015

79 28 0
                                    


Xyanara's POV


Hanggang ngayon ay sariwa parin sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Ang mga lasinggerong humabol at nambastos sakin at ang sagutan namin ni DG.

I know may kasalanan din ako but it just that, nasaktan lang talaga ako ng sobra sa sinabi niya.

Who would be happy if someone you really don't know that much said you were stupid? And the fact that you didn't intend for anything unpleasant to happen?

I was just hoping that he'd sort things out first before doing something he might regret afterwards. Oh talagang hindi niya nagagawa yon?

DG is someone I really can't stand, not because of how he glares when he's mad, but because he's someone who believes in what he sees even when he doesn't know what really happened.

Kahit ikaw yung biktima sa paningin ng iba, pagdating sa kanya ay hindi ganon. Pero sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat parin ako dahil sa pagtulong niya sakin. I owe him thanks, and one day, I'll definitely return the favor.



Hindi ko na pinaalam kay bruha ang nangyari dahil alam kong mag-aalala lang siya sakin. Iba pa naman din kung magalit ang isang yon kaya mas mabuting itago nalang.

At dahil wala rin naman kaming pasok ngayon dahil rest day ay naisipan kong mag-grocery. Kanina kasi pagkabukas ko nung ref namin ay wala na masyado itong laman pati narin yung kabinet na nilalagyan namin ng mga dry goods.

Nakalimutan siguro ni bruha ang tungkol don dahil sa sobrang busy niya sa ginagawa niyang research project.

Naaawa nga ako sa kanya eh dahil nitong mga nakaraang araw ay stress na stress ito at kulang pa sa tulog.

Kaya ayokong dumagdag pa sa problema niya at ayoko rin siyang nakikitang nasa ganoong sitwasyon.

Gustuhin ko mang tumulong sa kanya pero ang tanong, anong magagawa ko? Di hamak na mas magaling sakin si bruha sa mga bagay-bagay kaya tanging masahe lang ang mai-ooffer ko.


"Ayy kabayo!"

Napahawak ako sa dibdib ko ng aksidente kong masipa palayo ang malaking karton na nasa gilid lang ng stall kanina habang naglalakad ako, buti nalang talaga at wala itong laman.

At dahi sa bibig kong to ay napatingin pa sakin ang dalawang babae na nasa unahan kolang.

Tangek kasi eh bakit hindi ko nakita yon? Nakakahiya pa naman din dahil napalakas yung sigaw ko.

Napangiti ako sa kanila ng bahagya saka ko dinampot at ibinalik ang malaking karton sa puwesto nito. Nang makaalis ang dalawang babae ay don lang akong nakahinga ng maluwag.

Okay na siguro tong mga binili ko kaya agad na sana akong maglalakad papunta sa counter pero may kung sino naman ang humawak sakin sa balikat.


"Hija, san... ban-da nakalagay yung be-baking powder niyo?", tanong ng may katandang babae sa akin dahilan para mapakunot-noo ako.

Baking powder? Teka, akala siguro ni Lola ay sales lady ako.

Napangiti akong napakamot sa ulo ko dahil don. "Ah eh Lola ano..."

Kinagat-kagat ko pa ang labi ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid. Asan ba kasi yon? Hindi ko rin kasi alam eh...

Should I ask the real sales lady? Pero bakit parang wala akong may nakikita?



Baking powder! Baking powder! Bakingggggg powderrrrrrr! Asannnnn kabaaaaaaaa huh? Magpakita ka sakin kung ayaw mong ipatapon kita sa Mars!

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now