-- 24 --

193 12 4
                                    

Lorenz could feel it. Ramdam niyang naiilang at pilit na iniiwasan siya ni Toni. Siguro ay galit pa rin sa kanya ang dalaga sa huling komprontasyon nila bago pa ito maaksidente. 

Hindi niya rin alam bakit pinatulan niya ang tantrums nito noong araw na iyon. He loved her. He couldn't imagine life without her. He just wanted her to trust him --- 100%. Natanong na rin niya ang sarili, masyado ba talaga siyang sweet sa iba? Hindi niya ba naiisip ang mararamdaman ni Toni bilang kasintahan niya? He was irritated by the fact that the issue was always brought up, that's why he was fed up. Pero nawala naman agad ang inis niya rito. He wanted to apologize to her, but instead he sent her a break up message the next day. What was he up to? Natawa siya sa sarili. Hindi iyon ang iniisip niyang kalalabasan ng pangyayari. That's not how he planned it.

Minsan pa, naglaro sa isip niya ang aksidenteng nasaksihan niya mismo. Maaga siyang dumating sa lugar kung saan sila magkikita. Wala pa ang oras na pinag-usapan nila, he saw Toni on the other side of the street. She was beautiful, always. He always admired her. Pinabibilis lagi nito ang tibok ng kanyang puso. He had memorized every part of her. Her eyes, her nose, her lips that he loved to kiss every time, her scent… Palabas na sana siya ng sasakyan nang makita niyang parang wala sa sariling tumawid si Toni. He could feel her hurting kaya ganun ang itsura nito. Gusto sana niyang liparin ang dalaga ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ay nahagip na ito ng isang rumaragasang suv. There was noise all around. Nag-ingay hindi lamang ang mga taong nagulat kundi pati ang mga sasakyan. Kahit para siyang nanghina sa nasaksihan, dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ng dalaga. He knew it was not right but he hugged her. There was blood on her head, he was not afraid of blood but he trembled at the sight of it. It was the blood of the girl he loved. Maya-maya lang ay narinig na niya ang malakas na busina ng ambulansya.

Pinilig ni Lorenz ang ulo. Parang nanginig na naman ang kanyang tuhod nang maalala niya ang araw na iyon. Hindi niya pa rin mapatawad ang sarili sa nangyari kay Toni. It was his fault --- second hand. 

He reached out for his phone. 'HOPE YOU'RE DOING FINE. DON'T FORCE YOURSELF, KUNG HINDI MO PA KAYANG PUMASOK, YOU REST NA LANG.' He texted Toni.

He waited for Toni's reply. "THANKS. I'M OKAY NA." Matipid na tugon nito. He smiled, at least she was doing well. He couldn't help but blame himself every time. 

____________________________________________________

Hindi inaasahan ni Toni na isasabay siya ni Lorenz sa pagpasok. Maaga itong nagpunta sa kanila. Hindi ba't hindi na sila? Bakit pa ito gumagawa ng mga bagay na mas lalo lamang niyang ika-mimiss? Siguro dahil naaawa ito sa sinapit niyang aksidente. For now, she would just enjoy his presence.

Kahit na may pagtatampo pa rin siya rito, hindi niya madama ang galit sa pakikipaghiwalay nito nang biglaan. Lalo pa sa tuwing maaalala niya ang panaginip. Mas hindi niya kaya ang hindi na ito makita kailanman. Magkakasiya siyang matanaw ito sa malayo. She's happy that at least, they were breathing the same air. 

"Good morning, Tita!" Masiglang bati nito sa kanyang mama. He was still the same old Lorenz. 

"Hi! Buti at nandito ka. Naku! Para kong nininerbyos na papasok mag-isa itong si Toni." May pag-aalala sa tinig ng kanyang ina.

"Don't worry, Tita. I'll make sure she's safe. Sorry po uli noong nakaraan…" 

"Naku, hijo! Tama na ang pagsosorry, hindi mo naman kasalanan yun. Walang may gustong masaktan si Toni."

Dinig niya ang usapan ng mga ito. Lumapit na siya sa dalawa. Inabot muna ni Lorenz ang kanyang gamit bago siya hinalikan sa noo. Napatda siya. "Good morning, Toni! Ready?" His smile reached his eyes. She missed that smile. Hindi niya napigilang mapangiti rin. Mahal na mahal niya ang lalaking ito. Hindi niya iyon maitatanggi.

Tumango siya rito. "Ma, alis na po kami." Bumaling siya sa kanyang ina at hinalikan ito.

"Mag-iingat kayo ha. Lorenz, dahan-dahan lang ha." Pakiusap pa nito. "Toni, magsabi ka kay Lorenz kung masama pakiramdam mo." 

"Opo." Inalalayan siya ni Lorenz sa pagsakay sa sasakyan. That same sweet gesture. 

Nakagawian na nito na ito ang mag-aayos ng kanyang seatbelt. Kanina niya pa nais yakapin ang binata. Napakagat-labi siya. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ng binata.

"Why? Okay ka lang?" Taning nito.

Para naman siyang napahiya. "Ah, w-wala."She forced a smile. "Namimiss lang kita." Gusto sana niyang idagdag.

Marami na ang guro sa loob ng faculty room ng sila ay dumating. Mas naging mabagal lang din kasi ang takbo ni Lorenz, nag-iingat. 

Isang mainit na pagbati ang natanggap ni Toni. "Toni, welcome back!" 

"Na-miss ka namin." sabi pa ng isa

Lumapit sa kanila si Michael. Noong nakaraang araw lang ay nakausap niya ito. Mag-isa itong bumisita sa kanila. Naikuwento niya sa binata ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Lorenz. She trusted him. Alam niyang hindi nito ikukuwento sa iba ang napag-usapan nila. Kahit kay Chinchin ay hindi niya muna nais sabihin dahil hindi man nito idaldal ay madudulas ito. 

Nagulat pa si Lorenz nang biglang lumapit si Michael kay Toni. Hindi naman nito dating ginagawa iyon. Alam niyang malapit ang dalawa ngunit parang iba ang kilos ni Michael ngayon. Hinayaan na lamang niyang itong umalalay kay Toni patungo sa puwesto ng dalaga.

"Kumusta ka, Toni?" Si Sir Bary. "Dinalaw ka namin sa ospital nun. We were so worried. Mabuti na lamang at madali kang nakarecover.".

"Masamang damo." Biro ni Chinchin.

"Grabe siya." Natatawang sabi ni Toni.

Maya-maya lamang ay nagtungo na sila sa quadrangle para sa Flag Raising Ceremony. Hindi pa rin naaayos ang kanilang covered court kung saan nila dating isinasagawa ang seremonya.

Pinuntahan ni Toni ang kanyang mga mag-aaral. Nag-ingay ang mga ito at halos dumugin siya. They surely missed her. Pagkatapos tugunin ni Toni ang mga ito ay pinaayos niya uli ang mga ito sa pila.

Nang nagsimula ang seremonya, lumapit sa kanya si Lorenz. May payong itong dala-dala. Kaya pala bigla itong nawala kanina. Kinuha nito ang payong sa sasakyan.

"Alam kong hindi ka lililim." Nakangiting bulong nito.

Tiningala niya ang binata. She smiled. Bakit ba lahat ng ginagawa nito ay ikinakikikilig niya pa rin?

Bago matapos ang seremonya ay lumapit sa kanila si Michael. "Balak mo yatang ma-daing." Biro nito.

"Sira." Siniko niya pa ang binata.

Tama ba ang nakita niya nang lumingon siya kay Lorenz? Nagtiim-bagang nga ba ito? 




Do You Believe in Magic?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz