-- 28 --

239 12 6
                                    

Naghihintay na sa iba nilang kasamahan sina Toni at Chinchin. Maaga silang nag-ayos upang hindi magkumahog. Pauwi na sila. 

"Tara, doon na tayo sa sasakyan maghintay." Aya ni Chinchin kay Toni. Nakaupo sila sa isang bench na mas nakaharap sa mga cottage na inokupahan nila. Nasa tabi na nila ang kanilang mga gamit.

"Maya na. Mamaya lang nandun na rin tayo, sulitin na muna natin ang view." Tumanaw pa si Toni, napakaganda ng malawak na karagatan na tila salaming nagbibigay repleksyon sa kalangitan. Tumingin siya pagkatapos sa langit. Wala man lang kaulap-ulap. Napakaganda ng panahon.

"Oh, oh, oh. Ito yata ang view na gusto mo." Kinalabit pa siya ng kaibigan na itinuturo si Lorenz. Papalabas ito mula sa inokupahan nito at dala-dala ang mga gamit. Inilapag nito sa harapan ng iba nilang mga kasamahan ang gamit.

"Gwapo." Si Chinchin. Lorenz was looking fresh in his white polo shirt and khaki tokong. "Mukhang amoy pulbo at cologne." 

"Mukhang amoy miss ko na." Mahinang usal ni Toni habang nakayuko. She missed him. Everyday. Every day. Hindi siya narinig ng kaibigan, may iba pala itong pinagkakaabalahang tingnan. 

"Ay! Iba!" Napalingon siyang muli sa tinitingnan kanina. May bitbit na namang bag si Lorenz na alam niyang pagmamay-ari ni Lailanie. "May tiga-bitbitch." Naasar na sabi nito.

Hinampas niya ito. "Sama mo. Nagpabitbit lang naman. Wag mong masamain. Itong babaeng 'to talaga." Saway niya sa kaibigan. Kahit pa bigla ring parang may sumipa sa puso niya ay hindi niya gustong nasasabihan ng ganun ang kapwa niya babae. 

"Sorry naman. Nadala lang." Nakatingin pa rin ito kay Lorenz at kay Lailanie na nasa likod na nito. "Impernez, may ganda talaga siya girl noh, babaeng-babae. Yung jojowain, ganun…"

Natawa siya sa sinabi nito. "Bawi agad ha." Alam naman niyang nais lang protektahan ng kaibigan ang damdamin niya.

"Mahal mo pa?" Bigla ay tanong nito. Marahas siyang napalingon dito. "OA sis." Tatawa-tawang sabi nito. "Tanong lang. You can choose not to answer."

"Mawawala ba agad pag totoo ang nararamdaman mo?" Tanong niya kay Chinchin habang nakatingin sa pabalik na sa umpukan ng mga guro na si Lorenz. Hindi na nito kasamang bumalik si Lailanie. 

"Ay," Napahawak pa sa dibdib niya si Chinchin. "Seryoso."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Ilang buwan pa lang naman. Wala sigurong masama kung nandito pa rin. " Seryosong sabi niya. She wanted to share her feelings with Chinchin. Tama si Michael, mas masakit pag kikimkimin lang. 

Tumango ito. "Toni, okay ka lang? Jinojoke lang naman kita."

"I'm okay. Sinasagot lang din naman kita." Nginitian niya ang kaibigan.

"Sagot mo sa tanong ko, tanong din. Ano kaya yun?" Pagbibiro muli nito. "Hindi ko man alam yung talagang nangyari…"

"Nainis na siya sa'kin." Pagsisimula niya sa kuwento. Nagulat naman ang kaibigan sa sinabi niya. "After we fought, about a small thing lang naman, he texted me the other day."

"What!?!" Hindi makapaniwala ito na si Lorenz ang nakipaghiwalay. 

Tumango siya. "We broke up sa text lang. I called him, I wanted to clear things, alam mo yun. Parang biglaan, and we agreed to talk. After nun, I got into an accident…"

"So, papunta ka sa kanya nung araw na naaksidente ka?"

"Yah. Kaya nga siguro sa dalawang linggo kong walang malay, panay siya ang napanaginipan ko."

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now