-- 20 --

162 10 4
                                    

Toni woke up. Alam niyang gising na siya. Ngunit ayaw niyang imulat ang kanyang mga mata. She knew she was crying. 

Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Para siyang pagod na pagod. Masakit din ang buo niyang katawan. Was it because of her dreams? 

Umiyak siyang muli, this time, hinayaan niyang pakawalan ang hagulgol na kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Ayaw niya pa ring imulat ang kanyang mga mata. 

Hindi siya makapaniwalang nangyari ang lahat ng iyon. Bakit kailangang mapanaginipan niya nang paulit-ulit si Lorenz? Bakit kailangan niyang maalala ang binata gayong pilit niyang iwinawaksi ang mga alaala nito sa kanyang isipan upang hindi niya maramdaman ang sakit buhat sa pagkawala nito? 

She was happy in her dreams. Ngayong gising na siya, mas maituturing niya atang bangungot ang mabuhay nang wala si Lorenz.

Sa wakas ay iminulat niya ang mga mata. Nasa ospital nga siya. 

Bakit kaya siya naririto? Ipinilig niya ang ulo, hindi niya rin naman maalala. Sumasakit lamang ang kanyang ulo dahil sa pag-iisip. Ipinikit niyang muli ang mga mata. 

__________________________

Pagmulat ng mga mata ni Toni ay mas magaan na ang kanyang pakiramdam. Hindi na rin siya dinalaw ni Lorenz sa kanyang panaginip. 

Iminulat niya ang kanyang mga mata. She was still in the hospital. Tahimik ang paligid.

She sighed. Malungkot man ay tinanggap na lang niya ang katotohanan. Hindi nga ba't may anak na siya? Si Gabriela? Hindi niya matandaan. Ano bang nangyari sa kanya bakit wala siyang matandaan? Gaano na ba siyang katagal sa ospital na iyon.

Nagulat na lamang siya nang may kumaluskos sa gilid ng kanyang kama. May nagbabantay pala sa kanya. 

Tinitigan niya kung sino ito. Isang pamilyar na bulto. Nakaupo ito sa isang upuang nakaharap sa gilid ng kanyang kama, nakayukyok ang ulo nito sa gilid niya at hawak nito ang isa niyang kamay.

Mabilis na pumintig ang kanyang puso. Biglang gumalaw ang binatang nasa gilid niya. Isinandal nito ang likod sa sandalan ng upuan nito. Kinusot pa nito ang mga mata.

Maya-maya ay napadako na ang tingin nito sa kanya. Gulat na gulat ang binata. It was Lorenz. Was she dreaming again? Hindi na ba siya matatapos na paglaruan ng kanyang isipan? 

"Oh my God! Toni! At last. Thank God!" Hindi ito makayakap sa kanya nang mahigpit dahil sa swerong nakalagay sa kanya. Mariin nitong hinawakan ang mga kamay niya.

Nakatitig lamang siya sa binata. Hindi siya makapaniwalang nakikita na naman niya ito. Nananaginip na naman ba siya? Ngunit iba ito kaysa sa iba niyang panaginip.

"Doc! Doc! She's awake." Maluha-luhang tawag ni Lorenz sa mga doctor.

Nakatitig pa rin siya rito. He missed him. Kahit pa nakikita niya ito madalas sa kanyang panaginip, nangungulila pa rin siya rito. Pag muli niya bang paggising, mawawala na naman ang binata? Nalungkot siya sa naisip. Hindi niya napigilan ang umiyak.

"Doc!" Tawag pa rin ni Lorenz sa labas. Bumaling ito sa kanya. Mabilis itong lumapit nang makita siyang tahimik na lumuluha habang nakatitig sa binata. "Toni! Toni? Are you hurting?" Punong-puno ng pag-aalala ang tinig nito.

She couldn't move. Hindi katulad sa mga nakaraang panaginip niya, pag nakikita niya ang binata ay tatakbo agad siya palapit dito. Peri iba ngayon, nakahiga lamang siya ngunit parang pagod na pagod siya. Ni hindi niya magawang makapagsalita.

May pagmamadali sa kilos ng doktor na kapapasok pa lang. "Check her vitals." Utos nito sa kasamang nurse.

Maraming ginawa kay Toni. Hindi niya rin maunawaan ang sinasabi ng doktor sa kanya. Nakatunghay lamang siya sa nag-aalala ngunit may bahid na kasayahang mukha ni Lorenz. 

"Good job, Toni!" narinig niyang bati ng doktor sa kanya. Hindi niya alam kung para saan iyon. Wala siyanh nauunawaan sa mga sinasabi nito. Nakita niyang tinapik pa ng doktor ang balikat ni Lorenz. Hindi maipagkakailang mukhang puyat ang binata ngunit bakas sa mukha nito ang saya.

"Toni, thank you!" Pinisil pa nito ang kamay niya.

"A-am I dreaming?" Sa wakas ay nausal niya. Mahina ang boses niya ngunit napagtagumpayan niyang maisatinig ang kanina pa'y gusto niyang itanong dito.

Hinaplos nito ang mukha niya. "No. Thank God you're awake." Sabi pa nito. "Tinawagan ko na si Tita. Paparating na yun." 

Nakatitig lamang siya rito. Totoo bang si Lorenz ang kaharap niya?

Sanay naman na siyang iniiwan siya lagi ng binata kapag nagigising siya kaya ipinikit na lang niyang muli ang mga mata. She was tired. Para siyang nagising mula sa isang mahabang-mahabang pagkakatulog.

Naramdaman niya pang hinahaplos-haplos ni Lorenz ang buhok niya habang hawak nito ang isa niyang kamay. Hindi pa rin siya iniiwan ng binata? She fell asleep.

Do You Believe in Magic?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora