003

182 79 25
                                    


Xyanara's POV

Habang naglalakad kami patungong cafeteria, maraming estudyante ang nakikita kong nakatangin sa amin. Kahit kasi nasa Class A+ kami ay iisa lang din ang cafeteria namin, ang kaibahan lang ay may studio kami at sila ay nasa iisang building lang kapag nasa Class A, B at C ka nabibilang. Malaki ang cafeteria namin, siguro masasabi mo nang para siyang mall na may iba't ibang klase ng stall at food courts . Hanep may iba't ibang klase din kami ng restau tulad ng Japanese Restau, Chinese Restau, Thai Cuisine, Italian at kung anu-ano pa. Talagang mayayaman ang mga pumapasok dito except lang sa mga katulad kong scholar.

"So where are we going to eat?", naiiritang tanong ni Bagyo este Storm. Naku kung may kapangyarihan lang talaga ang isang to na mangbasa ng isip ng ibang tao, siguro patay nako ngayon, di charot lang alam kong mabait siya suplado lang talaga. Ayaw ko pang mamatay noh huhuhu di pako nakakagraduate.

Napaisip ng mataman si Sky. "What if don nalang?", turo niya sa Chinese Restau na may maraming estudyante ang kumakain sa loob.

Lihim akong umayaw, sa mahal ba naman doon? Naku talagang mauubos ang allowance ko na para sa isang buwan pa dapat. "Ah guyz, naalala ko may gagawin pa pala ako dun sa Studio kaya kayo nalang ang kuma——

"A big NO Lil Boss", pagputol ni Thunder sa sasabihin ko. Nakaready na sana akong umalis pero agad din namang hindi natuloy ng hawakan ako nina Rain at Sky sa magkabilang balikat ko. Siguro alam nilang nagsisinungaling lang ako para hindi makasama sa kanila.

Bagsak ang balikat kong napatingin sa apat na ugok na kasama ko ngayon. "Alam niyo namang hin——

"That you can't afford to eat there? Tama ba?", pagputol naman ni Storm sa sasabihin ko. Talagang naiinip na ko sa ginagawa nilang ito sakin. Pwede naman sigurong patapusin mona nila ako diba? Hayss kabaliw na sila.

Napatango nalang ako sa kabila ng hiyang nararamdaman. Hindi ko naman kasalanan kong mahirap ako diba? At sila mayaman...

"You don't have to worry about it okay? Ako na ang magbabayad and I'm the reason naman why sumama kayo sakin diba?", nakangiting saad ni Rain na ngayon ay ginugulo-gulo na niya ang buhok ko. Yun tuloy nagmukha nakong dugyot sa harap niya.

Natigilan ako nung mapapadyak sa saya si Thunder. "So does it mean na manglilibre ka Rain? Walang bawian yan ahh Yezzz! Lez go guyz", nauna na itong pumasok sa restau habang kami ay nagkakatinginan parin ng dahil sa ginawa ni Thunder at sabay-sabay kaming napatawa.

"What do you want to eat Xy?", tanong ni Rain ng makaupo kami sa isang table na siguro ay para sa mga VIPs. Sabi ko kasi sa kanila na pwede namang umupo dun sa labas kung saan madaming estudyante pero nag-insist talaga sila na sa dito kami kakain. Walang ibang tao at napakatahimik kung hindi lang buburara itong sina Sky at Thunder.

"Kahit ano Rain basta pagkain", sagot ko sa kanya habang napaisip naman ito sa kung ano ang e oorder.

Maya-maya pa'y napahalakhak sina Thunder at Sky habang nasa akin ang tingin nilang dalawa. "Oh bakit? Anong nakakatawa huh?", saad ko sabay tingin sa kanila ng masama.

"Pfffffttt HAHAHAHAHAHA you're so funny Lil Boss, malamang pagkain yong kakainin natin alangan namang tao diba?", gusto ko sana siyang batukan ng napakalakas kung hindi lang siya malayo mula sakin.

"And hello bakit si Rain pa ang magdi-decide ng kakainin mo Twinkle?", pag-agaw naman ni Sky sa atensiyon ko. Aba't ang sarap niyang balatan ng buhay, pareho talaga sila nitong si Thunder, mga pasaway.

Napabuntong-hininga ako ng malalim at tinaasan siya ng kilay. Nakita kong pasimpleng napangiti itong katabi kong si Rain habang wala namang imik sa isang tabi si Storm na tumitipa sa cellphone niya. "Tsk, ba't parang ang bakla mong magsalita Sky? Bakla kaba?", ako naman ngayon ang nakangisi sa kanya. Round ang table kaya medyo malayo siya sa akin.

Napabungisngis si Thunder habang tinuturo-turo pa si Sky na katabi lang naman niya. "Are you gay Bro? Freak HAHAHHAHHAHA it suits you so damn well", hindi parin siya matapos-tapos sa pagtawa habang nakatingin kay Sky. Kami naman ay mataman lang na nanonood sa kanilang dalawa.

Biglang nandilim ang paningin ni Sky dahilan para matigil sa pagtawa itong si Kulog. "You're so bad Lil Boss, why did you call him Gay? We all know that he's not and he'll never be one", napipilitang wika nito sa akin habang nasa kanya ang buong tingin ni Sky. Nagkatinginan kami ni Rain at parehong napakibit-balikat sabay na napatawa ng mahina.

Ilang minuto ang lumipas at nagkukuwentuhan lang kami except kay Storm habang nag-aantay na maserve ang mga pagkain, kaya napabaling ako ng tingin sa kanya, ba't ba parati siyang moody? Minsan mabait, minsan nakangiti at parati namang suplado. Ewan ko ba kung bakit ang daming babae parin ang nagkakagusto sa kanya sa kabila ng ugali niyang ito.

"Why are you staring at me like that?", nagtatakang tanong nito sa akin. Agad naman akong napalunok ng laway at bahagyang nag-iwas ng tingin.

"Ako tinititigan ka? Di noh naghahalucinate kalang siguro Storm", saad ko habang kunwaring may hinahanap sa ilalim ng table.

Tanga ko talaga sobra. Ano nalang ang sasabihin ni Bagyo? Na may gusto ako sa kanya? Anlabo na mangyari yun noh dahil parang mga kapatid narin ang turing ko sa kanila kahit hindi pa ganun katagal ang oras na pinagsamahan namin.

Lihim akong napasulyap sa kanya na ngayon ay busy na ulit sa cellphone niya. I do believe that when the right time comes, mayroong isang babae ang makapagpapabago sa pagkato ni Storm.

Sa tamang panahon...
Sa tamang lugar...
At sa tamang tao...

*****

🦋yaya_purple

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now