-- 12 --

182 10 5
                                    

Nag-aayos na papasok si Toni. Kinagawian niya nang umalis ng alas-6 ng umaga. Alas-siyete kasi ang first class niya. Mga 15 minutes din ang biyahe niya papunta sa school.

"Toni!" Tawag ng mama niya. 

"Po?" Nasa kuwarto siya at papalabas na. 

Paglabas niya ng kuwarto ay nauulinigan niyang may kausap ang mama niya. Ang aga naman ng bisita nito.

"Oh, ito na pala si Toni." ang mama niya.

Namilog ang mga mata niya nang makita niya na si Lorenz pala ang kausap nito. Nakaupo ito sa kanilang sofa, nakatalikod sa kanya. Kaharap nito ang mama niya. Lumingon ito sa kanya, he smiled. Natunaw siya sa mga ngiti nito, "Bakit ang gwapo sa umaga?" piping tanong niyang kinikilig.

"Good morning, Toni!" Napatayo pa ito.

"Oh! Bakit ka nandito?" Hindi siya nagpahalata sa kilig na nararamdaman. Nagtungo siya sa mga ito. 

"Ano ba namang tanong yan, Toni?" ang mama niya na tatawa-tawa. 

"Sanay na po ako sa mga tanungan niya." Pagbibiro ni Lorenz. 

"Ganun ba?" Tumawa ang mama niya. "Nakow! Ganyan talaga ang anak kong yan. Pagpasensyahan mo na yan." 

"Always will po." Sagot nito, kinindatan pa siya nito na ikinatalon ng kanyang puso.

"Kumain ka na?" Tanong na lang niya rito. 

"Sa school na lang." 

"Kain ka muna, Lorenz. Lorenz, tama anak ano?" Ang mama niya.

"Opo. Salamat po tita! Sa school na lang po." bumaling ito sa kanya. "Ayaw po ng nale-late ni Toni."

"Oh sige, ibaon niyo na lang 'to." Nagsimula ng magbalot ang mama ni Toni ng sandwich. 

Lumapit si Toni kay Lorenz at siniko niya ang binata na nakatayo na rin mula sa kinauupuan.

"Bakit ka nga nandito? Sinadya mo?"

Ngumiti ito sa kanya, ngiting nakapanghihina ng tuhod. "Oo."

"Masanay ako niyan." biro niya pa.

"Masanay ka na." Parang idinuduyan si Toni sa kilig at saya. Was it even real? Yung ganitong kagwapo ay naglalaan hindi lamang ng oras para sa kanya kundi pati ng pagtingin? "Oh? May nasabi ba kong hindi maganda?" may pag-aalala sa tono nito.

"Wala." nginitian niya ito. Gusto sana niyang idugtong ang, "Please don't change." Hindi niya alam, ngunit nasasanay na siya sa presensya ni Lorenz sa buhay niya. 

"Tita, thank you po." masayang sabi nito sa kanyang mama.

"No problem. Ingatan mo ang anak ko ha." Ngiting-ngiting bilin ng kanyang mama.

Tumango si Lorenz. "Makakaasa po kayo, Tita."

Nagulat pa si Toni ng hawakan siya sa kamay ni Lorenz. Inalalayan siya nito patungo sa sasakyan. Napatingin siya bigla sa kanyang mama. Nakangiti ito sa kanilang dalawa. Parang niloloko siya nito. They were close.

Naulit pa ang pagdalaw sa kanila ni Lorenz kahit walang pasok. Naipaalam na rin nito sa kanyang mama na nililigawan siya nito. Marami sa kanilang paaralan ang nakapapansin ng kanilang pagiging extra close ngunit ngiti lamang lagi ang isinasagot niya sa mga pang-aasar ng mga ito.

Parang laging nasa cloud 9 si Toni sa tuwing naiisip niya si Lorenz. He was close to perfect. Ngayon, sigurado na siya sa nararamdaman sa binata. Hindi lang simpleng crush o "like" ang nararamdaman niya rito. She was slowly falling in love with him. Hindi lamang ang looks nito ang nakapagpabihag sa kanya...kundi lahat ng tungkol sa kanya. She loved him mula ulo hanggang paa, mukha, puso pati bituka. Nasanay na siyang kasama ito, nasanay na siya na lagi itong nandyan para sa kanya. Hindi niya alam kung kakayanin niyang mapahiwalay ito sa kanya. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now