-- 8 --

192 9 4
                                    

Kinabukasan ay maagang pumasok si Lorenz. May dala pa siyang oranges na balak niya sanang ibigay kay Toni. He was happy he had the chance to talk to her yesterday. Ramdam niya na ilang ito sa kanya, siguro dahil din sa pabago-bago niyang mood dito. Hindi niya rin maipaliwanag sa kanyang sarili bakit ganun siya sa dalaga. Basta ang alam niya lang ay naiinis siya sa tuwing ipinararamdam nitong ayaw siya nitong kausap, naiinis din siya sa tuwing tinutukso ito sa iba nilang binatang kasamahan. Why would he? 

Pagpasok niya sa faculty room ay si Si Bary pa lamang ang naroroon. "You're early." nakangiting bati nito. Si Sir Bary ay isa sa pinakaginagalang na guro sa kanila. Nagulat ito sa mas maaga kaysa nakagawian niya nang pagpasok. 

Lorenz was never late but he would always be the last one to come. "Napaaga lang po."

Ngumiti ito nang may gustong ipakahulugan. "Absent si Toni ngayon. She texted me." parang naninimpla nitong simula sa usapan.

Hindi naitago ni Lorenz ang pagkadismaya at pag-aalala. "Is she okay, po?"

Ngumiti ito at lumipat ang tingin sa kalalapag niya lang na oranges sa ibabaw ng mesa. "Yah. She needs to rest lang daw. Natuloy daw ang trangkaso." pinag-aaralan nito ang reaksyon niya. "Para kay Toni yan, ano?" walang ano-anong tanong nito.

He was caught off guard. He just nodded. Napangiti ito sa tinuran niya. "Ihinatid mo siya kahapon?" 

Nagulat man dahil hindi niya alam na may nakakita sa kanila ay magalang pa rin siyang sumagot. " Yes po. Inisip ko po kasi na baka mahirapan siya sa byahe dahil hindi maganda pakiramdam niya." 

"Thank you! Parang anak-anakan ko na yun si Toni. Anyway, I saw you both yesterday. Palabas na rin kasi ako nun." parang pagpapaliwanag nito.

"Sana po, naisabay ko na kayo."

"Edi, nasira ko pa moment nyo."

"Inihatid ko lang po siya, hindi na po ako pumasok sa loob ng bahay nila para rin makapagpahinga na siya agad."

"You cared for her. Do you like her?" walang kaabog-abog na tanong nito.

Napatitig siya sa matanda ng guro. Wala naman sa mukha nito ang pagiging tsismosa. Did he really like her? Did he just like her? 

"I cared for everyone naman po." safe na sagot niya.

"Pero hindi mo ko dinalhan ng orange." parang hinuhuli siya nito.

"Ah…" napatda siya.

"It's okay. You don't have to answer." 

"I like her." bigla niyang sabi na parang dun nakasalalay ang buhay niya.

Ngumiti ito at tinapik siya sa balikat. "Sabi ko na, gusto mo siya. That's why you're like that." nahiwagaan siya sa sinabi nito. "I was just observing you two. Hindi pa kayo close pero parang switch kayo ng ilaw, on and off."

Napangiti siya. He should admit it now to himself also. Kaya siya ganun sa dalaga ay dahil gusto niya ito. It's too early to say kung mas malalim sa pagkagusto ang nararamdaman niya rito. But every time he would look at her, he just wanted to let her feel his care. 

"Hindi naman po siya mahirap magustuhan." pag-amin niya sa guro. The first time he had seen her on that emergency meeting, even if she's the most plain-looking inside that room, she captured his eyes already. There was something in her, it was like a magnet. Mula nang masulyapan niya ito, hindi na ito mawala sa isipan niya.

"Of course, she's beautiful." saad ni Bary.

"She's dedicated, hardworking…" pagdurugtong niya. "But I can't really enumerate what I like about her. It's just her." pag-amin niya pa sa matanda. Siguro hindi naman masamang may mapagsabihan siya sa nararamdaman niya na matagal niyang pinagtakpan maging sa sarili niya.

"That's good." 

"Si Michael po…"

Parang nakaunawa naman ito sa sinasabi niya, "Close friend sila nina Chin. Wag kang mag-alala, para lang silang magkakapatid. I should know, mahilig lang talaga naming asarin si Toni. Masyado kasing focus sa pagtuturo. Si Eman ang nanligaw dati sa kanya, I don't know what really happen. At first close naman sila pero biglang hindi na sila gaanong nagpansinan." pagkukuwento nito. 

Maya-maya ay may dumating ng ibang guro sa loob ng faculty room. "Don't worry, your secret's safe with me." tinapik pa uli siya nito bago muling bumalik sa kinauupuan nito.

He wanted to ask for her number but he stopped himself. It was still too early to do something. 

Three days ding absent si Toni. Ayaw man niyang lumiban ng ganong katagal ay kinailangan ng katawan niya ang pahinga. Sinabi ng mama niya na sa susunod na linggo na siya pumasok ngunit pumasok na siya kahit Biyernes na. She missed school… 

"Uy, okay ka na Tonz?" bungad sa kanya ng mga kasamahan pagdating sa paaralan. 

Ngumiti siya. "Opo. Kinailangan lang pong magpahinga kaya napatagal absent ko."

"Ayos lang yun. Health is wealth." sabi pa ng isa.

Habang kinakausap siya ng mga naroroon na, napansin niyang may gamit na sa mesa ni Lorenz. Nandun na ang binata, mas maaga na itong pumasok sa kanya. Akala niya ay dadalawin siya ng binata dahil alam nito ang bahay niya. Natatawa siya sa sarili sa pag-iisip ng ganun. 

Nagulat pa siya nang biglang iniluwa ng pinto ang laman ng kanyang isipan. Si Lorenz, kasama nito si Lailanie na pumasok. Halatang galing ang mga ito sa school canteen. Hindi niya napansin na nagliwanag ang mga mata ni Lorenz nang makita siya. Nainis lang siya nang bigla na itong umupo sa puwesto. "Feeling ka naman kasi. Ano kayo, close?" pagkausap niya sa sarili. 

Inayos niya na ang mga gagamitin sa unang klase. 

"Hi! It's good you're okay na." It was Lorenz. Hindi siya nagpahalatang nabigla nang lumapit ito. "Ito pala yung activities ng mga estudyante mo. I was assigned sa Love." nangingiting sabi nito. Alam niyang naalala nito ang nakaraang engkuwentro nila habang nasa Grade 6 - Love siya.

Tipid siyang ngumiti. "Thank you!"

"I checked them na para ieencode mo na lang ang score nila. Pero if you want, I can encode that then, I'll pass it to you na lang." 

"No, it's alright. Na-check mo na nga eh. Thank you!" 

Day by day, Lorenz could feel his deepening admiration towards Toni. Maybe she was not aware, but her mere presence made his heart skip a beat. 

Masaya ang klase ni Toni sa kanyang pagbabalik. Talagang malapit siya sa mga ito. She loved children, she loved teaching. 

Lorenz was simply checking on Toni. He was peeking through the windows. 

Nakita niyang lumabas ng classroom nito si Lorenz. Nahagip ng kanyang paningin ang pagtingin nito sa loob ng silid-aralan niya. Hindi niya alam kung sinasadya nito ang pagsilip sa kanya ngunit hindi na lamang niya ito pinansin. 





Do You Believe in Magic?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora