-- 31 --

254 13 7
                                    

Kahit pa nga matagal na hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap sina Toni at Lorenz, nanatiling nakabukas ang kanilang libro sa mga kasamahan. Ngayon lamang ay panibagong pahina ang binuksan nilang dalawa sa pagbabalik ng pasukan.

"Love is sweeter the second time around?" panunukso ni Chinchin kay Toni. Pasukan na naman. Kahit pa nga parang bitin ang bakasyon, it was worthwhile dahil magkasama iyong ginugol nina Toni at Lorenz.

Nginitian ni Toni si Chinchin. 

"Ay! Iba. Inspired!"

"So, tama nga ang balitang nasagap namin?" Mahinhin na tanong ni Sir Bary.

Ngumiti nang matamis si Lorenz. Sinamahan siya nito sa kanyang puwesto dahil ito ang may bitbit ng kanyang mga gamit.

"Ganda naman ng ngiti ng Mr.Pogi natin." Sabi pa ng isa nilang kasamahan. "Na-miss ko yang ngiti mo na yan ha. Iba pa rin talaga kapag ang ngiti may inspirasyon eh."

"I'll go there lang. Ayusin ko gamit ko." Pagpapaalam sa kanya ni Lorenz. Hindi niya inaasahan na hahalikan pa siya nito sa kanyang noo.

"Sige na, sige na." Parang pagtataboy niya rito. Nagpaawa pa ang tingin nito na parang nagpapa-cute.

"Wala pang February, ano ba?" Si Chinchin.

Tawanan naman ang mga naroroon. Nagtinginan pa sina Lorenz at Michael. They smiled at each other. 

Lorenz suddenly thought about their last conversation. Nakapag-usap silang dalawa ng binata noong sila ay nasa Subic.

Nilapitan ni Lorenz si Michael nang makita niyang hindi na nito kasama si Toni. He couldn't bear seeing them that close. He knew he was being selfish pero hindi na niya kayang tiisin ang selos na nararamdaman niya.

Nakaupo si Michael sa bench na nakaharap sa mga tinutulugan nila. Nag-angat pa ito ng paningin nang maramdamang may taong lumapit dito.

"Upo ka." aya sa kanya ni Michael.

Huminga siya nang malalim. "Tulog na si Toni?"

Tumango ito. "Tinamaan nang konti." 

"Hindi naman kasi siya umiinom. Is she okay?" Worried na tanong niya.

"Yah." Tumingin sa malayo si Michael.

"I saw her. Was she crying?"

Tumingin sa kanya si Michael. Parang nagtataka, nagtatanong. Maya-maya ay napangiti ito. "So, you're observing her?"

"I can't help."

"Sino nga ba naman ang hindi siya gugustuhing tingnan?" Mas parang tanong ni Michael sa kanyang sarili.

"Do you like her?"

Mapait na ngumiti si Michael. "I love her."

Mariin siyang tumingin dito. "W-wha…"

"But she still loves you." Magsasalita na sana siya nang magpatuloy ito. "Mahal ka niya."

"Why are you saying this to me?"

"Kanina, nung nakita mong umiiyak siya, it was you. Dahil sayo. Alam mo Lorenz, mahal ko si Toni. I love her as a friend, and as a woman. Pero hindi ko pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi ako ang gusto. Lalong hindi ko kayang palitan ka sa puso niya."

"I love her." Sagot niya. "Mahal ko siya. Don't worry…"

"Siguraduhin mo lang. Napakababaw ng dahilan ng pakikipaghiwa…"

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now