010

133 60 12
                                    

Xyanara's POV

Kinaumagahan, pagkadating na pagkadating ko sa Academy ay talagang dumiretso ako papuntang Concert Hall para ibigay kay DG ang gamit niya gaya ng sabi nito kagabi.

Medyu sumasakit pa nga ang ulo ko ngayon dahil sa natulog ako kahapon na basa ang buhok ko. Pinainom naman ako ng gamot ni bruha kanina matapos kong mag-agahan para hindi na daw lumala. Pero hanggang ngayon... hindi parin ako nilulubayan ng sakit.

Mahigit bente minutes na siguro akong nakatayo dito sa labas ng hall at pabalik-balik lang sa kakalad habang inaantay ito. Maaga pa naman kaya hindi ako hahanapin nung apat kung saan ako nagsususuot.

Ilang minuto pa ang lumipas at napagdesisyunan kong pumasok nalang mona sa loob at don nalang ito hintayin dahil napagod ako sa kakalakad lalo na't medyu mainit na.

Buti na ngalang at hindi naka-lock itong pinto kaya malaya akong nakapasok. Iniwan ko lang na nakaawang ang pinto para mabilis lang akong makakalabas mamaya.

Pagkapasok na pagkapasok ko, kaagad na bumungad at yumakap sakin ang malamig na hangin. Medyu madilim din dito sa entrance hall dahil sa mga kurtinang nakatakip sa bawat bintana. Bali kailangan ko pang pumasok sa isa sa mga pinto (left or right door) bago marating ang pinakaloob ng hall kung saan naroroonan ang malawak na entablado at libu-libong upuan.

Hindi ko napigilang mapahalukipkip habang inililibot ko ang aking tingin sa kaluoban. Nagsitaasan narin ang mga balahibo dahil nga sa sobrang lamig.

Bakit parang nakakatakot naman ata dito? May naramdaman akong mali eh... Tila may pares ng mga matang nakabantay sa bawat kilos at galaw na ginagawa ko.

At dahil hindi ko na nakayanan ang sobrang lamig ay napagdesisyunan kong lumabas nalang doon. Pero hindi pa nga ako nakakagalaw sa puwesto ko ng may bigla naman akong may narinig na kaluskos na kung hindi ako nagkakamali ay galing sa may mahabang desk na pinagitnaaan nitong dalawang pinto.

Ano kaya iyon?

At dahil na-curious ako ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta doon kahit na takot na takot na talaga ako.

Paano kung may multo dito?

Kinagat-kagat ko ang kanang hintuturo ko at niyakap ang bag na dala-dala. Nakakakilabot din kasi ang ingay na nagagawa ng antigong orasan na nasa bandang kaliwa nitong entrance hall.

Parang isang mensahe na wag kona daw ituloy ang binabalak kong gawin... Pero dahil matigas ang ulo ko ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Habang palapit ako ng palapit, lalong lumalakas ang kabog nitong dibdib ko. Bahala na basta sisigaw nalang ako mamaya pagtalagang may multo akong makikita dito.

Maya-maya'y humangin ng sobrang lakas dahilan para magsiliparan ang dulong parte ng mga kurtina sa ere.

Sinikap kong hawakan ang buhok kong nakapusod para hindi matanggal ang pagkakatali nito pero nabigo ako. Ngayon, sumasabay narin sa galaw ng hangin ang mahaba kong buhok.

Magkahalong kaba at sakit ng ulo ang naramdaman ko. Hindi ko rin alam kung bakit parang nahihilo ako gayong tumigil naman ako sa paglalakad. Baka siguro dahil sa gamot na ininom ko kanina lalo pa't minsan ay nalalasing ako sa taas ng dosage nito.

Bigla kong nabitawan ang bag ko nung pumailanlang dito sa loob ang nakakasakit sa tengang tunog ng piano na sa wari ko'y may kung sino ang tumutugtog niyon sa may entablado.

May iba nga talaga akong kasama...

Kaagad namang naagaw ang atensiyon ko nung unti-unti pumihit pasara ang pintong pinasukan ko kanina kaya tatakbo sana ako papunta doon para pigilan ito ng may kung ano akong naramdaman na pumipigil sakin mula sa likod.

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansDonde viven las historias. Descúbrelo ahora