018

47 8 0
                                    

 
Xyanara's POV 

Kakatapos lang ng Fourth Subject namin kaya heto kami't pagod na pagod habang may dala-dalang tray na ng pagkain papunta sa lamesang pagtatambayan namin. Mukhang gutom narin itong apat na kasama ko kaya hindi na sila umangal pa lalong-lalo na si Storm kung bakit ko sila dinala sa mumurahing kakainan na'to. Paborito ko kasi talaga ang mga pagkain dito dahil lahat ay puro mga lutong Pilipino. May sininigang na baboy, sinarsahang isda, mawawala ba naman ang pinakbet? At siyempre ang pinakagusto ko sa lahat, ang sobrang anghang na adobong manok.

Napahilot si Sky sa leeg niya. "Geez, I've never been this so tired. Its Maam Voca's fault, why is she so eager to train us in field? We're Musicians not Carabaos!", naiiritang tugon nito matapos mailapag ang dala-dala sa lamesa. 

 Agad naman siyang tinapik sa balikat nitong si Thunder habang ipinaghila ako ni Rain ng upuan. "I do agree with you Bro, someday I'm gonna bomb her house! She's really a cunning witch Ooops did I just cursed her?", napahagikgik ito sa upuan niya habang tinatakpan-takpan pa nito ang bibig niya. Kalaunan ay sinabayan na siya ni Sky sa pagtawa. 

 "Ang init-init pa naman kanina tas pinag-jogging niya pa tayo? Next time, she must join us para naman malaman niya kung gaano kahirap yung mga pinapagawa niya sa atin", ani Sky na kala mo may humahabol sa kanya sa bilis nitong magsalita.

 "Wag na nga kayong maarte diyang pareho, ikain niyo nalang ohhh", sabi ko sabay subo sa kanilang dalawa ng adobong manok. Nang malunok na nila ang pagkain ay pareho silang napaubo ng wala sa oras. Tama lang yan, mga reklamador kasi eh hmp! 

Napailing-iling nalang si Rain sa kanila habang si Storm ay tahimik lang itong kumakain sa tabi ko rin. Pinagitnaan kasi nila ako ulit dahil siguro ayaw nitong makatabi ang dalawa. "Ba't ang anghang? Huhuhu tubig nga mona Ulan pahinge!", napakagat sa sariling labi si Sky habang pinapaypayan nito ang sariling mukha gamit ang isa niyang kamay. 

Napabuntong-hininga lang si Rain sa kanya habang ito ay namumula na ng sobra. Ang cute nga niyang tingnan dahil nagbablush siya. Tumawa ako ng malakas. "Oh ito tubig, binabakla kana naman Sky eh", nginisihan ko mona siya ng kay ganda bago ko inabot sa kanya ang bottled water na binili ko kanina, pero bigla nalang itong inagaw ni Storm sa kanya.

 "Bro akin yan bakit mo kinuha? Huhuhu dali na please hindi tologo ako nagbibiro", nang mapabaling ako sa gawi ni Bagyo ay nakataas lang ang isang kilay nito na ngayon ay matalim na nakatingin kay Sky. Tinapunan ko ng tingin ang plato niya pero wala akong may nakitang ampalaya doon. Tinutopak na naman ba ang isang to? Ows oo nga pala, palagi naman siyang ganyan eh at hindi na nakakabigla.

 "If that's the case, then go get your own drink. Ka lalaki mong tao, tsk", ibinalik ni Bagyo sakin ang tubig ko at binalaan akong wag itong ibigay kay Sky. Maya-maya pa'y napatayo si Sky sa inuupuan niya na mistulang hindi makapagsalita dahil siguro sa hindi na niya makayanan ang pag-iinit ng mukha niya habang tinuro-turo nito si Bagyo.

 Itong si Thunder naman ay napatayo din at kaagad na pinat nito sa balikat si Sky. "That's okay Bro, you don't need to cry este sad pala. Halika na nga samahan na kitang bumili baka magwala kapa don. Bye-bye guyz, we'll be right back!" Nagkatinginan kaming tatlong natira at sabay na nagkibit-balikat habang nakatunghay sa dalawang papalayo.

 "You should have just let him drink it, Ryle. Why so irrated huh?"

 Nagpalipat-lipat ako ng tingin kina Storm at Rain habang sumusubo ako ng pagkain. Si Storm ay nagce-cellphone na ngayon habang si Rain naman ay walang humpay sa kakalagay ng kung anu-ano sa plato ko. Napalabi ako sa kanya ng mapatingin siya sakin pero dineadma niya lang ako. 

 "Don't spoil him too much, Rain. Hindi na siya bata para sabihan na bumili ng sarili niyang inumin. And you should thank me instead, do you want me to say it out loud the reason why?" Rain stop for a while then he suddenly rubbed his brow. Nang nasa kay Storm ang tingin niya ay isa-isa kong ibinalik ang inilagay niya sa plato ko at napahagikgik ng lihim. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now