008

145 63 4
                                    


Xyanara's POV

After lunch time, nagpasya kami ni Ash na agahan ang pagpunta sa Library para maghanap ng librong gagamitin niya sa kanyang research. Ito namang si Rain ay talagang sinimangutan pa ako kanina dahil daw gusto niya sanang sumama samin kung wala lang talaga siyang pupuntahan.

I know, sometimes, he's being so overprotective when it comes to me, pero okay lang yon dahil para rin naman ito sa aming lima. Alam kong ayaw niya lang na magkawatak-watak ulit ang Superiors.

At para sa kaalaman ng lahat, siya yung taong nagpumilit talaga sa tatlo na ako nalang ang kuning vocalist kahit bago palang ako dito sa Academy dahil sumakabilang School ang original nilang vocalist. Hindi ko alam kung anong rason ni Akira na bigla niya na lamang iniwan sa ere sina Storm, Sky, Thunder at Rain.

But for some reasons... I'm thankful towards her. For giving me a chance to meet and know more about these four princes of H. A.

Maya-maya'y napatigil ako sa paglalakad nang hawakan ako ni Ash sa kamay. Nang mapatingin ako sa kanya, magkasalubong na ang kilay nito. Hindi parin kasi kami nakakarating doon sa library dahil tinawag  kami kanina ni Mr. Zaryiaga para ipaalam na magpe-perform kaming Top 5 para sa darating na Halloween Party.

"Something's bothering you... May problema ka ba? Because it looks like you're really occupied. If you want, you can share it with me Twinkle... I'm all ears", aniya at bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa akin.

Tinawanan ko siya. "Ako? Occupied? Di kaya", napailing-iling kong sabi at agad na inilayo ang mukha nito gamit ang hintuturo ko.

"But I saw you sighed so many times. Don't tell na nag-away kayo ng Boyfie mo?", takang tanong nito.

Napatawa nalang ako ulit sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon kaya di ko napigilang pisilin ang napakatangos nitong ilong. Feel na feel ko talagang tumawa ngayon dahil siguro sa hindi ko kasama ang apat na 'yon.

"Hala Ash... Hindi ka nila na-inform?", usal ko na lalong nagpakunot sa noo nito.

"Inform??? About what?", aniya at napanganga.

"So talagang hindi ka nga nila na-inform na NBSB ako?", nakapamaywang pa ako ngayon sa harap niya habang mas lalong lumaki ang pagkaawang ng bibig nito.

"Wait, whuutt? You're 22 years of being single? As in NO BOYFRIEND SINCE YOUR MOM GAVE BIRTH TO YOU???", sinigaw pa talaga niya iyon kaya naman hinawakan ko siya sa kaliwang kamay niya at hinila ito palapit sakin para patahimikin siya.

"Shhhhh, malapit na tayo sa library Ash baka mapagalitan tayo", unti-unti kong inalis ang kamay kong nakapulupot na ngayon sa braso niya habang ito ay mukhang hindi parin nakarecover sa nalaman.

"You've never been kissed, I guess..."

"Huh? Ano Ash di ko narinig eh...", tanong ko sa kanya dahil hindi ko naintindihan yung sinabi niyang yon sa sobrang hina.

"Did I say something? HAHAHAHA wala kaya, lika na nga", aniya at mabilis akong kinaladkad paalis. Oo, kinaladkad niya talaga ako pero in a gently way naman.

—————

"Look Twinkle, what are they doing?", ani Ash habang naghahanap na kami ngayon ng mga librong kakailanganin niya.

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at isang kumpol ng mga kalalakihan ang nakita kong nakadungaw sa labas ng bintana sa bandang likod ng library, na parang may pinapanood? Hindi ko masyado makita yung mga mukha nila pero alam kong marami sila.

At dahil nacurious ako, kaagad kong hinila si Ash palapit doon para tingnan kung bakit nila ginagawa iyon.

Long straight black hair...

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now