CHAPTER EIGHT

53 8 0
                                    

VEENA POV

Kinaumagahan

~•Phone ringing•~

Agad kang tumayo para sagutin ang tawag sa phone mo. Nakita mong parents mo ito.

“Hello Anak” —wika ng mama mo.

Napaluha ka ng masilayan mo sa screen ng phone mo, si Mama at Papa mo sa video call.

“Anak bat ka umiiyak” —alalang tanong ng Papa mo.

“Ma, Pa, miss kuna po kayong dalawa” —wika mo habang umiiyak.

“Ganon din kami Anak, miss kana ni Papa at ni Mama.”
—Mama

“Wag kang mag-alala anak kapag nakaipon kami, uuwi rin kami dyan sa Pilipinas.”—Papa

“Anak, konting tiis lang”—Mama

“O-opo, naiintindihan ko po Ma, Pa”

“Alam ko naman po para sakin din toh, kaya nyo po ginagawa yan.”

“Salamat Anak, salamat sa pag intindi samin ni mama mo”
—Papa

“Walang anuman po”

“Tumawag pala sakin ang Adviser mo, sabi nya nilalagnat ka raw kahapon.” —wika ng mama mo.

“Mabuti nalang daw at napansin ka ng, ka seatmate mong lalake!”

“Sa pag uwi namin ng Papa mo sa Pilipinas, ayain mo sya sa bahay at ipagluluto ko sya bilang pasasalamat” —dagdag pa nito.

“Basta Anak, bawal muna ang jowa-jowa na yan ah” —wika ng mama mo.

“Mama!”

“Pinapa-alala lang ni Mama, baka malimutan mo”

“Opo”

“Eh kamusta ka ngayon! wala ka bang nararamdaman  o masakit sayo” —wika ng Mama mo.

“Ayus naman na po pakiramdam ko, wag na po kayong mag-alala sakin, intindihin nyo po yung mga sarili nyo, magpahinga rin po kayo ni Papa.”

Pagsisinungaling na sabi mo, dahil nilalagnat ka parin, ayaw mo lang mag-alala parents mo, kaya mo yon sinabi.

“Anak! natural lang sa magulang mag-alala sa anak nila, lalo na’t magisa ka lang dyan sa bahay” —Papa

“Opo! pero Pa, namamayat ka po, mag take po kayo ng vitamins ni mama.”

“Oo Anak, salamat sa pagpapa-alala” —Papa

“O siya sige na, babye na, at may work pa kami ng mama mo.”

“Opo,Pa! babye po, ingat kayo dyan ni Mama, Mahal na Mahal ko po kayo.”

“Mahal na Mahal din namin, nagiisang prinsesa namin.”
—Papa

Napangiti ka ng bahagya.

“I love you, Mama at Papa babye na po.”

Natapos na ang video call nyo.

Pumunta ka sa kusina at kumuha ng stock na pagkain at niluto mo ito, dahil narin sinasakit ka di kana nag abalang maggayak para pumasok.

Pagkatapos mong kumain ay hinugasan mo pinagkainan mo, uminom kana rin ng gamot at bumalik na sa iyong kwarto para magpahinga.

CALVIN POV

“Ah Sir Calvin, pinapababa na po kayo ng Mom nyo para kumain. —katok sa pinto ng maid sa mansion nyo.

“Sige, pa-punta nako” —tanging sambit mo

Bumaba kana para pumunta sa kusina, nakita mo roon ang Mom mo, kasama ang tropa mong si Kahel.

“Anong ginagawa nyan dito?” —tanong mo sa isip

“Anak, andyan kana pala” —Mom mo.

Lumapit kana sa kanila.

“Yo! CK pre kamusta?”—wika nito habang kumakain.

“Dina nahiya, ang gago!” sabi mo sa isip

“Mom, bat nandito yan?”—nagtatakang tanong mo

“Napadaan dito sa bahay, sabi nya sabay na daw kayo pumasok.” —Mom mo.

Kumain kana rin at habang nasa hapag kayo ay nagtanong Mom mo.

“Calvin Anak, yung pinahatid ko sayong babae kahapon kamusta na?” —Mom mo.

Bigla kang nasigmukan sa iniinom mong tubig dahil naalala mo ang babae.

~•Flashback•~

Nakaupo ka sa kama habang nakatingin sa babae.

“Hoy, ikaw maghihiganti ako sayong siraulo ka” —wika ng babae habang natutulog.

Natatawa kang napatingin sa natutulog na si Veena habang binabantayan mo ito.

“Pati ba naman sa panaginip mo, kasama ako HAHAHAH”
—sabi mo sa isip

“Ganun na ba ako ka gwapo?” —sagot mo sa babaeng nagsasalita habang tulog.

“Ang kapal din ng mukha mo noh, ang pangit mo kaya tas ang pangit pa ng ugali mo” —sagot ng babaeng natutulog.

“HAHAHAHA, poging-pogi ka lang sakin eh!”

“Ulol,mahiya ka! walang magkakagusto sayo, kase pangit ka.” —sagot ng babae habang mahimbing paring natutulog.

Kinuha mo cp mo at tinapat mo sa camera mukha nya, palihim mo itong kinuhaan, tumapat ka narin sa camera at nag picture katabi ang babae habang mahimbing itong natutulog.

Marami-rami karing nakuhang litrato, tinago muna cp mo sa bulsa ng short mo.

“Ahh, Veena uwi nako” — pagpapaalam na wika mo dito.

“Ma, please wag mokong iwan” —nagiiyak na sambit nito habang natutulog.

Habang wina-wahi mo, mga buhok na nakaharang sa mukha ng dalaga ay nagulat ka sa ginawa nito, dahil bigla ka nitong hinawakan sa kamay at hinila, dahilan para mapahiga ka rin.

“Mama, wag mokong iwan” —hagulgol nito habang nakayakap sayo.

Halos mapalunok kana ng laway sa kaba, kasabay ng pag-alon ng Adam’s Apple mo.

Hindi ka makagalaw dahil ayaw ka nitong bitawan, nakatulog kana rin dahil narin sa pagod ng katabi sya.

3:00 am

Nagising ka ng madaling araw na nasa bahay ka parin nila Veena.
Dali-dali kang tumayo at umuwi narin sa bahay nyo.

~•End of flashback•~


“Sino hinatid ni pre, Tita?” —nagtatakang tanong ng tropa mo.

“Si, Veena!” —wika ng Mom mo, sa kausap nyang si Kahel

“Si Ms.Veena? Diba yun yung, tinalian mo ng bag Pre?
HAHAHA”

Matalim mong tinitigan tropa mo dahil kaharap nyo Mom mo.

Nagtataka naman na napatingin sayo Mom mo.

“Ayos naman na po sya Mom”—tanging sambit mo

“Mabuti naman kung ganon” —wika ng Mom mo.

“Tita, alam nyo po ba may nagugustuhan na si CK classmate lang din po namin!”

Tiningnan mo ng masama tropa mo.

“Mukhang may papalit na sa Ex mo pre.” —Kehal

Anak ng!!

Siraulo talaga tropa kong toh, lahat na nabanggit —sabi mo sa isip

“Talaga, Anak sino don?”—tanong ng Mom mo

“Wala po Mom, wag po kayong maniwala dyan.”

Kinuha mo sa bulsa ng short mo, ang Phone mo, at nakangiti kang tiningnan, litrato nyong dalawa ni Veena pati narin mga solo pic nito habang tulog.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now