CHAPTER THIRTEEN

44 7 0
                                    

YOUR POV

“C-Calvin?” —nagtataka kang nakatingin dito

“Anong ginagawa mo dito ng, dis-oras ng gabi?”
—naguguluhan mong tanong sa lalake.

“Bat basang-basa ka?”

“Anong nangyari sayo?”

Hindi mo pa ito pinapa-pasok sa loob ay sya na mismo ang nagpapasok sa sarili nya.

Nakita mo itong paupo sa sofa nyo kaya sinabihan mo ito.

“Hoy, basa ka wag ka dyan umupo!”—sambit mo dito

“Veena, pwede humingi ng favor?”—wika ni Calvin

“Anong ka favor ba yan?”—takang tanong mo

“Pwede makitulog dito?” —nag mamakaawang sabi nito sayo.

“Kahit ngayon lang, please?” —Calvin

“Okay sige, tutal tinulungan moko, tutulungan din kita basta ngayon lang ahh!” —matamlay na wika mo sa kanya

“Salamat, Veena!”

“Ahh pwede favor ulit?”—Calvin

“Sige, ano ba yon?”

“Manghihiram muna sana ako ng damit, kung okay lang sayo?”

“Sige wait ka lang dyan!”—wika mo dito

Agad kang nagtungo sa taas, para kumuha ng damit na naiwan ng papa mo, magngunguha ka na rin sana ng tuwalya kaso naalala mong nagiisa lang ang tuwalya sa bahay nyo, at ito ay iyong tuwalya, dahil sayong gamit nalang natira sa inyong bahay.

Nahihiya ka naman ipagamit ang tuwalya mo dahil nakailang gamit kana dito.

“Calvin, ito oh”—sabay abot mo ng damit sa kanya

“Ahh, may tuwalya ka ba hehe, makikiligo sana ako?”
—tanong nito

“Ahh ehh meron kaso saking tuwalya yon, nakakahiya nagamit kuna, akin nalang kasing gamit natira sa bahay eh!”

“Ayus lang, pahiram ako, nilalamig narin kasi ako!” —Calvin

Kahit nagaalin-langan kang ipahiram ito ay kinuha mo parin, inamoy mo muna ito bago nagtungo sa baba at ibigay sa lalake.

Nahihiya mo itong inabot sa lalake.

“Ito ohh!”—sabay abot mo ng tuwalya

Kinuha naman nya ito agad at pumunta na sa cr para maligo.

Di ka mapakali dahil may kasama ka sa bahay ngayon, dahil bukod sa parents mo, tanging ang bestfriend mo lang ang nakakasama mo sa bahay matulog pag dumadalaw ito.

Nanunuod ka sa TV ng teleserye.

“Veena!”—tawag ni Calvin sayo

Napalingon ka sa lalakeng tumatawag sa name mo at nanlaki mga mata mo.

Kitang kita mo ang hubog ng gandang katawan ng lalake matagal karin nakatingin abs nya.

Halos mapalunok kana ng laway sa nakikita mo.

Lahat ng makita mong gamit ay pinag babato mo sa lalake.

“Aray masakit, tama na Veena?” —nagmamaka-awang sabi nito.

“Bakit topless ka?” —sigaw mo dito habang pinagbabato mo parin ng mga gamit na mahawakan mo.

“Aaah! Veena tama na! Sorry na” —wika ng lalake habang nakahawak sa mga tinamaan ng gamit sa kanyang katawan.

Nahimasmasan ka naman kaya tumigil ka sa pag bato ng mga gamit.

“Sorry, tuwalya lang kasi nadala ko sa Cr saka underwear” —pag papaumanhin na sambit nito.

“Sige, magbihis kana don!” —sabay turo mo sa Cr

Agad naman na nagtungo ang lalake at lumapit sayo.

“Sorry Veena!” —Calvin

“Okay lang, sorry din nabigla lang ako”

Napatingin ka sa mga braso nitong puro pasa.

Agad kang nagtungo sa ref at kumuha ng yelo.

Umupo ka sa tabi ng lalake.

“Sakin na kamay mo” —wika mo sa lalake

Inabot naman ng lalake ang kamay nya.

“Sorry, nagkapasa ka dahil sakin” —wika mo habang ginagamot mo ang pasa nya

Mabusisi mong ginagamot ang mga pasa nya sa braso habang sya ay nakatitig lang sayo.

Nasiko mo ang bandang dibdib nya at napa-inda sya sa sakit.

“Aaahh!” —mahinang wika ng lalake, habang iniinda ang sakit na nasiko mo sa may bandang dibdib nito.

“Sorry!”

“Ayus lang!” —Calvin

“Alisin mo, T-shirt mo gagamutin ko mga pasa mo” —wika mo dito

Agad naman hinubad ng lalake damit nya at sinimulan mo na itong dampian ng yelo.

Halos mapatitig ka nalang sa dibdib nito, dahil malapitan mo itong nakita.

Habang ginagamot mo ito ay hinawakan ni Calvin kamay mo, na ngayon ay nakapatong na sa dibdib ng lalake.

Kinakabahan kang tumingin kay Calvin.

“Calvin, anong ginagawa mo?”

“Yung kamay ko bitawan mo!”

Wala lang imik ang lalake at lalo pa itong lumapit sayo hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa payakap sayo.

“Hoy Calvin!”

Naramdaman mong mainit ang katawan ng lalake.

“Ang init mo, nakakapaso!”

“Sinasakit kana, gagi”

“Hoy gumising ka, Calvin!”

Halos sumigaw kana sa lalake pero wala parin itong kibo marahil ay nakatulog na.

“Calvin ano ba, ang bigat mo!”

Wala parin response ang lalake.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now