It was just a mere accident, so bakit niyo pa pinapalaki?", angil ko sa kanila. Dahil kasi don sa mga pinagsasabi nila ay natakot itong babaeng kaharap ko.

Nagsialisan naman agad sila ng makuha ang punto ko. "Ahh ano pala pangalan mo?", tanong ko rito.

Medyo may pagkahawig ang mukha nito kay Shan-cai sa Meteor Garden. Mas matangkad ako sa kanya kaso lang mas cute siyang tingnan kompara sa akin. May bangs rin siya saka may matangos na ilong at napakaliit ng mamula-mulang nitong labi.

Napangiti rin ito pabalik sa akin. "I'm Abby and you are?", nakalahad yung isang kamay niya habang diretsong nakatingin sakin.

"I'm Xyanara... Xyanara Venice Navales", usal ko sa pangalan ko at tinaggap ang kamay nito.

"I'm sorry talaga Venice, nang dahil sakin nabasa yung damit mo", ani niya habang nakayuko na naman ulit. Ang uniform namin kasi for girls ay white na long sleeve, pinarisan ng black ring blazer na may linings siya na ang kulay ay nakadepende kung saang Class ka nabibilang and then yung pang-ilalaim naman ay mini skirt na black. Black knee sock and syempre black shoes. Sa boys naman, white ring long sleeve at black na blazer katulad samin ang pang-ibabaw. Ang pang-ilalim naman ay black na pants paired with black shoes.

Hinawakan ko siya sa balikat. "Don't worry Abby may extra pa naman akong uniform don sa Studio kaya wag kanang sumimangot okay?", pagkukumbinse ko sa kanya dahil parang dinibdib talaga nito ang mga walang kwentang pinagsasabi nung ibang estudyante.

Napatingala ito, "Thank you Venice sana magkita tayo ulit", wika niya.

"Oo naman ano kaba. Magkikita ulit tayo okay?", sabi ko sa kanya bago ito nagpaalam sa akin. I think she's from Class B, kulay yellow kasi ang linings na nasa blazer niya. Sa Class A kasi, blue yung linings nila, sa C naman ay green at yung sa amin ay Red. Once na lumevel up yung position niyu or mo if solo ka, bibigyan ka ng bagong uniform according sa Class na kabibilangan mo.

Pinunasan ko ang bahaging nabasa sa damit ko. It was just a lie kanina nung sabihin kong may 'extra' pakong uniform. Naiwala ko kasi nung isang buwan ang ibinigay sakin ng school na extra uniform. Ewan ko kung nasan na napunta yun dahil hirap na hirap talaga akong hanapin yun. Hinalungkat kona lahat sa boarding house ko pero wala talaga. Ayaw ko rin namang bumili dahil ang sobrang mahal. Pinagkakasya ko na ngalang ang allowance ko, hindi narin ako nanghihingi ng pera kila mama dahil alam kong naghihirap din sila doon sa probinsiya namin sa Iloilo. Tatlo kaming magkakapatid, si Kuya Joseph ang panganay at si Daisy naman ang bunso namin. Ilang taon narin ang lumipas ng hindi nako nakakauwi. Hinihiling ko na sana this time makadalaw man lang ako doon samin kahit isang buwan lang.

Natigil ako sa ginagawa ko ng may tumawag sakin mula sa likuran. He sounds so familiar kaya agad din naman akong napalingon dito. Nung magtama ang mga mata naming dalawa, bigla akong natameme.

"C.A.V.???", usal ko rito habang nakangiti naman ito ng todo sa akin.

*****

🦋yaya_purple

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now