-- 19 --

119 9 6
                                    

Naulit pa ang mga panaginip na iyon ni Toni. Hindi niya alam kung bakit, wala siyang mahagilap na sagot.

Naniniwala siyang hindi lamang siya nananaginip. Batid niya na talagang nagkikita sila ni Lorenz sa tuwing siya ay matutulog. It was not an ordinary dream. She could really feel his touch. She could really hear his voice. 

Hindi man maipaliwanag ni Toni ang mga pangyayari, lagi niyang pinipilit na matulog. Masaya siya na makita ito sa kanyang mga panaginip.

"We will meet again. I promise, even in there, I'll still love you the same." nakangiti ngunit may bahid ng pait na turan ni Lorenz.

"Hindi pa ba ito yun? Baka ito na yun. Wala namang nagbago diba? Mahal kita. Mahal mo pa rin naman ako, diba?" she was slowly losing her sanity.

Hinaplos ni Lorenz ang kanyang pisngi. Their eyes were glued to each other. "Of course, I love you. Hindi yun nawala. Hindi kailanman mawawala." 

"Pero nawala ka…"

"Magkikita ulit tayo."

"Nandito na tayo. Hanggang kailan ba ko masasaktan? Kung kasama kita, kahit masaktan ako, alam ko magiging okay ako. Pero pag nagising ako, t-tapos… tapos wala ka ulit, hindi ko na alam Lorenz. I can't imagine." she shook her head. "Ni hindi ko magawang balikan sa isip ko lahat ng sakit na yun, lahat ng naramdaman ko nung nawala ka. Pero, pero kahit hindi ko isipin, walang araw ang dumaan na hindi ako masasaktan, na hindi ko nararamdaman yung sakit." walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. Kung ito lang din ang paraan upang mas matagal pa silang magkasamang muli ni Lorenz, kahit sa mundong hindi niya alam kung nasaan talaga, she would be happily shedding tears. 

He hugged her tight. Gumanti siya. Mas hinigpitan niya ang yakap. God knew how much she missed him. The man she only loved that much. Para na siyang papanawan ng katinuan ng pag-iisip sa katotohanang alam niya anomang oras ay maaari siyang magising sa kung anomang panaginip na kinaroroonan niya. 

Niyakap niya nang mahigpit si Lorenz. Mahigpit, higpit na nagsasabing ayaw niya na siyang pakawalan. If only she could turn back time… 

Walang may gustong bumitaw mula sa kanilang pagkakayakap. Both of them filled the missing days. 

"Toni, I don't want you to think na kaya ako nawala, ay dahil ayoko na sayo. O dahil hindi na kita mahal. That won't happen. Please remember that, always." tumango siya habang yakap-yakap pa rin siya nito. "There are just some things that need to happen. Things that we cannot control. Things that we don't have control of."

"Yah. But why this? Bakit yung ganito kasakit?" mga tanong na naging bulong lamang sa maraming taong nagdaan. Ngayon lamang niya ito naitanong nang malakas. Nang hindi sa isip lamang, nang may tinig. Dahil alam niyang tanging si Lorenz lamang ang maaaring sumagot sa kanya nang walang kasamang paghuhusga. Only Lorenz could answer such questions without pointing fingers on her… without invalidating her feelings. Maraming taon siyang naging pipi sa lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil alam niyang sa kanya rin lang naman mapupunta ang sisi. 

Kumawala si Lorenz sa pagkakayakap sa kanya. Kinuha nito ang mga kamay niya at mahigpit na hinawakan. Naghinang muli ang kanilang mga mata. He smiled.

"It hurts because it was all real. Nasasaktan tayo kapag nagmahal tayo nang totoo. If it didn't hurt, it wasn't real." she stared at him wishing he could feel all the love she was still having for him. "Hihintayin kita, Toni. And I hope, when that time comes, you still love me."

Napabalikwas ng bangon si Toni mula sa kanyang kama. She was in her house now. Madalas na ang pagkikita nila ni Lorenz sa kanyang mga panaginip. Sometimes she was doubting herself. Was it really magic or was she just merely dreaming? 

Sa tuwing magigising siya ay nangungulila siya kay Lorenz. 

__________________

"Sa susunod na habang buhay, titiyakin ko na ang lahat para magkasama tayo."

"Pa'no kung pati dun, hindi pa rin pwede?"

"Hindi ako papayag. I'll do everything and anything I can do. For now, just know that I love you so much." may bahid ng lungkot sa mga mata ni Lorenz. Ngunit ramdam niya ang sinseridad sa lahat ng sinasabi nito.

Mabilis na tumulo muli ang kanyang luha. Hindi man niya gustong magkahiwalay silang muli ni Lorenz, sa ngayon ay sapat na sa kanya na alam niyang mahal nila ang isa't isa. 

Kung may susunod ngang habambuhay, ipananalangin niya araw-araw na magkatagpo silang muli roon. Sa pagkakataong iyon, wala na sanang humadlang sa kanilang pagmamahalan. 

Walang kasiguraduhan ang bukas,ni  hindi niya rin alam kung may susunod ngang habang buhay. 

"Toni, you need to wake up. Maraming naghihintay sayo. Maraming nagmamahal sayo. Please wake up." Tinig iyon ni Lorenz.

Bakit parang ang nais ni Lorenz ay bumalik na siya sa realidad, na wag na siyang manatili sa mga panaginip kung saan siya nagiging masaya?

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now