007

151 72 2
                                    


Xyanara's POV

"Uyy himala, nakarating din kayo sa wakas. Wag niyong sabihin na pati sa hallway may traffic?", ani Sky habang nakaupo ito sa arm chair ni Rain. Agad din naman siyang pinaalis nung may-ari kaya napaupo narin ito sa upuan niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ang ingay-ingay mo talaga ano? Wala kabang magawa sa buhay?", saad ko sa kanya at umupo narin sa puwesto ko. Bali nasa likod ko lang nakaupo itong ugok nato habang katabi naman niya si Rain. Sa likod naman ni Rain ay si Storm na walang seat mate dahil syempre ayaw niya habang si Thunder ay nasa tabi kong nakaupo.

Maya-maya'y bahagya akong hinila nitong si Kulog palapit sa kanya saka ito may ibinulong sakin. "Tinutopak yan Lil Boss, nagkita kasi sila", aniya at pasimpleng napangiwi.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "You mean... si Chelsea?", nagtatakang sabi ko sa kanya sa mahinang-mahina na boses.

Pagdating talaga sa tsismis ang bilis-bilis ng radar ko. Dinaig kopa yung mga tsismosang kapitbahay namin don sa probinsiya sa pagsagap ng mga balita. Sabi pa nga nila doon, MAS MABUTI DAW YUNG MARAMI KANG ALAM. Pero ang panget namang tingnan kung pati buhay ng ibang tao alam mo diba? Ekk ekk nila, tuloy nahawaan pa ako ng pagkatsismosa nila.

Napabaling mona ng tingin si Thunder sa likod bago napatango sa akin. "Eh, ano daw sabi?", naiintrigang tanong ko ulit. Ayaw ko talaga ng binibitin ako kaya dapat to the climax na agad.

Itinabi na mona nito ang isinusulat niya bago napatingin sakin. "Ganto yong sinabi niya Lil Boss, 'Babe... Let me explain. I was drunk that night at hindi ko alam yung mga pinanggagagawa ko. Believe me, Ikaw lang talaga ang mahal ko Chu Chu Chu' Halos masuka ako kanina sa mga sinasabi niya and I don't know kung bakit nagustuhan pa siya nitong si Sky. Ang arte-arte tas ang drama pa, bweh", wika ni Thunder na ngayon ay nakalabas pa yung dila niya. 

Napatawa ako ng mahina dahil sa ginawa niyang iyon. "Infairness, gayang-gaya mona siya Thunder huh Hahaha pwede kanang maging proxy niya", sabi ko habang hinahalungkat kona ngayon ang laman ng bag ko. May hinahanap kasi ako pero hindi ko naman matandaan kung ano iyon. Mukhang nakalimutan kona dahil sa tsismis nitong katabi ko kaya agad ko rin namang ipinasok sa bag ang mga gamit ko at inilibot ang tingin sa loob. Si Thunder ay napakibit-balikat nalang bago ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. 

Napalingon ako sa likod. Pagkalingon na pagkalingon ko ay agad na bumulaga sakin ang mukha ni Sky na sa sobrang lapit ay kunti nalang at mahahalikan niya na ako. Napahawak nalang ako sa dibdib ko at unti-unting lumayo sa kanya habang siya'y nakatingin sakin ng masama.

"You're really a tsismosa huh?", maktol niya sakin matapos akong batukan? "And you too", saad niya naman kay Thunder na hindi rin nakalampas sa premyong binigay nito na times two ang sakit kumpara sakin basi narin sa naging reaksiyon ni Kulog.

Napaismid ako kay Sky habang nakabusangot naman ang mukha ni Thunder ng mapatingin din ito sa likod. "Ano na naman bang kasalanan ko huh?", nagmamaangang sabi nito bago ako tinapunan ng tingin.

Napabuntong-hininga si Sky at agad na napacross-arms. "Kahit magsign-language pa kayong dalawa diyan, malalaman at malalaman ko parin kung sino yung pinag-uusapan niyo", aniya na nakapangalumbaba na ngayon habang nakadikwatrong nakaupo sa upuan niya.

Napatirik naman ang mga mata ni Thunder sa narinig at muli ring nagsalita. "Tsk, Anong bang nagustuhan mo sa babaeng yon Bro? Maganda nga pero ang panget-panget naman ng ugali", napahilot nalang ako sa sintido ko at bumuntong-hiningang napailing-iling sa kanila. 

Natampal pako nitong si Kulog ng dumako ang tingin ko sa kanya, kaya agad korin siyang kinurot sa tagiliran bilang ganti. Ayon at enjoy na enjoy ang mukong dahil mukhang nakiliti ito sa ginawa ko imbes na mamilipit sa sakit, siraulo talaga.

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now