-- 23 --

169 10 4
                                    

Bisita ni Toni kinabukasan ang ilan niyang mga kasamahan, kasama ng mga ito sina Michael at Chinchin. 

"Naku, Toni buti na lang at makakapasok ka na. Lagi ka sa'king itinatanong ng mga estudyante." Si Bing. 

Napangiti siya. "Tignan mo nga, parang walang nangyari sayo. Mas lalo ka pa atang gumanda." Puri naman ng isa 

"Salamat!" Natatawang tugon niya.

"Ay, may pagpapasalamat talaga? Damang-dama, Toni?" Pambibiro ni Chinchin.

"Ganun talaga, pag pinuri ka, totoo man o hindi, magpasalamat ka. Palibhasa minsan ka lang mapuri." Balik pang-aasar niya rito.

"Tita, si Toni. Palaban na po, nakalalog po ata utak nito nang sobra." Nagtawanan sila. 

Nakitawa rin ang mama niya. She knew her mother was happy knowing that her co-teachers/friends were really concerned about her. Kasama nito si Michael sa kusina nila. 

Masayang nagkuwento ang mga ito sa mga pangyayari sa kanilang school. Marami na siyang na-miss. 

"OMG!" Biglang nasabi ni Bing nang biglang iniluwa si Lorenz ng pintuan. Hindi na ito kumatok sapagkat nakagawian na nito ang ganun pag pumupunta ito sa bahay nila. Siya man ay hindi inaasahan ang pagdating ng binata.

"Speaking of nami-miss." Sabi ng kanyang isipan.

Nakita niyang napangiti ang binata sa reaksyon ng kasamahan nila. "Oh! Hello! Pupunta rin pala kayo rito." Bati ni Lorenz. May bitbit itong pagkain. Tumingin ito sa kanya pagkatapos nitong ngitian ang mga kasamahan. Bakit kinikilig pa rin siya sa presensya nito?

"Na-miss na namin si Toni, Sir eh." Sagot ng isa nilang kasamahan. "Ikaw rin, ano?" Pang-aasar pa nito.

Napatawa ang binata sa tinuran nito. Naghihintay si Toni ng sagot mula kay Lorenz pero dumiretso ito sa kusina at iniabot sa mama niya ang bitbit. Bumeso rin ito sa mama niya, bagay na nakaugalian na nito.

Hindi siya nagpahalatang umasa sa sagot nito. Hindi pa rin siguro alam ng mga kasamahan nila ang nangyari sa pagitan nila bago ang aksidente. Magkukunwari muna siyang okay sila. 

Hindi niya napigilan ang gulat na mukha nang bigla nitong halikan ang noo niya pagkalapit nito sa kanya. Nakita niyang naghampasan pa ang dalawa niyang kasamahan na parang kinikilig sa ginawa ni Lorenz.

Tumabi ang binata sa kinauupuan niya. "Kanina pa kayo?" Napatingin siya rito, nakatingin ito sa mga kasamahan niya. Ngayon niya lamang napansin, medyo pumayat ito at nangangalumata. Naalala niya bigla ang sinabi ng mama niya sa pagbabantay nito sa kanya habang nasa ospital pa siya. Nais niyang yakapin ang binata.

"Oo, Sir. Pagka-bell, diretso kami agad dito eh." 

"Agad-agad? Hindi na nag-ayos?" Pagbibiro ni Chinchin. Natawa sila. She really had way of making every situation happier. 

Parang musika sa pandinig niya ang tawa ni Lorenz. Nitong nagdaang mga araw, mula nang magising siya sa dalawang linggo niya sa ospital, ramdam niya ang labis na pagka-miss sa binata. Siguro kasi hanggang ngayon nasa isipan pa rin niya ang napanaginipan. Sa sobrang parang totoo nito, hindi niya minsan maiwasan malungkot sa tuwing maiisip ang lungkot at takot na naramdam niya noon.

"Are you okay?" Nagulat pa siya nang pabulong na tinanong siya nito. Malapit ang mukha nito sa kanya, naramdaman niya rin na hinahagod nito ang likod niya. Tumango lamang siya at ngumiti, hindi umabot sa mata. 

"Dapat nga Sir Lorenz, tatanungin ka namin kung pupunta ka nga rito. Kaya lang kausap mo pa si Lailanie kanina." Agaw pa ng isa. 

Napatingin siya sa binata. Tinignan niya ang reaksyon nito sa sinabi ng kasamahan. Walang nagbago. Parang sumama ang pakiramdam niya sa sinabi nito.

Nakita niyang tinapik ni Chinchin ang kasamahan. Parang nakauunawa ang kaibigan niya. 

"Ah, yah." tugon ni Lorenz. "May tinapos pa kasi kami." Gusto sanang tanungin ni Toni kung ano iyon. Did she still have the right? Naisip niyang manahimik dahil ito rin ang dahilan kung bakit sila nagtalo noon.

"Halika na kayo, kain na muna." Ang mama niya. Masigla namang tumayo ang mga ito at nagsipuwesto na sa upuan sa harapan ng mesa. 

Inalalayan pa siya ni Lorenz nang tumayo siya. "Kaya ko na, okay na ko." 

Nginitian lang siya nito. Hinawakan pa rin siya nito sa siko habang naglalakad. It send thousands of electricity to her body.

Kasama nila sa pagkain ang kanyang mama. Nakikitawa rin ito sa kuwentuhan ng mga kasamahan. Iniwaksi niya sa isipan ang inis na nararamdaman. 

"Oo nga pala, Sir Lorenz, natuloy mo na ba yung…" Nakita niyang pinandilatan ni Chinchin ang nagsalita. "Yung ano, ano, yung pagkain mo." 

"Ha?" Natatawang tanong ng binata. 

"Pasensya na, nalipasan kasi 'to ng gutom kanina eh." Bawi ni Chinchin. Alam ni Toni na alam ni Lorenz kung ano ang tinutukoy ng kasamahan nila. Kahit nagkunwari itong hindi na-gets ang sinabi, sa apat na taon nilang magkasama, kabisado na niya ang binata.

Ano kaya ang gusto sanang itanong ng kasamahan nila kanina? Ituloy, ang alin? Ang pakikipaghiwalay nito sa kanya? Alam ba nila ang tungkol doon?

Hanggang sa umuwi ang mga ito ay hindi siya masyadong nagtagumpay sa pagtatakip ng kanyang damdamin. Alam niyang ramdam siya ni Chinchin. Binabawi nito kanina ang sigla sa kanilang mga kuwentuhan.

Sumabay na rin sa pag-uwi si Lorenz. Mayroon pa raw itong kailangang puntahan. Hindi na siya nag-usisa. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now