-- 9 --

197 7 3
                                    

Nagsimula na ang pagdiriwang nila sa kanilang foundation week. Saktong February 14 ang kanilang Foundation day. Bilang ang 14 ay natapat ng Biyernes, February 10 pa lang ay sinimulan na ang pagdiriwang.

Like any other school, hindi lang mga bata ang masaya kundi maging ang mga guro sapagkat sa buong linggong pagdiriwang ay walang klase. 

Maganda ang programang inihanda ng Student Government sa pamumuno ni Michael bilang adviser ng organisasyon. The school was so giving that they allowed every proposed project/booth of each club. There were jail, wedding and horror booths to name a few. There were also food stalls. Every day, mayroon ding program na nakahanda. Ang highlight ng nasabing foundation ay ginaganap sa tuwing huling araw, February 14. Nakaugalian na ng paaralan nila na mag-imbita ng mga sikat o papasikat ng banda, ang iba ay nagsipagtapos mismo sa kanilang paaralan.

"Lahat ng nakakulay black ay dadalhin ngayon sa jail booth." isang malakas na announcement na ikinatili ng marami. Hindi kasi nila kailangang mag-uniform kaya marami ang naka-itim na tshirt. Ang iba ay nagsipagtakbuhan na upang magtago. 

Tatawa-tawa sina Michael at Toni sapagkat naka-itim na blouse si Chinchin. "Oh, bakit? Exempted pag teacher." 

Maya-maya ay hinuhuli na ito ng mga estudyanteng kunwari ay nakasuot ng pang jail guard. "Ma'am Chin, inaaresto po namin kayo. Sumama po kayo sa jail."

Pumalag si Chinchin, "Hala! Bakit ako kasali? Students lang diba?"

"No po, Ma'am. This is for all of us. Para po mag-enjoy ang lahat." nakangiting sagot ng isa.

"Mag-eenjoy ba ko kung ikukulong niyo ko?" pabirong sabi ni Chinchin.

"Sorry po, Ma'am. Nakablack po kasi kayo eh." natatawang sabi ng isa.

"15 minutes ka lang naman doon sa loob, unless may magpiyansa sayo o gawin mo ung consequence na ipagagawa nila sayo roon para makalabas ka agad." Natatawang paliwanag ni Michael. 

"Magkano ba yan?" kunwari ay galit pero nagbibiro naman si Chinchin.

"10 pesos po Ma'am. Ang lahat po ng money na makakalap natin ay idodonate po para sa out of school youths."

"Oh, ito na 10."

"Naku, hindi po pwede Ma'am eh. Kailangan po talagang ibang tao ang mag-bail out sa inyo."

Pabirong umirap si Chinchin. "Kagagawan mo 'to Michael. Sinadya mo to, malakas ang kutob ko."

"Tara na po, Ma'am" magalang at nakangiting sabi ng isa.

"Okay, okay. Sana man lang, sa wedding booth ako nakaladkad." pabiro pang turan nito habang inaalalayan ng mga jail guard. "Hoy Toni, piyansahan mo ko ha."

Lumabi pa si Toni dito. "Ayoko nga, hayaan mo na, 15 minutes lang naman. Bye!" Nag-apir pa sila ni Michael.

The crowd seemed to enjoy the foundation program. Simula pa lamang ito. Rinig sa mga tawanan at ingay sa loob ng campus ang kasiyahan. 

Ang mga elementary students ay hindi naman kailangang manatili sa paaralan pagkatapos ng bawat program. Kaya walang binabantayan si Toni na mga estudyante. Lumilibot-libot lamang sila nina Chinchin. Minsan naman ay nagpapahinga siya sa faculty room. 

"Toni, dun muna ko sa quarter namin ha. May short meeting lang kami ng officers ko for tomorrow's program." paalam ni Michael.

Napagpasiyahan niyang magpahinga muna sa faculty room. Kaunti lamang ang naroroon dahil karamihan ay nasa labas at kasama ang kani-kanilang mga estudyante. May mga pa-contest din kasing nakalatag. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now