011

131 53 1
                                    


Xyanara's POV

Pasado alas otso na siguro akong nakarating sa Studio namin dahil sa nangyari dun kanina sa Concert Hall.

Sa dinami-dami ng estudyante dito sa H.A. eh ako pa yung nabiktima nitong si Keydee. Talagang tinakot niya ako ng sobra.

Ikaw ba namang makakita ng multo ng ganito kaaga?

Pag ako may dala lang talaga kaninang baseball bat naku ewan kolang kung anong mukha ang maihaharap ni Keydee sa sangkatauhan. Masasayang sana lahi niya dahil sakin.

Pasalamat siya't hindi nangyari yon.

Napabuntong-hininga ako ng sobrang lalim bago ko binuksan ang pinto papasok. Buti nalang at nawala na yung sakit ng ulo ko maging ang pagkahilo dahil sa uminom ako ng maraming tubig.

Bigla kong naalala ang sinabi ni DG sakin kanina...

"I'm not that childish okay? Just don't get near me again. And for your number... I have lots of ways on how to get it"

Ang hangin niya sobra at mas kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko yun. Kahit hindi niya sabihin sakin ay talagang gagawin ko naman. Ganyan ako kabait.

"Eyy yow, why do you look so haggard today?", bungad agad sakin ni Sky na mukhang natatawa pa matapos kong maisarado ang pinto.

Inismiran ko naman siya at napalapit pa sa kanya. "So what Sky? Ipapa-Belo mo ba ako dahil lang sa ang haggard ko ngayon?", sabi ko at bahagya siyang itinulak sa gilid.

Napacross-arms ito. "Ano ka sinusuwerte? Haler, di kita girlfriend noh so ekis ka sakin", wika niya na hindi talaga magpapatalo.

"Alam mo Sky, kung hindi mo lang naging ex itong si Chelsea iisipin ko talaga na bakla ka", maya-maya'y sabi ko bago ko inilapag ang dala kong bag sa may lamesa.

"Alam mo rin ikaw Twinkle, puro bakla-bakla lagi laman niyang bibig mo. Wala ka nabang ibang maisip maliban dun? At kung halikan kaya kita para manahimik ka ano?", nakangisi niyang tugon.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang iyon at agad na napatili sa kinatatayuan ko nang inilang hakbang lang nito ang pagitan saming dalawa.

Pero bago niya pa ako mahuli ay tumakbo na ako ng sobrang bilis papalayo sa kanya. Tawang-tawa ako siyempre, alam kong inis na inis na naman ito sa akin.

Kung kanina natakot ako sa multo, ngayon na stress naman ako sa siraulong to.

"Aminin mo na kasi Sky, tatanggapin ka naman namin eh", sulsol ko pa ulit na mas lalong nagpalakas sa tawa ko.

Paikot-ikot lang kaming dalawa sa malaking lamesa habang humihingal na ito ng sobra.

Anong akala mo sakin Sky huh? Di porket mas mahaba yung binti mo eh mabilis kana kumpara sakin. Sorry ka nalang dahil  pinaglihi ata ako ni mama kay Flash.

"Zombie... ka ba? Ba't... parang hindi ka napapagod?", usal niya at muling akong hinabol.

"Eh ikaw... pagong ka ba? Ba't ang bagal-bagal mo?", sabi ko imbes na sagutin siya.

Ngayon, medyu sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa habang tumatagaktak naman ang pawis nito sa mukha niya kakahabol sakin.

Nang wala na akong ibang matatakbuhan, napangisi nalang ng sobrang laki si Sky sa akin. Agad naman akong napanguso sa kanya na kunwari ay suko na 'ko pero ang totoo, may back-up plan ako.

Nakita ko si Rain sa may harap ng sofa na nakatayo habang may hawak-hawak itong papel kaya naisipan kong tumakbo papunta doon at hindi nagdalawang-isip pa na magtago sa likod nito.

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now