-- 7 --

197 9 6
                                    

Urong-sulong ang pagiging malapit sana nina Toni at Lorenz sa isa't isa. Sa panahong naiisip ni Toni na parang nakikipagkaibigan sa kanya ang binata, kasunod nun ay mararamdaman na naman niya ang pagiging iritable nito sa kanya. Hindi niya maintindihan bakit siya lang ang kinakausap nito nang seryoso gayong malambing at friendly ito sa halos lahat ng mga kasamahan nila lalo na kay Lailanie. 

Walang klase si Toni sa second to the last subject kaya nagtungo muna siya sa faculty room. May dalawang tao lang siyang naabutan sa loob --- sina Lorenz at Lailanie.

Hindi niya hinayaang mapadako ang tingin sa dalawa habang tinutungo niya ang kanyang puwesto. Tahimik niyang inilapag ang mga gamit sa kanyang mesa at nagkunwaring abala siya sa mga papel kahit na ang balak sana niya ay magpahinga o kaya ay kumain. Nawalan na siya ng gana.

"Your naughty." malamyos ang tinig na pagkakasabi ni Lailanie. Nagtawanan pa ang mga ito.  Siya ba ang pinag-uusapan ng dalawa?

Palihim siyang tumingin sa mga ito. Nakita niyang may pinakikita si Lorenz na larawan kay Lailanie. Nag-aapir pa ang mga ito. Sa kanya lang talaga minsan mailap ang binata. Napairap siya.

"Ms. Toni, kain po tayo." napatingin siya sa nag-alok. Naghahanda palang kumain ang dalawa. Si Lailanie lang ang nakatingin sa kanya.

"Sige lang, salamat!" ngumiti siya rito. It was not her fault kung maibigan siya ng kalalakihan. Boses pa lang nito ay malambing na. Nagpapakabitter lang siya. Yes, nitong mga nagdaang araw ay naamin na niya sa sarili na humahanga siya sa binata, kay Lorenz. Kaya naiinis siya dahil hindi niya maunawaan kung bakit madalas ay parang asar ito sa kanya samantalang may pagkakataon namang parang nakikipagkaibigan ito.

Napaubo siya. Kung minamalas nga naman. Ayaw pa naman niyang kumuha ng tubig dahil nasa unahan, sa tapat nina Lorenz,  ang water dispenser nila. Pinipigilan niya ang ubo upang hindi marinig ng mga ito. Kanina pa kasi siya salita nang salita sa klase. Wala siyang baong tubig kaya nanuyo na ang lalamunan niya. Walang siyang ibang choice kung hindi kumuha ng tubig dahil hindi niya na mapigilan ang pag-ubo, halos maluha-luha na rin siya. Lumapit siya sa water dispenser at uubo-ubo pa ring kumuha ng tubig.

"Are you okay?" may pag-aalala sa boses ni Lorenz.

Tumango lang siya. Ayan na naman ang binata… sala sa init, sala sa lamig. 

Ininom na ni Toni ang tubig at pumikit muna siya habang nakasandal sa upuan. She was bothered dahil masyado nang malaki ang oras na ginugugol niya upang isipin si Lorenz. Ayaw niyang lumago ang paghangang nararamdaman niya rito.

Nakarinig siya ng pag-urong ng silya malapit sa kanya. Halos ma-freeze siya nang maamoy niya ang nagmamay-ari sa pabangong nagpapagulo sa kanyang isipan nitong mga nagdaang araw at nagpapakabog nang husto sa kanyang dibdib. Hindi siya nagmulat ng paningin.

Gayon na lamang ang gulat niya nang tinapik siya nito sa balikat. "Ayos ka lang, Toni?" his voice sent shivers down her spine. Kailan pa siya nito tinawag sa una niyang pangalan?

Pagkamulat niya ay nakaupo na nga ito sa upuan ni Chinchin. "A-ayos lang. Inubo lang ako." ramdam niya na mainit siya. Was it because he was close to her? Wala sa isip na hinipo niya ang noo. Mainit nga siya.

"Can I?" pagpapaalam ni Lorenz. Naguguluhan man sa tinutukoy nito ay tumango na lamang siya. Hinipo nito ang noo niya. Nakita niya ang concern sa mga mata nito. "You're hot. Dalhin kita sa clinic." 

"Thank you! Pero hindi na, isang klase na lang naman." ngumiti siya rito. Bumalik ang binata sa pwesto at may sinabi kay Lalaine. Sa nakita ay yumukyok na lamang siya sa kanyang mesa. Lalo lang sumama ang kanyang pakiramdam. Narinig niya na nagbukas ang pinto. Naramdaman niya na may lumapit sa pwesto niya. Pinalipas niya ang ilang segundo bago magtaas ng paningin. Si Lorenz. Kinuha pala nito ang tumbler niya at pinuno ng tubig. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now