CHAPTER SEVEN

63 8 0
                                    

VEENA POV

“Nandito na tayo” rinig mong sambit ni Calvin

“Grabe ang liit pala ng bahay nyo noh! buti nagka-kasya kayong pamilya dito?” —Calvin

“Nag-aasar kaba o nang-iinsulto?”—inis na sabi mo.

“Hehehe biro lang” —Calvin

“Kaya mo bang tumayo? Hindi ba sumasakit ulo mo?”
—Calvin

“Oo kaya ko na, makakaalis kana!”

Patayo kana sana para bumaba sa kotse pero nakakaramdam ka ng sakit sa ulo.Habang ang lalake ay nakatingin lang sa iyo.

“Ohh, ano pang tinitingin-tingin mo dyan, tulungan moko bumaba.”

“Sabi mo, kaya muna?” —Calvin

“Aisssh! Hihingi bako ng tulong kung kaya ko? Sumasakit nga ulo ko eh” —inis na sabi mo.

“Oo na, oo na!” —Calvin

Pumwesto ito sa harap mo ng nakatalikod.

“Anong ginagawa mo?” —tanong mo dito

“Ano pa ba? baba” —Calvin

“Ahh, eh”

“Ano? Bababa ka ba oh, bubuhatin kita ng pa bridal style?”
—Calvin

No choice kaya bumaba kana sa likod ng mokong.

“Anong bang kinakain mo, bat ang bigat mo?” tanong ng lalake habang naglalakad

“Aba,umaangal ka! sinabi ko bang i-baba moko.”

“Tsk, para kang baboy! Maingay na baboy na mabigat” HAHAHAH” —tawang tawang sabi nito

“Bwisit ka talaga”

“HAHAHAH, nagsasabi lang naman ako ng totoo eh”
—Calvin

“Totoo amp.”

Ibinaba kana nito sa sofa.

“Makakauwi kana”

“Ehh sa ayaw ko pang umuwi eh, may magagawa ka ba?”
—Calvin.

Pinatong nito kamay nya sa noo at leeg mo.

“Mainit ka parin, kumain ka ba bago pumasok sa school kanina?” —Calvin

“Hindi eh”

“May mga stocks ba dito na pagkain?” —tanong nito

“Medon.”

Pumunta ito sa kusina at nagluto ng noodles kumuha narin ito ng isang itlog at pinrito.

“Ito oh, kainin mo, hangga’t mainit pa”—sabay bigay ng pagkain

Kinuha muna ito at kinain, hindi ka makakain ng maayos dahil naiilang ka at pinapanood ka nito.

Matagal tagal din kayong nag k-kwentohan ng mokong kaya dumidilim na sa paligid.

“Teka, nasan pala parent’s mo?”—Calvin

“Nasa abroad sila mama at papa nagtatrabaho.”

“Edi, Ikaw lang magisa dito?”—Calvin

“Ganun na nga!”

“Hindi ka ba natatakot magisa ka lang?”—Calvin

Hindi naman!

“Gusto mo samahan kita?”—Calvin

“Gago, umuwi kana nga kung ano-ano na sinasabi mo.”

Baka kase takot ka sa—

Dina natuloy sasabihin ng lalake ng may marinig kayong kumakalampog sa taas.

Mabilis kang napabalikwas sa kinauupuan at pumunta sa kinaroroonan ng lalake, bigla mo itong niyakap dahil sa takot.

Nagkatitigan muna kayo nito ng ilang minuto bago ka natauhan at nag ayos ng upo.

“HAHAHA, sasabihin ko palang.”—Calvin

Tawa lang ng tawa ang mokong.

“Akala ko ba matapang ka?” HAHAHA —Calvin

“Ge, pagabi na rin, pano uwi nako!”—sabi ng lalake

“Ahh ehh, Calvin pwede samahan mo muna ako”

“Okay, madali lang naman ako kausap”—wika nito

“Akyat kana sa kwarto mo, magpahinga kana baka mabinat ka nyan.”

“Calvin salamat ah ang bait mo.”—wika mo sa kanya

“Ngayon lang toh, sulitin muna! HAHAHA” —Calvin

Pumunta ka na sa kwarto mo kasama si Calvin, sabi nya babantayan ka na raw muna nya hanggang makatulog ka bago sya umuwi.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now